Nakarating na kami sa bahay ko. At excited na rin akong makita si Ate Chris. Bumaba na ako sa kotse ni Kuya. At dahil sa pagmamadali ko ay bigla akong natisod. Pero wala man lang akong naramdaman na tumama ako sa sahig. Tiningnan ko ang sumalo sa akin. Nung makita ko ang buong mukha niya ay bigla akong nanigas. Anong ginagawa niya dito? Tinulak ko siya papalayo sa akin.
"Kyo, anong ginagawa mo dito sa bahay ko?" Galit na tanong ko sa kanya. Sino ba ang nagpermiso na pumasok ang isang hinayupak na katulad niya? Kapag hindi ko mapigilan ang sarili ko ay baka masuntok ko ang napakagwapo niyang mukha sa harap ni Kuya.
"Kyo, ayos ka lang ba?" Tumingin ako sa nagsalita. At mas lalo akong nagulat. Dahil andito ang napakatraydor na bestfriend ko. Bakit ba sila andito? Baka kasama nila si Ate Chris?
"Isa ka pang walanghiya ka!" Sigaw ko. Ano ba ang karapatan nila para pumasok sa sarili kong pamamahay? Kahit si Ate Chris pa ang nagpapasok sa kanila ay hinding-hindi ko siya patatawarin. Dahil pinapasok niya ang nanloko at nagtraydor sa akin.
"Nadine, tama na nga yan.Nakakahiya naman sa mga bisita natin." Mahinahong sabi ni Kuya. Kahit alam kong galit siya sa ginawa ko. Ano bang pakielam ko kung galit si Kuya? Basta ang gusto ko lang ay mapaalis ang dalawang hinayupak na yan.
"Kuya, totoo naman ang sinasabi ko,masasama naman talaga sila eh!" Hindi ko mapigilan na sigawan si Kuya. Galit kasi ako dahil ayaw paalisin ni Kuya ang dalawang yan. At nagulat ako sa sunod na ginawa ni Kuya. Sinampal ako ni Kuya. Ngayon ko lang naranasan na masampal ng isang tao. Biglang tumulo ang luha ko sa ginawa ni Kuya. Totoo naman ang sinasabi ko. Bakit ba ayaw niyong maniwala sa akin?
"N-Nadine??" Hindi ko na pinansin ang tawag ni Kuya sa akin. Dahil tumakbo na ako sa loob at dumiretso sa kwarto ko. At dun ko binuhos ang sakit na ginawa nila sa akin. Tapos sinampal pa ako ni Kuya.
"Nadine, lumabas ka diyan." Sigaw ni Kuya. Pero hindi ko pa rin sinunod ang gusto ni Kuya. Dahil hanggang ngayon ay masakit pa rin ang puso ko. Bakit pa ako pinanganak kung ganito rin pala ang kakalabasan?

BINABASA MO ANG
Nerd's Revenge [Completed]
Romance[Shimura's 1st trilogy] Si Nadine ay isang nerd na babae. Palaging binubully at sinasaktan ng mga classmate niya. Pero may isang lalaking palaging nag-liligtas sa kanya sa pambubully sa kanya. Pero paano kung ang lalaking minahal niya ay di pala siy...