Kabanata Four

406 6 0
                                    

Kabanata Four

"Kristine, naka ready ka na ba? Siguraduhin mong sarado ang lahat bago tayo umalis." Bilin ni ninang. Habang pinapasok ang maleta ko sa SUV nila. Nakakalungkot talaga pero kailangan ko nang umalis.

"Opo ninang. Ni-lock ko na po yung pinto at pinatay lahat ng dekuryenteng kagamitan." Sagot ko.

"Good. Bilin kasi sa'kin ng daddy mo 'yun. Kung okay na ang lahat, tara na at may naghihintay na makakain sa bahay." Tumango ako at pumasok na sa sasakyan. Tuluyan nang nagpaalam sa aking tahanan. Ang drama ko ano?

Nasa daan pa lang ako ay namimis ko na agad ang bahay namin. Gusto ko nang umuwi!

"Wag kang mag-alala hija, parang bahay mo na rin yung pupuntahan natin. Wag ka nang malungkot." Ganon ba ka-obvious ang expression ko? Worried tuloy si ninang.

"Hindi naman po ako nalulungkot, medyo kinakabahan lang po ako dahil hindi ko pa po nakikita yung ibang kapamilya niyo." Palusot ko.

"Kung yun ang pinag-aalala mo, wag mo dapat gawin yun. Mababait sila, alam mo ba na gusto nilang magkaanak ng babae? for sure matutuwa sila sa'yo." Paliwanag ni ninang. ibig sabihin wala silang anak na babe.

"Oh, andito na pala tayo, greet mo si Tita Jessy mo ha?"

"ah, o-opo." Hindi ko namalayan na humito na pala ang sasakyan. Pumasok kami sa isang malaking gate na kung nasaan ay nakatago rito ang isang malaking bahay. Doble ito o baka triple pa sa size ng bahay namin. Sa may pintuan, may isang babaeng nag-aabang sa amin. siya na siguro si Tita Jessy na tinutukoy ni ninang.

"Wow, ikaw ba si Kristine? Ang pretty mo naman, call me Tita Jessy ha? Feel at home!" bati sakin ni Tita Jessy sabay nakipag beso. Pinagmasdan ko siya. Para siyang anghel. Kung titignan ko siya sa pisikal na anyo, hindi ko masasabing may asawa na siya.

"ahm. opo. Salamat po sa warm welcome Tita. Ang Ganda niyo pala.^_^" Tuwang tuwa naman siya sa kin. ayoko talaga sa mga ganitong sitwasyon. Ang Awkward.

Pinapasok na niya kami sa loob. Ang lawak at ang linis ng loob ng bahay. Plain white lang ang pintura. At ang interior, What on World! (WOW). Hindi basta basta makikita kung saan ang mga kagamitan. Ang ganda! Halatang gawa ito ng isang magaling na arkitekto. Pero may pagka weird. Walang kahit anong picture lamang ang nakadisplay sa living room nila maging sa hallway.

"Alam mo ba na gustong gusto talaga naming magkaroon ng anak na babae? kaya ayun tuwang-tuwa ako na makikitira ka dito. Kaya pinaayos ko yung guest room para sa'yo sana magustuhan mo." Sabi niya sa akin habang papunta kami sa sinasabi niyang silid para sa akin.

"Naku, hindi niyo naman po kailangang ipaayos yan tita, okay na saakin kahit simple lang." sabi ko pero pagkakita ko sa kwarto, daig pa ang hotel sa ganda at ayos. Grabe ang awkward talaga, ayoko ng ganito.

"Ang humble mo naman. O siya, ilagay mo na ang mga gamit mo at kumain na tayo, naghanda ako kaya wag mong sabihing gutom ka na ha! Dito, bawal tumanggi sa pagkain!" Tumango lang ako at sinunod sila.

Pagdating sa kainan, angdami nilang niluto. Parang fiesta. Kaso tinitignan ko palang ito, feeling ko mabubusog na ako. Ibang-iba talaga pag sobrang mayaman.

"Nga pala, balita ko, Accountancy rin ang kinukuha mong kurso?" Muntik na akong mabulunan sa tanong ni Tita Jessy. Ayan na naman at nag-uumpisa na ang kinaaayawan kong tanong sa buong buhay ko.

"O-opo." Tugon ko. Sabay inom ng malamig na tubig.

"Alam mo rin ba na schoolmate sila sa bagong school ni YAT-YAT?" Dagdag pa ni ninang. Yat-yat? Sino kaya siya? Wala akong kilalang yat-yat.

Don't Credit My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon