Chapter 21 - Kiss

4.1K 114 5
                                    

Kyo's POV

Bumangon na ako sa higaan ko. Naalala ko bigla nung hinalikan ako ni Suzy kahapon. Nabigla pa nga ako ng tumigil siya sa paghalik sa akin eh. Hindi ko alam kung ano ang dahilan. Pero parang nakikita ko siya, parang kamukha siya ni Nadine. Baka guni guni ko lang yun. Tama hindi yun totoo.

Riiinnnggg...

Kinuha ko ang cellphone ko. At tiningnan kung sino ang tumawag. Si Jace lang pala, akala ko na kung sino. Kahit kailan talaga istorbo tong hinayupak na ' to. Pasalamat siya at bestfriend ko siya. Paghindi baka kanina ko pa yan binugbog dahil sa inis.

"Oh, bakit ka napatawag?" antok na sabi ko. Siyempre inaantok pa ako dahil kakagising ko palang. At saka malay mo magandang balita ang sasabihin niya.

[Pare, alam ko na kung nasaan si Nadine.] biglang nawala ang antok ko sa sinabi niya. Nahanap na niya si Nadine? ibig sabihin umuwi siya dahil namimiss niya ako.

"Nasaan siya?" tanong ko. Kinakabahan na ako sa sasabihin niya. Gustong gusto ko na talagang makita si Nadine at yakapin siya ng mahigpit. Miss na miss ko na siya ng sobra.

[Pare, joke lang! hahahaha!] bigla akong napamura sa isip ko, dahil sa sinabi niya sa akin. Ibig sabihin nagsisisnungaling lang siya na nahanap na niya si Nadine. Gago talaga itong taong to. Sarap sirain yung mukha.

"Siraulo ka!" malakas na sigaw ko. Buwiset na buwiset ako sakanya. Akala ko pa naman nandito na si Nadine at nahanap na niya. Yun pala nagsinungaling lang sa akin.

[Pasensiya na? tinary ko lang kung magugulat ka sa sasabihin ko. At saka di ' ba ang sabi mo wala ka ng pakielam kay Nadine. Bakit ka nagagalit sa akin dahil hindi pala totoo ang sinasabi ko ha? Pare.] napayuko na lang ako sa sinabi niya. Tama nung una palagi kong sinasabi na wala akong pakielam kay Nadine. Peeo ngayon may pakielam na ako sa at miss na miss ko na talaga siya.

"O sige na baba ko na to ha." pagkatapos nun binaba ko na. At bumalik uli sa pagkakahiga. Dapat pala hindi ko na lang sinaktan si Nadine. Nakakabuwiset talaga! Kapag nakita ko si Nadine ay liligawan ko siya. Alam kong mala totoy labo o chicser ang peg ko, pero kailangan ko talagang gawin yun. May advise ako sa mga playboy sa bansang to. Kapag may girlfriend na kayo ay wag na wag na kayong mambabae, dahil sa bandang huli ay masasaktan din kayo. Katulad ko. Naligo na lang ako pampawala ng stress. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Pagkatapos kong maghbihis ay tuluyan na akong lumisan dito.

Nadine's

Nandito na agad ako sa mall at nagbabasa ng Campus Royalties. Nainip ako kaya nagbasa nalang ako ng wattpad sa cellphone ko. Antagal naman ni Kim? may bibilhin lang daw siya, kaya pinayagan ko. Pero bakit antagal niya. Siguro pinagkakaguluhan na naman siya ng mga babae dun. Imposible dahil nakasumbrero at nakasalamin si Kim kaya hindi siya mapapansin. Nakita ko si Kim na papalapit sa akin. Hingal na hingal siya habang nakaharap sa akin.

"Hoy! Kim, san lupalop ka ba pumunta, at napakatagal mo naman? hindi mo ba alam na naiinip na ako dito, dahil sa kahihintay sayo." inis na sabi ko. Halos mga 10 minutes na akong nakatayo dito. Hindi niya ba alam na bawal paghintayin ang isang idol na katulad ko.

"Pinagkaguluhan kasi ako ng mga babae dun, kaya matagal akong nakabalik dito." sanay na sanay na nga talaga siyang magsalita ng tagalog. Ngayon lang ako nakakita ng taong napakabilis matutunan angbmga salita ng mga Pilipino dito.

"Alis na nga tayo. Tutal tapos naman akong mamili ng bibilhin ko. At saka ito nga pala buhatin mo yang mga binili ko." binigay ko sakanya ang napakadaming damit at sapayos na binili ko. Hindi niya alam kung gaano kadami ang perang ginastos ko, para lang makabili ng lahat ng yan.

"Okay." sagot niya. At tuluyan na kaming umalis. Tahimik lang ang buong kotse. Nakakabingi naman sa tenga ang katahimikan. Bahala na? ako na lang ang unang magsasalita sa aming dalawa. Balak ko na sanang ibuka yung bibig ko para magsalita, pero mas nauna pa siya sa akin.

"San mo gusto kumain?" tanong niya. San ko nga gusto kumain, sa Shakeys nalang tutal masarap naman dun. At saka nagugutom na rin ako kanina pa. Eto kasi pinaghinaty panako ng matagal.

"Sa Shakey's nalang tayo kumain." sagot ko.

"Sige." binilisan na niya ang pagmamaneho magdrive papuntang Shakey's. Nakita niya siguro na nagugutom na ako, kaya binilisan niya ang pagmamaneho. Pagkalipas ng 5 minuto ay nandito na kami sa Shakey's. Ang bilis ha? hangang hanga ako sa pagmamaneho niya ng kotse. Halos mahilo na ako. Umupo na kami sa upuan namin, habang nagsisigawan ang mga tao. Pati yung mga waiter na babae at lalake ay nagsisigawan na rin, dahil sa kilig.

"Ang gwapo kontalaga no, Suzy?" mayabang na sabi niya. Napakayabang talaga ng lalaking to. Sarap basagin ang mukha. Kinuha ko na lang ang ipad ko mula sa bag ko at nagpatugtog ng.

Never ever by Park Ji Yeon

"Hoy!, Suzy kakain na po." nagulat ako ng magsalita itong si Kim. 3 beses na ang panggulat ng mga tao sa akin ha. Inis akong tiningnan siya. Kumain na lang ako tutal gutom na gutom na ako. Madami akong nakain mga 1 cup of rice. Nagbayad na kami at tuluyan ng umalis. Pagdating namin sa bahay ay nagbihis na kami at natulog. Inaantok na kasi ako at maaga ang pasok bukas. Ipinagpatuloy ko na ang tugtog ko kanina.

Ay grabe ang takaw ni Kim. Isang subo ng kanin 1 buong manok ang uulamin. Wow ah ganern.

"O ba't natulala ka?"

Napailing na lang ako. Hindi 'ko lang masabi pero ang takaw takaw mo ng sobra.

"Nothing. Ang sabi 'ko umorder ka pa ng madami treat 'ko."

Lumiwanag ang mukha at tuwang-tuwa na tumango. Napangiti ako. Hindi 'ko alam mabait pala si Kim 'nung una kasi akala ko masungit dahil minsan nakikita 'ko siya sa mga billboard.

Wala naman akong ginagawa sinilip 'ko ang fb ni Kyo, pero nagulat ako sa nakita 'ko.

Bakit wala na 'yung video nila? Ini-scroll pababa pero wala na. Ba't kaya?

*SIGH*

Binaba 'ko 'yung cellphone habangahigpit ang pagkakahawak 'ko dito. May nangyari kaya? Impossible kasing wala na 'yun dahil sa pagkaka-alam 'ko mahal niya si Jenica.

At nakakapag-taka bakit hinayaan lang niya na halikan 'ko siya samantalang sila pa ni Jenica? Hindi kaya nagaway sila?

"Tulala ka 'ata ngayon, is there something happened?" Tanong niya. Ngumiti na lang ako bilang sagot. "Wala may inaalala lang."

"Don't need to lie. I've known you for years Suzy, you are the type of a girl who didn't like to express her feeling in other people in a regular way. Don't worry andito naman ako."

Sa inis 'ko hinampas 'ko nga sa braso. Why is he so serious about it? Wala naman 'yun eh.

"And alam 'ko ang tungkol sainyo ni Kyohei Shimura."

Huh? What? P-paano niya nalaman?

"P-paano mo nalaman. At kanino mo nalaman?"

Binaba niya muna ang kutsara at tinidor saka tumitig sa akin ng malalim. "Hindi na importante kung sino ang nagsabi ang importante lang naging ano ba kayo date?"

Iniwas 'ko ang tingin 'ko.

"Hindi na 'yung importante kalimutan mo na lang."

"Okay, sabi mo eh. Kapag may time ka at kapag nalulungkot ka just call me and I'll be there magagalit sa'kin si Donghae 'pag pinabayaan kita. Alam mo naman kung paano magalit 'yon? Hahaha!" -  Kim.

"Hahahaha! Oo nga tama ka." - Ako

Si Donghae nga pala nasa China o Taiwan ewan 'ko ba. May tv drama siyang gagawin, Skip Beat 'ata 'yung title. Tama.  And medyo matatagalan bago siya makabalik but nagpaalam naman siya.

And it's okay sabihin niya sobrang higpit 'ko, hinahayaan 'ko siya kung saan siya masaya. Kapag masaya siya, masaya na 'rin ako. Pero hindi 'ko alam kung hanggang saan 'yun.





To be continued...

Nerd's Revenge [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon