Chapter 15 - I hate you

5.3K 158 7
                                    

Kyo's POV

Nandito ako ngayon sa bahay mag-isa.Ayoko muna makita si Jenica dahil naalala ko na siya ang may kasalanan kung bakit kami naghiwalay ni Nadine.Binalackmail niya kasi ako kapag daw hindi pa ako nakipagbreak kay Nadine ay kikidnapin daw ng isang lalaki si Nadine at papatayin daw niya ito.May gusto kasi sa akin si Jenica kaya gagawin niya ang lahat para mapasakanya lang ako.Kahit ipapatay niya pa raw ang bestfriend niya ay gagawin niya.Ang sama talaga ng ugali niya dati nung unang kita ko pa lang sa kanya ay mukha siyang mabait pero mukhang hindi naman pala totoo.

Riiinnnggg...

Kinuha ko ang cellphone ko at saka ito pinatay.Ayoko munang magsalita dahil nabubwiset lang ako.Kapag nagsasalita ako ay parang naalala ko yung mga masasakit na salita na sinabi ko kay Nadine 5 taon ng nakakalipas.

Riiinnnggg...

Ang kulit naman ng tumatawag sa akin.Tigilan muna nga ako buwiset ka!Gusto ko na nga munang mapag-isa.Pero ang ingay ingay mo pa rin.Kinuha ko ang phone ko at saka pinatay uli.Dun ako nabubwiset yung iniistorbo ako sa ginagawa ko.Nakakabuwiset yung ganun.

Riiinnnggg...

Kinuha ko na ang phone ko at kinausap kung sino ang tumatawag sa akin.Tiningnan ko kung sino si Jenica buwiset lang pala.Inistorbo pa ako.Ano ba ang kailangan sa akin ng slut na to?tama slut nga ang tawag ko sa banaeng yan.Napakalandi kasi at napakaarte akala mo kung sino eh parang mas maganda pa si Suzy sa kanya eh.

[Hello Kyo!] Jenica

"Ano na naman ba ang kailangan mo ha?"galit na sabi ko.Nakakabuwiset talaga tong slut na to.Kapag kasi naririnig ko ang boses niya ay bigla na lang akong naiinis sa kanya.Naalala ko kasi yung blackmail ns sinasabi niya.

[Bakit ka ba galit na galit sa akin ha!?]tumaas na ang boses niya.Gusto niyang malaman ha?sige sasabihin ko sa kanya ang totoo kung bakit galit na galit ako sa kanya,yun naman ang gusto niya eh.

"Kasi ikaw ang dahilan kung bakit naghiwalay kami ni Nadine!"tumaas na rin ang boses ko.Naiinis talaga ako kapag naalala ko ang mga kagaguhan na ginawa ko kay Nadine dati eh.

[Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin makalimutan ang panget na babaeng yun!?]biglang nag-init ang ulo ko sa sinabi niya tungkol kay Nadine.Eh siya nga ang mas panget keysa kay Nadine eh.Slut na nga panget pa.

"Wag mong insultuhin si Nadine.Dahil hindi mo siya katulad kaya wag kang mang-insulto ng ibang tao sa away nating to ha!"sigaw ko.Totoo naman ang sinasabi ko.Kasing kapal ng mukha ni Jenica ang ugali niya eh?akala mo naman kung sino makaasta.Kapag nga pumupunta kami sa mall ay pinagsisigawan pa niya na boyfriend niya ako.Eeh siya lang naman ang pumilit sa akin na maging boyfriend niya.Okay na sana sa akin si Nadine dahil napakabait niyang tao.Hindi katulad ni Jenica na Masungit,Slut,at malandi.

[Bakit pinagtatanggol mo ba ang panget naa babaeng yun?]narinig ko ang mapang-asar na tawa niya.Napakalandi mo talaga Jenica ka.Kahit kailan hinding hindi ko niyayakap si Jenica at Hinahalikan sa harap ng tao.Dahil ayoko mahawa sa kalandian ng babaeng yan.Dahil nandidiri ako sa katulad niyang malandi.

"Napakalansi mo talagang babae ka!alam mo ba asar na asar na ako sa panget mong ugali alam mo ba iyon ha!?"narinig ko na may humikbi sa kabilang linya.Kanina lang ay sobra sobra siyang makapanlait.Tapos ngayon iiyak iyak siya.At saka wala akong pakielam kung umiyak siya.Gusto pa nga niya na umiyak pa sa harapan ko eh.Okay lang sakin yun.Wala akong pakielam sa nararamdaman niya.

[Hindi mo ba ako kayang mahalin?]humihikbing sabi niya.Talagang hindi ko siya mamahalin.Bakit ngayon niya lang ba nalaman na hindi ko siya kayang mahalin?ibang klase yun ha!samantalang ibang babaeng nakasama ko ay alam na hindi ko na siya mahal eh.Paminsan minsan nga eh kapag nakikipagbreak ako sa kanila ay umiiyak sila sa harap ko eh.Siya pa kaya!

"Bakit ngayon mo lang ba nalaman na hindi talaga kita kayang mahalin?"natatwang sabi ko.Lalong lumakas ang iyak niya.May narinig pa nga akong nabasag eh.Anong naman pakielam ko kung magbasag siya?kahit nga sunugin pa niya ang bahay niya eh.Hinding-hindi ko siya pipigilan sa gusto niyang gagawin.

[Bakit sino ba ang kaya mong mahalin?Si Nadine ba?]humihikbi paring sabi niya.Ang galing talaga niyang manghula.Tamng-tama ang sinabi niya si Nadine lang talaga ang kaya kong mahalin habangbuhay.

"Oo!Si Nadine lang ang kaya kong mahalin habangbuhay."nakangiting sabi ko.Lalo namang lumakas ang hagulgol niya.Ang sakit sa tenga ng boses niya.Nakakabuwiset na talaga!Pinatay ko na lang ang phone ko at humiga ulit.Tingnan mo bukas pagpasok paos na paos yang si Jenica dahil sa kasisigaw.Kahit magkasintahan kami ay hindi kami nagtatawagan na Babe,Sweetheart,Honey iba pang tawagan ng mga magkasintahan.Pero bago ko ibinaba ay may sinabi niya sa akin.

[I hate you!]naiknis na sigaw niya.I hate you too.Saka niya ako binabaan.

"Balang araw magkikita rin tayo Nadine."lumabas ang isang nakakalokong ngiti sa aking labi.Kapag nakita ko uli si Nadine ay liligawan ko uli siya.Pero siyempre magpapaturo muna ako kay Jace kung paano manligaw uli ng isang babae.Isang beses ko lang kasi nililigawan ang ilang mga babae diyan na nakasama ko.Makatulog na nga para makagising ako ng maaga bukas.

KINABUKASAN.Ginising ako ng alarm clock ko.Sayang ang ganda na sana ng panaginip kko.Ang napanaginip ko kasi ay malapit ko ng mahalikan si Nadine sa labi.Pero sayang hindi natuloy ito kasing buwiset na alarm clock na to.Masyadong istorbo sa panaginip ko.Bumangon na ako sa kama at naligo.Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako.Hindi na ako nagbreakfast para maaga ako makapasok sa school.Sumakay na ako sa kotse ko at nagmaneho ng mabilis.Pagkadating ko sa school ay bumaba na ako at pumasok sa loob.Dumiretso na agad ako sa classroom.Pagkapasok ko ay wala pa rin si Jenica dito.Sa tingin ko ay hindi papasok si Jenica ngayon.Ano naman ang pakielam ko kung himdi siya pumasok?

To be continued...

* Yehey!part 2 na ng Nerd's Revenge.

Nerd's Revenge [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon