Kabanata Fourteen
"Brent Cliff? Familiar yung name niya." Pinakita ko kasi kay Armie yung calling card na binigay sa akin ni Brent. Calling card ito pero pangalan at contact information ang lang nakalagay dito. Hindi katulad ng ibang calling card na nakalagay doon kung ano ang title or service na mao-offer nila.
"Familiar? Ngayon ko lang na-encounter ang pangalan niya." Artista din kaya yun?
"Seryoso?" Binuksan niya ang cellphone at parang may sinearch sa internet. "Sabi ko na nga ba, siya yun! Kyaaaaaa! Ang swerte mo girl! Grabe ikaw na! Tignan mo oh!" inuga-uga pa ang balikat ko.
"Patingin!" dahil sa sobrang curious ko ay inagaw ko sa kanya ng phone niya. Nakalagay doon ang totoong profile ni Brent. Isa pala siyang sikat na photo journalist hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa. Ginawaran siya ng iba't ibang awards internationally at na feature na rin sa iba't ibang magazine kasama na ang presteryosong Time Magazine Asia.
"Grabe, he's too perfect for you! Sobrang gwapo niya, ang hawt pa! Hahaha kinikilig ako! Kontakin mo na siya, makipagkilala ka na. i-seduce mo na go! kyaaaaah!"
Kung ano ano na ang pinagsasabi ni Armie pero hindi na ito pumapasok sa utak ko. Nagp-process pa kasi ang impormasyong nalaman ko tunkol kay Brent. Waaaa. Nakatulala lang ako sa Gwapo niyang picture sa internet. Grabe bakit hindi ko alam ang tungkol sa kanya?
Naguguluhan ako. Kinakabahan at syempre kinikilig. Ito na ba ang nakatadhana para sa akin? Waah hindi ako makapg concentrate!
"Miss Galvez, answer requirement number 1! If you don't want to be called, please pay attention." Nagulat na lang ako sa biglaang pagtawag sa akin ni sir! huhu Nakapagrecite tuloy ako ng wala sa oras. Mali pa ang computation ko! Bat kasi ang haba ng formula? Tsk. Ito ang epekto sa akin ng mahabang bakasyon. Pati utak ko nakapagbakasyon din. Revenue recognition sa franchise agreement lang hindi ko pa maalala! Malala na talaga ako!
Sa klase, okay lang kung hindi mo masagutan ng tama ang mga tanong. Normal lang ito sa amin. Halos ganito na lang lagi eh! Kaya okay lang. kahit na Medyo nakakahiya nga lang hehe.
Unang araw pa lang ng klase since intrams ay haggard nanaman ako! Hays, paano ko isisingit ang love life ko kung sa pag-aaral pa lang ay sobrang ubos na ang oras ko?
Lord, sana mabalanse ko lahat ng pangyayari sa buhay ko!
Mabuti na nga lang at wala kaming klase sa minor subjects ngayon!
May time kaming magkwentuhan ni Armie. Pero bigla akong tinawagan ni ninang.
Andun daw siya sa taping ng bagong movie ni Jake. Pinapauwi niya ako sa bahay para ipakuha yung gamit na naiwan ni Jake.
"Tsk. Bat pa kailangang ako pa. Andami naman nilang katulong! Sana sinabi ko na lang na may klase pa ako!"
"Haha. Ayaw mo nun? Atleast makikita mo na ng mas malapitan ang iba't-ibang artista na co-star ni Jake kasama si Sandra. O diba? may chance ka ng makausap sila in person?"
Co-star? ibig sabihin yung mga taong nagprank sa akin nung isang gabi? NO WAY!
"Hindi pwede ayaw ko! Kailangan nating gumawa ng palusot hindi ako pwedeng magpakita don!"
"Teka, why naman Kristine?"
Hindi ko pa pala naikwento yung nangyari after cheering competition. Sa totoo lang ayaw kong ikwento yun kasi sobrang nakakahiya.

BINABASA MO ANG
Don't Credit My Heart
RomanceMay kakilala ka bang BSA student?? nawe-weirdohan ka na ba sa mga ikinikilos nila?? hehe kung tama ang hinala ko, at sa tingin mo'y dapat na silang magpatingin.. OOPPSS! teka muna,, basahin mo muna to!! para kahit papaano eh,, maintindihan mo naman...