Chapter 5

2.7K 58 1
                                    

MICH'S POV

Nagising ako ng sobrang sakit ng ulo ko. Tinignan ko kung anong itsura ko. Naka tshirt ako, yung Team Ateneo. Tapos naka shorts ako na jersey ko nung nasa Letran pa ako. This is my favorite when it comes to sleeping.

Pero isa lamang ang nakakaalam nito ah?

FLASHBACK

"Ayan nanaman suot mo? Really Mich? Since dumating ata tayo dito sa dorm which is 2 weeks ago, eh nakaka pitong beses mo na ata yan suot" Reklamo niya.

"Eh ano naman? Nilalabhan naman eh!" Sagot ko.

"Kahit na! Ang dami mo kayang tshirt diyan na bigay ng Get Blued at short!" Reklamo niya ulit.

"So? Favorite ko to eh!" Sabi ko.

"Eh baka kaya mag fade na yan! Tignan mo, gagamitin mo everytime you had the chance, tapos lalabhan, syempre mag fafade din yun!" Reklamo niya for the third time.

"Eh favorite ko to eh!" Pagdadahilan ko.

"Favorite na pangtulog?! Really Mich? Iba ka talaga!" Sabi niya. Tinaas niya yung kamay niya, she's giving up sa away naming to. She knows she can't beat me lalo na sa bagay na mga walang kwenta.

"Naiingit ka ba?Sige" Sabi ko, tumayo naman ako at pumunta sa cabinet niya. "Eto oh, para hindi ka din maingit" Sabi ko at inabot sakanya. Pareho kami ng Get Blued shirt, pero ang short niya eh yung gamit niya nung naglaro sila for the RP Youth Team, last year ata.

"Well, this is my favorite training clothes" sabi niya.

"Edi ayos! May training naman every morning diba?! So mag tooth brush ka na lang, mag tali ng buhok at mag sapatos, edi ready to go ka na!" Sabi ko.

"Ewan ko sayo Michifu! Baliw ka" sabi niya humiga naman siya ng pabagsak sa kama ko.

"Oy! May kama ka ah?! Dun ka nga!" This time its my time to protest.

"Tinigilan na kita sa paborito mong pangtulog ah" Sabi niya. Aba'y niyakap pa talga yung stuff toy ko.

"Favorite ko yang si stitch! Lubayan mo nga siya!" Sabi ko hinatak hatak ko siya para bumitaw kay stitch at tumayo sa kama ko.

"Wag mo nga pakielam yung favorite ko" sabi niya. Hindi padin siya natitinag.

"Favorite na ano?" Tanong ko. Tumigil naman ako sa kakahatak sakanya, napagod na ko eh.

"Madami, favorite hang out place, eto.. Etong kama mo. Haha. Pati favorite na asarin. Haha ikaw!" Sabi niya.

Too confuse (Too Innocent book 2) JiaMich Fan Fiction COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon