Chapter 1

4.4K 64 4
                                    

MICH'S POV 

"Cheer up Mich!" Sabi nila ate Denden. Binigyan niya naman ako ng makahugang tingin.

"Bawi tayo! Pakita natin yung laro natin nung first set." Pahabol ni ate Ly.  Tapos ganun din ang tingin niya sakin. Oo nga pala, alam nila yung kay Jia. 

Bale ang nakakaalam sa team ay syempre ako at si Jia, sila ate Ly, ate Den, Kim and Ana.

"Tara! Tara!" Pageencourage nila ate Ella and Ate Mae.

"Sorry" bulong ko.

"Okay lang! Bawi na lang!" Sabi ni Marge.

It's our second game sa Shakey's V League againts Arellano University. Fourth set na tapos lamang pa sila ng 4 points ngayon, 2nd Technical Timeout na, nakarating lang naman sila sa timeout dahil sa net block ko. Nakakadami na talaga ako ng errors ngayon.

"Bawi" bulong nung kung sino man yun sa likod ko nung pabalik na kami sa court. Paglingon ko si Jia pala.

"Bigyan kita" dagdag niya pa. Gusto ko sanang sabihin na wag muna ako, wala talaga ako sa wisyo ngayon. After what happen, nagtatalo ang puso't isip ko kung tama ba yung ginawa ko.

Tama bang talikuran ko yung taong mahal na mahal ko nung halos magmakaawa siya na bumalik kami sa dati.

Tumungo na lang ako, nginitian niya ko tapos bumalik na siya sa zone niya.

Paano niya nagagawa yung mag act ng normal after what happen, parang walang nangyari, siya padin yung baby panda ko pero less clingy, hindi pala, totally wala ng clinginess, hindi na nga pala kasi kami naguusap masyado. Pero more caring siya. Ewan ko ba, lagi kasi akong tinatanong ni Bea kapag umuuwi ako sa dorm, nung tinanong ko siya hindi na siya naka deny at sinabing si Jia ang nag sabi or naguutos nun sakanya na bantayan daw muna ako.

Ang pinaka look out ko sa dorm eh si Jamie, she don't know something about something us or something going on, basta ang alam niya, nagaway kami ni Jia, na wala ng solusyon sa problema na yun, pero she knows I still care for Jia. Hindi niya alam na mahal ko na pala si Jia.

Kung kay Jia mismo, I got Kim to tell me everything. Pero so far, hindi daw nagsasabi talaga si Jia ng something about us. Pero lagi daw late umuwi si Jia, hindi late na gabi, for example, ang uwi niya 3 mga before 5 pa daw siya nakakauwi, kapag free time naman niya, hindi ko din siya nakikita, halos araw araw kasi, sabay kami ng free time. Sa classes daw, mas okay na siya, pero nakikita daw ni Kim na lutang pa din siya pero mas okay na nga compare sa dati na bago daw ako umamin.

Nakita ko yung bola, pero pababa na yun bago pa man ako tumalon. Wala akong nagawa kungdi itulak na lang yung bola.

"Bakit hindi mo pinalo?" Tinanong ni ate Den habang nakatingin pa din sa bola, buti na lang wala din sa timing yung Middle nila nung pinalo kaya madali lang nakuha ni ate Den yung bola.

Too confuse (Too Innocent book 2) JiaMich Fan Fiction COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon