Kyo's POV
Nandito ako sa court. Nagtratraining kami ng Green Archers sa court. Halos naka 100 push ups kaming lahat, dahil hindi namin sinunod ang utos ni Lovely. Kaya ayan parusa 1 hour na training.
"Lovely, pagod na pagod na kami." Si Daniel.
"Wala akong pakielam. Yan ang parusa niyo, kaya tiisin niyo. At saka kasalanan niyo rin naman eh, hindi kayo sumunod sa utos ko." Sagot niya. Ang lupit talaga ng babaeng to. Di porke coach namin, ganyan siya makaasta. Baka pag hinalikan ko yan tumba yan eh haha shh.
"Sorry na, Lovely. Hindi naman talaga naming sinasadya na hindi sundin ang utos mo." Pagmamakaawa namin. Pero parang wala rin siya pakielam. Ganyan ang ugali niya eh.
"Sige na nga. Mamaya na kayo magpractice, pero kailangan niyong bumawi sa akin. Bukas na bukas 50 pushups ang gagawin niyo at 50 na 3 points shot." Napanganga kami sa sinabi niya. Ang dami naman nun.
"Lovely, naman." Arte namin.
"Sige ayaw niyo eh. 100 push ups and 200 3 points shot. Ano susunod ba kayo o dadagdagan ko pa?" Nakangiting sabi niya.
"Susunod na po kami" sagot namin. Lupit talaga no. Bukas papayat kami at mangangawit. Hay naku talaga. Buwiset kasi ang mga to. Yan tuloy nadamay pa ako. Kainis!
"Sige pwede na kayong maglunch." Sabi niya. Hay! Salamat nagugutom na kasi ako.
"Sasabay kami sa iyo, Lovely." Si Daniel. Tutal wala naman akong makakasabay nakisabay na rin ako sakanila.
lovely's POV
Hello I'm Lovely Anya Sanchez. 19 years old. Coach ng Green Archers. At bestfriend ni Nadine dati. Pero ngayon hindi ko na siya makita pa. Miss na miss ko na rin si Bessie. Hay!
"Lovely!" Nagulat ako ng makita ko na nakasunod sa akin ang mga ungas na to. Si sir kasi sabi niya ako daw ang bagong coach nila. Nakakabuwiset talaga ng sobra! Kahit magsisigaw ako dito, wala rin namang mangyayari.
"Bakit!?" Galit na tanong ko. Buwiset na buwiset talaga ako sakanilang lahat. Halos gusto ko na nga silang gilitain sa leeg eh, tapos iihawin ko, at papakain ko sa mga aso kong mababangis. Hahahahaha! Joke lang.
"Bakit ka ba galit na galit sa amin?" Tanong ni Jayjay. Gusto niyo talagang malaman ha? Sige sasabihin ko, iisa-isahin ko pa.
"1. Kasi naging coach niyo po ako. 2. Tapos palagi kayong, hindi sumusunod sa utos ko. 3. Ang kukulit niyo pa. 4. Kyo, ikaw ang captain, pero anong ginagawa mo, nambabae ka lang. 5. Nagpapatraining sa inyo. Dapat pala hindi na lang ako pumayag, kung ganyan din ang ugali ng makakasama ko sa laban." Sagot ko.
Bigla akong nagulat ng tumayo silang lahat, at sinabi ang hindi ko inaasahan na sasabihin nila.
"Sorry, Lovely, hindi namin sinasadya, kaya sana patawarin mo kami." Sabay sabay nilang sabi. Napangiti ako. Mukhang marunong din pala silang magsorry. Akala ko kasi hindi eh.
"Sige na nga. Bilisan niyo diyan kumain, para makapag training na rin kayo, para sa darating na bulprisa." Nakangiting sagot ko. Okay na ako. Atleast naman nagsorry sila keysa hindi di 'ba?
"Salamat, Lovely." Sabay sabay nilang sabi.
Kyyyaaa!
Kyyyaaa!
Eto na naman tayo.
"Girls, nandito ang green archers. Kyyyaaa!" Tinakpan ko ang tenga ko. Ang ingay naman ng mga bunganga nila, di porke nandito lang ang green archers. Tsk!
"Tara alis na tayo." Sabi ko. Baka pagkaguluhan pa sila. Tutal naman tapos na silang kumain. Tumayo na sila.
"Sige!" Sagot nila. Tumayo na kami at umalis na. Pagkarating namin sa court ay nagsimula ng magtraining ang team. Magkalaban sila Ace at Kyo. Eto ang listahan ng team.
Team A
1. Kyo
2. Adrian
3. Daniel
4. Jayjay
5. Abren
6. JohnTeam B
1. Ace
2. Aaron
3. Miko
4. Troy
5. Lance
6. Rome
7. Liam"Sige magsimula na kayo." Sabi ko. Nagsimula na sila. 1st quarter pa lang pero lamang ang team A. 3 to 0 ang score. Nakashoot kasi si Daniel ng 3 points shot.
"Team A. Dumepensa kayo!" Sigaw ko. Ginawa naman nila. Hinarangan nila ang Team B, para hindi makashoot sila Ace. Tagumpay naman na napigilan ni Jayjay si Ace.
"Kayo naman Team B. Dumepensa rin kayo!" Sigaw ko. Paulit ulit lang. Balak na sanang pinigilan ni Miko si Adrian, pero bigo si Miko na pigilan si Abren.
"Yeah! Abren! That's my boyfriend! I love you, hihihi!" Malakas na cheer ni Lin. Nakakagulat naman ang babaeng to, kung makasigaw akala mo ngayon lang nagkita.
"Para sayo to, Lin. I love you too hihihi." Sagot ni Abren. Tagumapay namang nashoot ni Abren yung bola, 3 points pa, astig rin ang lalaking to, kapag nandito si Lin, paano kaya kung wala si Lin dito, at may babaeng dumaan na sexy at maganda, baka sakanya sabihin ni Abren, ang sinabi niya kanina kay Lin, masasapak ko yan, kung mangyari yun, kahit pa dumugo na at masira ang mukha niya, wala na akong pakielam, siyempre bestfriend ko ang niloko niya eh, kaya kailangan ko siyang parusahan ng mabangis, yung sobrang bangis, parang kagat ng ahas. Hahahahaha! Nakakatuwa.
"Kyaa! I love you more talaga!" Sigaw pa niya. Nagtakip ako ng tenga. Tiningnan ko ng masama si Abren, at binigyan ng wag-kang-tatambay-tambay-diyan-at-ipasa-mo-na-yan-kay-Daniel look. Ginawa naman niya. Good boy talaga si Abren.
"Sige, Daniel ishoot mo na yan." Sabi ko. Nung ishinoot niya, sakto namang pumasok yun sa ring. 3 points na naman, hanggang sa nag 4 quarter na. Ang score ng team A ay 95, samantalang ang team B ay 90. 5 ang lamang ng team A sa team B. Nang matapos na, ang panalo ay team A. Sabi ko na nga ba eh. Magaling kasi ang mga player sa team A. Tinuruan ko kasi sila.
"Sige pwede na kayong magpahinga at umuwi. Aalis na ako. Bye!" Paalam ko. At lumakad na papalayo sakanila. Pumunta na ako sa parking lot at sumakay na sa kotse ko. Tuluyan na akong umalis, at umuwi sa bahay.
Suzy's POV
Ano namiss niyo ba ako? Ako namiss ko kayo ng sobra, ang tagal ko ng walang POV. Eto kasing si author, ayaw maglagay ng POV ko, kaya ayan namiss tuloy nila ako.
Author: Hoy, pasalamat ka at may POV ka diyan, minsan ko lang ilagay ang POV ni Kyo, kaya wag kang maginarte, baka gusto mo hindi ka na magkaroon ng POV.
Ako: Joke lang author. Sorry na.
Author: Sige na nga. Pinapatawad na kita.
Ako: Thank you Author. Bye.
Author: Bye!
Naglakad ako papuntang court, at secretong tiningnan si Kyo, ang gwapo talaga niya, ano ba rong sinasabi mo, Nadine? Hindi totoo yang sinasabi mo. Tama! Hindi totoo yun. Lumakad na ako papaalis at sumakay na sa kotse ko. At tuluyan ng umalis.
To be continued...
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Annyeong! Kagaya ng sinabi at ipinangako na iuupdate yung ND, nagawa ko na. Pasensiya na kung ngayon lang ako nagupdate. May exam kasi kami bukas eh. Oo nga pala sasabihin ko na ang totoo, nanonood kasi ako ng Kuroko's basket ball buong araw. Kaya pasensiya na. Yun lang. Sayonara!
(^_^)
BINABASA MO ANG
Nerd's Revenge [Completed]
Romance[Shimura's 1st trilogy] Si Nadine ay isang nerd na babae. Palaging binubully at sinasaktan ng mga classmate niya. Pero may isang lalaking palaging nag-liligtas sa kanya sa pambubully sa kanya. Pero paano kung ang lalaking minahal niya ay di pala siy...