1 year later...
Kinakabahan na ako. Kasi ngayon na kami maghihiwalay ni Kyo. Ang bilis kasi lumipas ng araw. Parang gusto kong pabalikin yung naging boyfriend ko pa lang si Kyo. Parang ayokong pumasok sa loob ng school. Pero ayoko namang umabsent. Pumasok na lang ako bahala na kung anong manyari. Handa na ako sa sasabihin Kyo.Hindi ko na namalayan na nandito na ako sa classroom. Pumasok na ako sa loob. Pagkapasok ko nandoon yung bag ni Kyo. Pero wala naman siya. San kaya pumunta yun? Binaba ko muna ang bag ko sa upuan at tuluyan ng lumabas ng classroom para hanapin siya. Hinanap ko siya kung saan saan. At saktong nakita ko siya sa corridor. Akala ko mag-isa lang siya pero may kasama siyang iba babae yun kasama niya. At parang pamilyar sa akin ang boses na yon. Parang boses lang ni Kath. Narinig ko ang usapan nila.
"Kyo, baka makita tayo ni Nadine?" Tanong niya.
"Hindi yun? At saka makikipagbreak na ako maya-maya sa kanya kung sasaguntin mo na ako?" Nakangiting sabi niya at nasaktan ako sa sinabi niya. Lalo na magbrebreak na kami mamaya. Siyempre naman saktong 1 taon na kaya kailangan na niyang makipaghiwalay sa akin.
"Oo naman pero makipagbreak ka muna kay Nadine ha?" Nakangiting sabi niya. At nagulat ako ng halikan siya ni Kyo. Saka ko lang namukhaan ang babaeng kahalikan ni Kyo, walang iba kundi ang bestfriend ko na si Jenica. Biglang tumulo ang luha ko. Hindi ko alam na kaya pala akong pagtaksilan ng bestfriend ko. Hindi ko matatanggap ang ginawa niya sa akin. Tumakbo na lang ako at pumunta sa likod ng school. At dun humagulgol ng iyak. Ang sakit ng ginawa niya sa akin. Sana hindi ko na lang siya naging bestfriend kung pagtataksilan din pala niya ako. Pagkatapos kong ibuhos ang sakit ay pumunta na ako sa classroom. Magpapalipat muna ako ng upuan. Dahil ayokong katabi si Kyo.
"Ah! Ma'am pwede po bang magpalipat ng upuan?" Tanong ko sana pumayag si Ma’am! Dahil ayoko katabi ang lalaking nagtaksil. At excited na akong magbakasyon. Para maghiganti sa ginawa niya sa akin.
"Bukas na lang pwede Ms. Martinez?" Maayos na sabi ni Ma’am. Tumango na lang ako bilang sagot. Hindi naman ako pwedeng umangal kasi teacher siya. Kaya pumayag na lang ako pero okay lang atleast hindi ko na makakatabi si Kyo. Mamaya na rin ang paghihiwalay namin ni Kyo. Dismissal time na.
"Nadine, pwede bang sumama ka sa akin?" Seryosong sabi niya. Tumango na lang ako at ngumiti naman siya. Lumabas na kami sa classroom at dumiretso sa corridor at may sinabi siyang kinasaktan ng puso ko.
"Nadine, let's break up."nakangiting sabi niya. Parang nawasak ang puso ko dahil sa sakit ng ipinadama niya sa akin. Akala ko naka move on na ako? Pero hindi nasasaktan ako sa sinasabi ni Kyo.
"Di 'ba hindi totoo ang sinasabi mo?" Nanginginig na sabi ko. Tumulo na ang pesteng luha na to." Sabi mo pa nga mahal mo ako? Walang tigil ang pagtulo ng luha ko nasasaktan ako ng sobra parang gumuho ang mundo ko.
"Mahal ba kita sinabi ko ba yon naalala ko kasi hindi ko sinabi na mahal kita dahil ang panget mo?" Nakangiting pa rin sabi niya, kung gusto ni Kyo na magbreak kami sige magbreak kami.
"Sige break na tayo." Pinilit kong ngumiti sa kanya. Pero ang totoo nasasaktan talaga ako ng sobra.
"Thanks Nadine." Nakangiting sabi niya at lumakad papalayo sa akin. 'Nung nawala na siya sa paningin ko humagulgol na ako ng iyak. Ang sakit sakit. Bakit ba kailangan nila akong saktan? Ano bang ginawa ko sa kanila?
"Bakit!?" Sigaw ko. Hindi ko na binalak pang umattend sa class ko.Kasi nandoon ang ayaw ko munang makita. Pagkadating ko sa bahay pumasok na ako at dumiretso sa kwarto at dun ko binuhos ang kalungkutan na nadama ko kanina. Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako dahil sa kakaiyak. Pagdating ng gabi may balak na akong pumunta sa korea at maghiganti sa ginawa nila sa akin. Pero siyempre magpapaalam muna ako kay Mommy at Daddy.
"Mommy, aalis po ako dito at pupunta sa korea mga 5 years po ako magstay dun." Paalam ko kay Mommy. At sakto namang may Passport na ako kaya makakaalis ako papuntang korea.
"Kelan ba ang alis mo hija?" Tanong ni Mommy
"Sa thursday na po." Sagot ko nakakalungkot man na iwan ko si Mommy at Daddy pero kailangan ko talagang maghiganti dahil sa ginawa nila sa akin.
"Sige hija." Malungkot na sagot ni Daddy. Niyakap ko na lang sila para hindi sila malungkot sa pag-alis ko.
"Sige Mommy at Daddy aakyat na po ako." Paalam ko. Dun ko na lang iibuhos ang kalungkutan. Bakit kailangan ko pang iwan sila Mommy at Daddy? Kung hindi sana ako sinaktan ni Kyo edi sana hindi ko na kailangan umalis.
"Sige hija." Sagot ni Mommy.At tuluyan na akong umakyat sa taas at dumiretso sa kwarto ko at dun ko binuhos ang sakit.
KINABUKASAN. Thursday na at aalis na ako. Nakahanda na rin ang gamit ko.Kaya okay na ako. Handa na rin akong umalis sa Pilipinas. Nakaligo na ako at nagbihis. Kulang na lang magpapaalam na lang ako kaila Mommy at Daddy.
"Sige Mommy at Daddy aalis na po ako." Paalam ko sakanila kahit nalulungkot ako dahil ngayon ko lang sila iiwanan.
"Sige hija." Sagot nila at ngumiti sa akin. Kahit alam ko fake lang yun. Tinanggap ko niyakap ko sila at hinalikan sa pisngi para remembrance ko na rin sa pag-alis ko. Pagkatapos kong magpaalam umalis na ako sa bahay at sumakay sa kotse namin. Sinabi ko sa driver na ihatid ako sa airport. Pagkadating ko dun kinuha ko na ang aking luggage at sumakay na sa eroplano. Matagal-tagal din ang byahe. Pagkadating ko sa korea bigla akong nilamig kaya nagsuot ako ng jacket. Handa na akong maghiganti sa lahat ng nanloko at nang-api sa akin.
BINABASA MO ANG
Nerd's Revenge [Completed]
Romantizm[Shimura's 1st trilogy] Si Nadine ay isang nerd na babae. Palaging binubully at sinasaktan ng mga classmate niya. Pero may isang lalaking palaging nag-liligtas sa kanya sa pambubully sa kanya. Pero paano kung ang lalaking minahal niya ay di pala siy...