Kabanata Eighteen

261 6 0
                                    

Kabanata Eighteen

"Gutom na talaga ako!" reklamo ko sa sarili ko. 10:30 pm na, hindi pa rin tapos sina tita.

Pagkatapos ko kasing magsimba ay niyaya ako ni tita na magbonding. Pero wala pa kaming isang oras sa mall ay biglang tinawagan si tita. May online presentation pala sila ngayon. Unexpected. Nanggagaling pa kasi sa ibang bansa ang investor nila. Kaya kailangan nilang irush ang presentation. At ako naman, naiwan  dito sa loob ng opisina ni tita. Nasa conference sila kasi ngayon at kasalukuyang gumagawa ng pera. Alam na!

Kung pwede lang ay gusto ko ng umuwi. Kakakain ko lang ng sandwich pero gutom na naman ako. Kailangan ko talagang kumain ng kanin. Kaso paano ako magpapaalam kay tita? "Ang tagal naman nila sa loob!"

"Nalaro ko na lahat ng games ko sa cellphone, na-play ko na lahat ng songs ko sa playlists pero hindi pa rin sila tapos. Sana naman may dala akong libro sa accounting ngayon, para kahit papaano, nakakapgreview ako!" Baka bukas kasi, magparecitation ulit si sir! Nakakatakot! :( Naalala ko, may drill pa pala kami sa taxation bukas. Kahit medyo nakapagreview na ako dun, kulang pa rin yun!

"Kristine? Bakit andito ka pa? I thought umuwi ka na?" After one thousand years, natapos rin sina tita sa ginagawa nila.

"Nope. Hinintay ko na po kayo."

"Naku ikaw talaga bata ka! Nagdinner kana ba?" umiling ako. "What? Malamang gutom na gutom ka na! Almost midnight na oh! Oh my god, kung ganon, tara sa labas let's eat dinner. Hindi ko ba nasabi sayong umuwi ka na? Kawawa ka naman." Sabi ni tita habang nagmamadaling kunin yung bag niya.

"Sorry po tita!"

"No, ako dapat ang humingi ng sorry! Tara at kumain na tayo!" Aya niya. Hindi na siya nag-ayos at bumaba agad kami ng elevator.

Mabuti na lang at may restaurant sa tapat ng building nila tita, doon na lang kami nag dinner.

"Thank God it's still open up to this hour."

Dahil sobrang late na ay kaunti na lang ang nakain ko.

"I'm so sorry talaga ha?"

"Naku okay lang po talaga yun! Hehe worth it naman ang paghihintay dahil ang sarap ng pagkain eh!"

"Haha ikaw talaga! Sana talaga naging anak na lang kita! Para hindi lang si Yat-yat ang baby ko, sobrang busy kasi niya eh!"

"Pwede naman po ah, ituri niyo na lang po akong anak. Ang sarap din kasi ng feeling ng may mommy eh!"

"Okay, mula ngayon ako na talaga ang mommy mo! Wag mo na kong tawaging tita ha, mommy na lang!"

"Sige po, kahit awkward. mommy."

"Sarap pakinggan! May little girl na ako! Hindi lang Yat-yat ang baby ko!"

"Ah, tita si Jake po kasi.. bakit hindi na po siya pumapasok sa klase. Paano po yun pag bumagsak siya?" Para maiwasan ang awkward moment, ibinaling ko na lang kay Jake ang topic.

"Hindi siguro, actually nagsusubmit siya ng quizes and activities niyo through online. Hindi naman material ang attendance sa inyo diba?"

"Hindi naman po. Pero bat di nalang siya mag-online studies, my offer po yung university namin." Kung sa online din lang siya gumagawa ng activities eh bat pa siya nag enroll kung hindi rin lang siya pumapasok diba?

"He tried that already for his few years in BSA  pero alam mo naman ang daddy niya, hindi natutuwa sa ganon lang na service.. In fact, may mga subjects pa rin naman siyang inenrol online eh." Humigop siya saglit ng coffie.  "Kahit abutin daw siya ng ten years sa college, mas gusto yung literally present na pumapasok siya sa school. Kaya kahit busy, sinusubukan niyang pumasok."

Don't Credit My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon