Kabanata Ten

387 5 0
                                    

Kabanata Ten

(Third Person's POV) 

Hindi mapakali si Jake sa kanyang cellphone mula nang may natanggap siyang MMS mula sa hindi kilalang number. "What the hell is this? F**K!" hindi niya mapigilang mapamura dahil sa sobranf inis. Iisa lang kasi ang taong nasa isip niya na pwedeng gumawa non. Walang iba kundi ang babaeng kinaiinisan niya. Kaya pala panay ang ngiti nito. Para siyang libro sa Financial Accounting. Makapal. Tama ang hinala niya. May plano itong hindi maganda. Naalala rin niya na binigay nito ang number kay Kristine sa sasakyan.

"No Doubt! Siya lang naman ang pwedeng gumawa sa akin nito!"

Sinubukan niya itong itext at tawagan pero pinatayan lang siya kaya pinuntahan niya ang kwarto ni Kristine pero matigas talaga ang ulo nito. "Hoy! Alam kong ikaw yan! Buksan mo itong pintuan kung ayaw mong sirain ko yan!" Plano na talaga niyang sirain ang pinto pero biglang nagring ang cellphone niya. Tinawagan pala siya ng manager niya. Kinumpirma ang pag leave niya sa trabaho. Inirequest kasi yun ng mommy niya.

Babalikan pa sana niya si Kristine pero nasa baba na ito. Kumakain. Tss.. It's obviously you. Guilty freak! Yun ang ibig sabihin ng mga titig niya kay Kristine.

Alam niya kasing si Kristine lang ang gustong maghiganti sa kanya ng ganon kasi halata sa mukha niya na nakokonsensya siya. Hindi man lang niya magawang galawin ang pagkain na nakalapag sa harapan niya.

Wala rin siyang balak isumbong sa mga magulang niya ang nangyayaring conflict between them. 

"Kristine, may masama ba sa'yo?" Obvious kasi na hindi maganda ang pakiramdam niya.

"Wala po. Siguro napagod lang po ako kanina. Pwede na po ba akong magpahinga?" Excuse nito at tuluyan ng  bumalik sa kanyang kwarto. Hindi niya magawang titigan si Jake.

"I need to get that damn phone before she upload that f**king video!" Hindi siya mapakali sa kwarto niya. Hindi rin siya makapagcheck online dahil sa sobrang lakas ng ulan na nilakipan pa ng kulog at kidlat. Pinapatay kasi nila ang internet once na kumidlat ng ganun kalakas. Ang tanging pag-asa na lang ay makuha ang cellphone kay Kristine kaya pupuntahan niya ito sa kwarto niya.

Sa lahat kasi ng video niya ay yun ang pinakaayaw niya. Ayaw namang ipatapon ng mommy niya ang video. Pero this time, kailangan niyang sunugin yun lalo na't sikat siya.

Nagpunta siya sa kwarto ni kristine upang hanapin ang cellphone nito. Kinuha niya ang duplicate key dun sa isa sa mga katulong nila. Pagkabukas niya ng pintuan, ay naabutan niyang mahimbing na natutulog si Kristine. Good timing iyon para kay Jake para hanapin ang phone ni Kristine pero hindi niya ito mahanap. "Baka andun sa kama niya?" Kaya tinignan nito ang higaan niya at nakita ito doon. Pero mahihirapan siyang kunin yun dahil nasa ilalim ito ng unan na akap-akap ni Kristine.

Kahit na mantikang matulog si Kristine ay kailangan pa rin niyang mag-ingat. Baka kasi bigla itong magising at kung ano pa ang isipin nito sa kanya. Dahil sa madaling uminit ang ulo niya ay biglang hinila ang unan na yakap ng dalaga. "Sh*t! Hindi siya nagising! Hahahaha!" Kahit anong ingay na  gawin niya ay hindi magising si Kristine.

"Yes, I have to delete this freaking video!" Laking tuwa niya dahil walang password ang cellphone ni Kristine. Gusto rin niyang mag take ng revenge kaya humanap din ito sa gallery ng picture na magandang pamblackmail.

Humiga siya sa tabi ni Kristine at pinang unan ang  kinuha niyang unan na yakap ni Kiristine. "Haha, sa susunod kasi, be careful kung sinong aawayin mo." 

Maraming wacky pictures ang dalaga sa cellphone niya. "Alin kaya dito ang magandang pang blackmail! lahat naman ugly?" Bigla na lang siyang nagulat dahil bumaliktad ng pwesto si kristine at bigla siyang niyakap na parang unan.

Don't Credit My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon