Lovely's POV
Wow! Thank you Author! Dahil POV ko ulit. Hello guys! Nandito ako uli ngayon sa court, pinapanood ang Green Archers sa pagtratraining. Nakaktuwa nga sila eh. Hirap na hirap, naka 100 push ups silang lahat, pero naka 150 3 points shot lang sila. Yan kasi ang parusa ko. Hahahaha! Joke.
"Lovely, pagod na pagod na talaga kami. Pagpahingahin mo kami kahit 3 minuto lang. Parang awa mo na, Lovely. Please!" Si Jayjay. Tiningnan ko ng masama si Jayjay. Wala siyang karapatan magreklamo.
"Sabi nga namin ayaw na namin magpahinga." Nagpatuloy sila sa pagshushoot ng bola. Awww! Nakakaawa naman sila. Sige na nga! Papayag na ako. Choosy pa ako.
"Okay, you can take a rest. Pero 3 minutes lang. After ng 3 minutes back to practice, Okay?" Sabi ko. May paenglish english ang peg ko. Okay lang yun. Minsan lang ako magsalita ng english, kaya lulubus lubusin ko na. Naging maaliwalas naman ang mga mukhaa nila. Parang hinulugan ng maraming chicks, kung makangiti.
"Salamat, Lovely. Napakabait mo talaga." Mga green archers. Mabait talaga ako. Ngumiti ako sakanila.
"Tara mga green archers, bili muna tayo ng inumin." Si Kyo. Bigla ko tuloy naalala yung kasama pa niya si Nadine. Sobrang sweet nila. Pinsan ko kasi si Kyo. Wag kayong magtaka kung hindi kami pareho ng apelyido, basta basta ko na lang siya naging pinsan.
"Sandali hintayin niyo kaya ako." Nakapout na sabi ko. At lumapit na sakanila. Ang gwapo nila. Joke lang! Wag kayong maniwala sa akin, magaling talaga akong magjoke. Hehehehehe!
"Sige, bilisan mo na diyan." Si Adrian. Aba't inuutusan ako ha. Ngumiti ako sakanila at tinawag sila. Napaharap sila at sinabi ko na ikinagulat niya.
"Green Archers, bu alik kayo dito at magpractice, nagbago na ang isip ko, dahil sa inuutusan ako ni, Adrian Velasco." Nakakatakot na sabi ko. Tumingin sila ng masama si Adrian.
"Sorry na, Lovely. Hindi na mauulit. Promise!" Sincere na sabi niya. Ngumiti ako ng malapad. Yan lang hinihintay ko sa sabihin niya.
"Sige na nga. Tara na." Nauna na akong lumakad sakanila. Ngumiti rin sila. Mukhang masaya ang mga ulol.
"Buti na lang nagbago ang isip ni Lovely, kapag hindi baka kanina ko pa hinalikan yan." Biglang uminit ang ulo ko sa sinabi ni Adrian. Ang kapal naman ng face niya, tingnan mo naman ang mukha, ang cute cute. Sarap ibaon sa lupa. Joke!
"May sinasabi ka ha, Adrian?" Nakangiting tanong ko. Pero ang totoo may pulang bumabalot sa katawan at anino ko. Bigla naman napakalaki ang mata ng Green Archers. I don't care.
"W-wala, L-Lovely." Pinagpapawisang sagot niya. Natakot ang ulol. Hahahaha! Kapag sinapak ko yan tanggal ang lahat ng ngipin.
"Good! Tara na, baka pagkaguluhan kayo ng mga girls sa cafeteria." Lumakad ako ng mabilis sa pagpunta ng cafeteria. Ang haharot kasi ng mga Girls eh. Akala mo naman nakita nila si James Reid or Daniel Padilla. Tsk! Nakapagorder na ang Green Archers, at nagsimula ng kumain. Hindi ako gutom, kaya hindi ako kumain.
"Bilisan niyo ng kumain diyan." Maktol ko. Ang tagal kasing kumain. Inip na inip na ako ng sobra.
"Oo na po. Malapit na po kaming matapos." Sagot ni Jayjay. Mukha akong yaya sa pagbabantay sa kanila. Nakakabuwiset!
"Okay! Bilisan niyo sobrang bagal niyo." Tumayo na sila at ako rin. At nagsimula na ring maglakad pabalik sa court. Back to practice na naman ang Green Archers. Itutuloy na nilaa ang inutos ko sakanila.
BINABASA MO ANG
Nerd's Revenge [Completed]
Любовные романы[Shimura's 1st trilogy] Si Nadine ay isang nerd na babae. Palaging binubully at sinasaktan ng mga classmate niya. Pero may isang lalaking palaging nag-liligtas sa kanya sa pambubully sa kanya. Pero paano kung ang lalaking minahal niya ay di pala siy...