Chapter 16

1.8K 50 4
                                    

JIA'S POV

"...and, sino kayo?" Tanong niya. 

"Bea? Sino yun? Sino ako?" Tanong niya ulit. 

"Bae naman, wag kang mag joke ng ganyan! 2 weeks mo kaya kaming pinaghintay tapos, joke na kagad?" Tanong ko, feeling ko tutulo na yung luha ko. 

"Ha? I.. I can't remember anything. Teka, sino ka ba?!" Tanong niya. Medyo galit na siya. Ganyan siya kapag clueless siya sa mga bagay, nagagalit siya. 

"Anak, Bea, I'm your mom. Okay?" Singit ni tita Det. 

"Mom?! Huh? Ahhhh!" Sigaw niya tapos humawak siya sa ulo niya. 

Lumayo ako kay Bea. Hinahawakan naman siya ni tita Det sa braso niya, while she's still shouting in pain. 

Mas gugustuhin ko pang makita siyang tulog kesa nasasaktan. 

'Teka, sino ka ba?!' Ang sakit din pala, kapag yung taong hinihintay mo ng matagal ay hindi ka na kilala. 

Dumating si kuya Loel with the doctor. 

"Bea, okay calm down." Sabi ni Doc. 

Siguro sa sobrang sakit ng ulo niya, hindi na siya maawat. Tinurukan na siya kagad nung nurse na kasama. 

Parang bigla naman kinuha nung turok na yun yung energy ni Bea. 

Yung sumisigaw kanina na Bea ay biglang nawalan ng malay. 

"Eugene, what happened to her?" Tanong ni tita Det dun sa doctor. Niyakap siya patagilid ni kuya Leol. 

"Will be seing her pa. Pero sa nakikita ko, hindi niya tayo maalala, according sa reports na nakuha din namin sa police, tumama yung ulo niya nung nasagasaan siya right? That is the cause of her amnesia. But I said, titignan pa namin siya. Yung sinabi ko a conclusion ko lang. Ngayong gising na siya, mas malalaman pa natin ang nangyari sakanya through tests." Sagot ni Doc. 

"Babalik pa ba tito?" Tanong ni kuya Loel, he is reffering sa memory ni Bea. 

"It depends, hindi pa natin alam, minsan temporary lang ang memory loss na iyan, pero minsan it can take a lifetime." Sagot ulit niya. 

"Is there any way ba na babalik?" Tanong ni tito Elmer, na kakadating lang, sakto lang naman para sa explanation ni Doc. 

"Best way is theraphy. Yung malalapit sakanya, dapat laging nandiyan. Magusap kayo, sino sa tingin niyo yung huling inisip ni Bea before the accident? Before she ran away? Ipaalala niyo yung mga usual things na ginagawa niya, and ginagawa niya with someone." Sagot niya for the third time. Nagtinginan naman sila sa akin. 

Too confuse (Too Innocent book 2) JiaMich Fan Fiction COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon