Nandito na agad ako sa school. Buti na lang konti lang ang estudyante dito. Gusto ko muna kasi libutin ang buong school. Hindi ko pa kasi kabisado ang buong school. Kahit walang sumama sa akin ay wala akong pakielam. Hanggang ngayon naalala ko pa rin ang nangyari kahapon. Buwisit na buwisit ako kay Kuya. Bakit ba ayaw nilang maniwala sa akin?!
"Nadine," tumingin ako sa taong tumawag sa akin. Pagkatingin ko nakita ko ang isang gwapong lalaki. Pero mas gwapo pa rin si Kyo.Teka ano bang kinalaman ni Kyo sa sinasabi ko? Tama na nga. At ano ba ang kailangan ng lalaki to sa akin?
"Bakit?" Nakataas ang kilay na tanong ko. Kala mo naman kung sinong gwapo. Eh parang siko lang ni Kyo ang kagwapuhan niya eh. Ano ba talaga ang sinasabi ko? Nakakainis talaga puro Kyo na lang ang sinasabi ko.
"Nadine will you be my girlfriend?" Tanong niya. Gusto niya akong maging boyfriend. Ayoko nga! At saka hindi pa ako ready na mag boyfriend. Dahil sagabal lang siya sa paghihiganti ko.
"Ayoko nga!" sagot ko. At saka hindi ko gustong maging girlfriend ang isang mayabang na katulad niya. Oo nga pala hindi ko pa napapakilala ang lalaking to.
Jiro Dela Cruz - Siya ay gwapo, matalino, mayabang, pero mayaman. At saka ayoko magkaboyriend na mayabang. At pigilan niya ako sa plano ko. Basta ang gusto ko lang ay maghiganti hindi magboyfriend.
"Sige na kahit fake lang. Basta makasama lang kita." Pagmamakaawa niya. Bigla akong napaisip sa sinabi niya. Pwede ko isama ang sinabi ni Jiro sa plano ko. Pero sana gumana yung plano kong magseselos si Kyo sa gagawin ko. At ang pangalan ng plano ko ay Operation pagselosin si Kyo. Hahahaha! Nakakatawa naman ang pangalan ng unang plano ko.
"Sige na nga.Pero fake lang ha?" Nakangiting sabi ko. Baka mamaya mapaselos ko talaga si Kyo sa gagawin ko. Pero sana nga gumana. Pero okay lang kasi fake eh. At saka pag nagselos si Kyo sa ginawa ko ay makikipaghiwalay na ako kay Jiro.
"Okay." Malungkot na sagot niya. Aba! Nalulungkot ang gago. Eh siya nga ang may sabi na kahit fake lang eh okay lang sakanya. Baka sapakin ko ang mukha ng lalaking to. Tsk!
"May angal ka?" Mahinahong tanong ko. At kung may angal nga siya. Edi wag namin ituloy. Madali lang naman akong kausap. Eh siya rin naman ang patay na patay sa akin at hindi ako.
"Wala." Malungkot pa ring sabi niya. Wala akong pakielam kung nalulungkot siya. Hindi na ako mabait dahil maldita na ako. At kung inaakala niya ay mapapasagot niya ako ay nagkakamali siya. Kung gusto niya akong maging girlfriend ay dadaan muna siya sa mga alaga kong hayop.
"Okay sige bukas na lang natin simulan." Masama kasi ang pakiramdam ko. Kaya bukas na lang gawin ang plano ko. At saka maya-maya rin ay magsisismula na rin ang klase.
"Okay." Sangayon niya. Naglakad na ako papalayo sa kanya. At pumunta sa classroom. Marami rami na rin ang mga estudyante dito. May nakita akong maduming anino dito. Gusto niyong malaman kung sino ang aninong yun? Sige sasabihin ko sila ay si Jenica at Kyo. Ang saya saya pa nila ha? Pero hindi ko hahayaang maging masaya silahabang buhay. Naglakad ako papalayo sa kanila at dumaan sa gitna nila.
"Sorry sinasadya." Malditang sabi ko. Totoo namang maldita ako dahil hindi na ako ang Nadine na nakilala at inapi nila. Dahil ako na ang Nadine ay hindi pala Suzy na sikat at mayaman.
"Ano bang problema mo?" Mahinahong tanong ni Kyo. Anong problema ko? Ikaw! Pero hindi ko na binalak pang sabihin yun kay Kyo. Sunod na ginawa ko ay hinalikan ko ang napakatamis na labi ni Kyo. At mukhang nagulat si Jenica sa ginawa ko. Ano bang pakielam ko sa nararamdaman niya? Nagulat ako ng itulak ako ni Kyo. Ang kapal naman ata niyang itulak ako pasalamat pa nga siya ay nahalikan siya ng isang Bae Suzy na sikat at member ng Miss A. Kahit tinulak niya ako ay ngumiti pa rin ako. At least nagulat naman si Jenica sa ginawa ko. Ang galing galing mo talaga Suzy.
"Bakit mo ginawa yun?" Tanong niya. Dahil gusto kong paselosin si Jenica. Hindi ko na binalak pang sabihin yun kay Kyo. Baka malaman niya na ako si Nadine na sinaktan niya 5 taon ng nakakalipas.
"Wala lang masama ba?" Nakangiting tanong ko. Tumingi naman ako kay Jenica nakakatuwa naman ang mukha ni Jenica. Parang iiyak na siya. Kawawa naman si Baby Jenica ko. Hahahahaha! Biglang tumakbo papalayo si Jenica sa amin. Umiyak ka lang para maranasin mo rin ang saki na naranasan ko dati. Sinundan naman siya ni Kyo.Biglang may tumusok sa puso ko. Noon ay hindi ako hinabol ni ko nung nasasaktan ako. Tapos si Jenica naman ay nagawa niyang habulin. Hahahahaha! Kahit natatawa ako ay parang gusto kong umiyak sa harap nila pero wag na. Baka mapahiya ako.
BINABASA MO ANG
Nerd's Revenge [Completed]
Romansa[Shimura's 1st trilogy] Si Nadine ay isang nerd na babae. Palaging binubully at sinasaktan ng mga classmate niya. Pero may isang lalaking palaging nag-liligtas sa kanya sa pambubully sa kanya. Pero paano kung ang lalaking minahal niya ay di pala siy...
![Nerd's Revenge [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/21370906-64-k843464.jpg)