JIA'S POV
After our campfire, we all proceeded to our respective rooms but of course, not before hugging Bea and thanking her with everything.
Alam kong mabigat sa pakiramdam, but with Bea reassuring us that it's okay and she's fine with it, parang unti unti na naming natatanggap that soon, there will be no Bea na laging nagpapasaya sa amin, na nandiyan para sa akin.
I am laying here in the bed beside Bea, and I know she's sleeping already, sinabi niya din sa amin when we're on our way she'll be sleeping this night.
To be honest kinabahan ako nung sinabi niya iyon, kinabahan na hindi na siya bumalik, kung siya ready na, ako hindi pa. Ayoko pa, hindi ko pa kaya.
But then sinabi niya nga, hindi pa siya ready dahil may isa pa siyang gagawin. Hindi ko man alam iyon, naniniwala ako na totoo yun at hindi pa siya aalis.
Pinagmasdan ko ang kanyang mukha at naisip, ano na ang gagawin ko pag wala siya?
Tatlong buwan pa lang ang nakakalipas, pero sobrang laki na ng impact niya sa buhay ko, feeling ko ay hindi ako kung sino ako ngayon kung wala siya, hindi ako si Jia na naging malakas kung wala si Bea.
Naramdaman ko nanamang tumulo ang luha ko, okay na to na tulog siya dahil ayaw daw niyang umiiyak ako lalo na't siya pa ang dahilan.
Dahan dahan akong tumayo at lumabas ng kwarto namin, madaling araw na pero hindi pa din ako dinadalaw ng antok, parang ayaw ko na ngang matulog pa at bantayan na lang si Bea para hindi muna siya kuhanin.
Pero it really hurts na kahit ano naman ang gawin ko walang mangyayari.
Nakalabas ako at nanatili na lang ng ilang minuto sa may pool area, nakatitig lang sa tubig habang naririnig ang mga alon mula sa dagat sa hindi kalayuan.
May nahagip ang aking mata na isang imahe na naka upo sa kabilang dulo ng area, siguro ay hindi ko siya napansin dahil masyado akong busy magisip ng mga bagay bagay.
Napansin ko siyang umiiyak kaya naman nilapitan ko iyon dahil una pa lang ay alam ko na kung sino iyon.
"Jho, okay ka lang?" Tanong ko.
Nung una ay hindi siya sumagot at patuloy lang sa pagiyak.
Hinintay ko siya na medyo kumalma, nagsalita na din naman siya after.
"I don't want to, but I did. Believe me Jia, hindi ko naman alam na mahuhulog ako sakanya, I keep it for this few months because I don't want to interfere, because I know she's happy" Pagsisimula niya.
"I have no idea what you're saying, Jho" Sagot ko.
"I first saw her, ako yun Jia, sabi nila first come first serve, dapat sakin siya Jia, dapat sakin si Bea" Sabi niya. Napanganga ako sa narinig ko, hindi ko inaasahan to, I didn't see it coming.
"That day when she first talked to you, I saw her, I met her, I talked to her first. Hindi ako naniniwala sa love at first sight kasi sobrang cliché nun, pero with Bea ayun yung naramdaman ko. When I saw her walking towards our side, akala ko ako pupuntahan niya, akala ko may epekto ako sakanya tulad ng epekto niya sa akin, pero nadurog yung puso ko nung ikaw yung pinuntahan niya, I know that moment, she likes you and I don't have a chance against you" Pagpapatuloy niya.
"I know she loves you from the way she looks at you, at kahit umaasa ako, nawalan na talaga ako ng pagasa. Alam ko na kaibigan niya lang talaga ako dahil hindi man lang niya nasabi na may ganito na pala, alam kong yun lang ako sa buhay niya, pero ni konti hindi nabawasan yung pagmamahal ko sakanya. I want to hate you Jia kasi ikaw yung mahal ng mahal ko, but even before the accident even though nakikita kong nasasaktan siya ng dahil sa'yo, alam kong ikaw at ikaw lang ang source ng kaligayahan niya. I can't hate you for making my secret love happy. At ngayon, may ganito, malalaman ko na lang na wala na pala akong oras para man lang sabihin sabihin sakanya, naisip ko na lang, paano na ako? Sa pagbibigay ko ng daan sa'yo nasa dead end na pala ako" Sabi pa niya.
BINABASA MO ANG
Too confuse (Too Innocent book 2) JiaMich Fan Fiction COMPLETED
FanfictionBook 2 of Too Innocent (JiaMich Fan Fiction) Too complicated.. Too dumb.. Too confuse.. Ayan ang mga dapat abangan sa storya na ito.