Kabanata Twenty
"Inaantok pa ako..." Maaga kasi akong pumasok ngayon. Madilim pa lang ay umalis na ako ng bahay.
Mas mabuti na ito kesa makisabay ako kay Jake. Pero hindi naman talaga yun ang dahilan eh. Kaya ako maagang pumasok ngayon ay para taguan si Gino. Pag ganitong oras kasi ay wala pang masyadong tao kaya malabong mangyari na makakasalubong ko sya ng ganitong oras.
Masaklap mang tanggapin pero mukhang kailangan ko atang pumasok ng ganito kaaga araw-araw. "Waaah.." *yawn*
"Pero anong gagawin ko?" Mag-isa ko lang dito sa classroom. Walang magawa. Nakakaantok ang ambiance.
May naalala ako. Kailangan ko palang itext sina tita. Maaga akong gumising at tulog pa sila kaya hindi na ako nakapagpaalam sa kanila.
Lumabas kaya muna ako? Tutal sobrang aga pa naman.. Kesa naman magmukmok ako sa classroom. Mahirap na kasi baka tuluyang makatulog ako.
Malamig at mahamog pa sa buong campus pag ganitong oras. 6:17 am pa lang kasi. Medyo madilim pa rin. Paunt-unti pa lang ang mga estudyanteng pumapasok.
Naalala ko tuloy nung last time na pumasok ako ng ganito kaaga. Yung day nakita ko si Jake?
"Aaaaarrggghhh!" Naaasar ako tuwing naaalala ko yun. Kung hindi lang sana ako pumasok nun ng maaga edi sana hindi naging ganito kagulo ang takbo ng buhay ko ngayon!
Nagulat na lang ako nang biglang nagvibrate ang cellphone ko. May tumatawag. Unknown number.
"Sino kaya ito?" Nag-aalangan akong sagutin. Paano kung sina Gino ang tumatawag? Paano nila nakuha ang number ko?
Hindi ko ito sinagot.
Maya-maya'y nagvibrate ulit. Ang creepy. Kaya pinatay ko na ang cellphone ko.
Naglakad-lakad pa ako hanggang sa unti-unti ng dumarami ang mga taong papasok ng school.
Kailangan ko na ring pumasok. Baka may makakilala pa sa akin ditong kasamahan ni Gino.
---------------------------------------------------------------
"Kaya siguro absent si Jake dahil alam na niyang wala tayong klase sa humanities ngayon noh?."
"Siguro.. Close ata sila ni Prof eh." Tugon ko naman habang kumakain kami ni Armie ng banana cue.
"Eh ba't di niya sinabi sa'yo?"
"Aba, malay ko? Tsaka wala rin akong pakialam kung hindi niya sabihin sa akin. Wag na nga natin siyang pag-usapan, nakakabanas na eh."
"Okay."
Naging tahimik na lang kami ni Armie hanggang sa naubos na namin ang kinakain naming banana cue.
"Akin na 'yang stick mo, ako na ang magtatapon." Sabi ni Armie kaya binigay ko naman sa kanya ito. "Diretso na rin ako sa CR. Wiwi lang ako saglit." Paalam pa nito kaya tumango na lang ako.
Habang mag-isang nag-aantay kay Armie ay naisipan kong buksan ang cellphone ko. Kanina pa naman ito nakapatay. Siguro wala na yung makulit na tumatawag.
Pero wala pang 5 muntes mula nung i-turn on ko ay tumatawag ulit yung unknown number. Wala naman sigurong masama kung sagutin ko ito.
Okay lang magtapang-tapangan diba?
Kung si Gino man ito, magpapanggap na lang ako na hindi ko siya kilala para matigil na ang kahibangang ito! Tama! Bat di ko agad naisip 'yon?
"Hello?" hindi pa sumasagot ang kabilang linya ay pinatayan ko agad ito. Sobrang lakas ng heartbeat ko. Nakakilabot!
BINABASA MO ANG
Don't Credit My Heart
RomanceMay kakilala ka bang BSA student?? nawe-weirdohan ka na ba sa mga ikinikilos nila?? hehe kung tama ang hinala ko, at sa tingin mo'y dapat na silang magpatingin.. OOPPSS! teka muna,, basahin mo muna to!! para kahit papaano eh,, maintindihan mo naman...