Nadine's POV
"A.Y.O.K.O." Sagot ko. Paano ba naman pinipilit nila akong pumunta sa auditorium, eh alam naman nilang hindi ako mahilig maglakad ng kalayuan, hanggang 5th floor paakyatin nila ako tapos wala pang elevator? 'Di bale sana kung may elevator sasama ako kaya nga lang wala eh.
"Sige na may surprise nga kami sa 'yo eh." Sabi ni Lovely, hila - hila ang braso 'ko. Tinaas ko ang dalawa kong kamay. Ano pa nga bang magagawa 'ko? Hangga't hindi ako tumatayo hindi sila titigil na pilitin ako.
Sa magandang kalangitan, nagpapakita ang inyong tunay na pagmamahalan. Sa pag - agos ng tubig ay katumbas ng pag - agos ng walang tigil mong luha. Sa patama mong kanta ay siya ang unang naapektuhan. Sumuko ka pero hindi mo kaya, sinabi mong hindi ka niya sasaktan pero ito ka nga ngayon luhaan.
Simula kanina gumawa ako ng spoken poetry na makakapag - patama sakanya. Ewan 'ko, bigla na lang gumana utak ko. Parang magic, sa una akala mo totoo, pero pag tinitigan at inobserbahan mo ng mabuti may trick pala.
Umakyat ako na para bang ewan hahaha.
Yung iba, sinundan 'din nila ako maglakad paakyat. Habang umaakyat ako ay napa buntong hininga ako.
Kinabahan ako ng makita ko ang nag maldita at nagsorry sa akin, napangiti ako. Bakit nga ba ako kakabahan eh tapos na naman diba?
Sila, "Hello Nadine hihihi."
Aish, ba't kaya bigla akong nagbago? Naging mapaghiganti at walang puso ang naging ugali 'ko? Para bang ako na ang pinaka masamang tao sa buong mundo. 'Nung bata ako hindi naman daw ako ganun, lagi daw akong masayahin at palakaibigan pero bigla na lang daw ako nagbago.
Hindi nila alam kung ano ang pinagdaanan 'ko 'nung mga panahon na 'yun.
Hindi rin nila alam kung gaano kasakit ang ginawa nilang panlalait, pananakit, at lalo na ang panloloko sa akin.
Umalis ako para makalimutan ang lahat hindi 'ko naman intensyon na maghiganti pero wala akong choice kapag bumalik ako at ganun pa din ako walang pinagbago, magiging ganun uli routine namin, lalait-laitin ka, loloko-lokohin ka, kaya natakot ako.
Alam 'ko hindi ako mabait, lalo na may respeto, pero gusto 'ko ng magbago, bumalik ulit sa pagiging simpleng estudyante na may simpleng buhay.
Playing : Arigatou (Thank you) by Nakajima Megumi
Tulala lang ako hanggang sa nakarating na 'din kami sa auditorium.
Siguro dahil na 'rin sa paggiisip kaya hindi 'ko na naramdaman na nakarating na ako dito.
Hulaan niyo na kung bakit malalim ang iniisip 'ko o kaya si Kyo ba?
Tama kayo pag si Kyo. I really do love him pero mukhang maaga pa 'ata para patawarin 'ko siya.
"Kung ako sa 'yo Nadine patawarin mo na siya, parang lahat na ginawa niya para lang patawarin mo na siya." - Lovely
Napaisip ako sa sinabi niya, I think it's already time.
Magso-sorry ako at siguro sasabihin na rin ang totoo. Hay, pero mukhang hindi ko pa ata kaya.
Nasa tapat na kami ng pinto pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan.
Paano ba 'yan? Kinakabahan ako, itutuloy ko pa ba?
Siyempre, ito na ang chance ko para nasabi sakanya, wala na rin naman kami ni Donghae eh.
Yes, tama. Wala na nga kami. Nakipag break na ako sakanya. Nung nakaraang linggo lang.
BINABASA MO ANG
Nerd's Revenge [Completed]
Romance[Shimura's 1st trilogy] Si Nadine ay isang nerd na babae. Palaging binubully at sinasaktan ng mga classmate niya. Pero may isang lalaking palaging nag-liligtas sa kanya sa pambubully sa kanya. Pero paano kung ang lalaking minahal niya ay di pala siy...