Nadine's POV
Muntik ng tumulo ang luha ko. Dahil sa sakit ng nakikita ko. Gusto ko ng umalis sa classroom na to. Lumakad ako papalapit sa pinto ng classroom namin at lumabas. Pumunta sa parking ko at sumakay sa kotse ko. Tutal wala naman akong pakielam kung umabsent ako . Binilisan ko ang pagda-drive. Kaya mabilis din akong nakarating sa bahay ko. Pinaandar ko na ang kotse ko sa garahe namin. Pagkaparada ko ay umalis na ako at pumasok sa loob ng bahay at dumiretso na agad sa kwarto ko. At humagulgol ng iyak. Kasi nung naging kami ni Kyo ni hindi namin ginawa yun kagaya ng ginawa nila ni Jenica. Naiinggit ako dahil naramdaman ni Jenica ang labi ni Kyo. Alam ko naman na nahalikan ko na si Kyo. Pero para lang sa revenge ang ginawa ko at nagawa pa akong itulak ni Kyo, samantalang pag si Jenica naman ang humalik sa kanya ay nagugustuhan niya. Bakit ganun?
"Nadine, nandiyan ka ba sa loob? Kung nandiyan ka ay papasukin mo ako sa loob." Sabi ni Kuya. Sinunod ko naman ang sinabi ni Kuya. Binuksan ko ang pinto at mukhang nagulat si Kuya dahil nakita niya na namamaga ang aking mga mata.
"Nadine, anong nangyari sayo? Bakit namamaga ang mga mata mo," nagtatakang tanong ni Kuya. Hindi na lang ako sumagot, ni hindi ko kasi kayang magsalita. Ayaw kasing bumukas ng buwiset na bibig na to kaya hindi ako makapagsalita.
"Dahil na naman ba kay Kyo? Kung bakit ka umiiyak ha," galit na tanong niya. Parang gusto niyang magwala dahil sa galit. Hindi na lang din ako sumagot sa tanong ni Kuya. Nanatili na lang akong tahimik.
"Ano sumagot ka?" Galit pa ring sabi ni Kuya. Natatakot ako kapag nagagalit si Kuya. Palagi kasi akong pinagtatanggol ni Kuya sa mga nanloloko sa akin.
"Please Nadine sabihin mo sa akin kung ano ang problema kung bakit ka umiyak?" Nagmamakaawang sabi ni Kuya. Nalulungkot ako kapag nakikita kong nalulungkot si Kuya ng dahil sa akin. Pati ako nasasaktan na rin.
"Kuya, ayaw na sa akin ni Kyo, nung una nalulungkot ako dahil nag-break kami. Hiniling ko na sana malungkot man lang siya kahit konti. Pero hindi man lang siya nalungkot kahit konti kasi nagawa niyang halikan pabalik ang traydor kong bestfriend." Umiiyak na sabi ko. Nalulungkot na talaga ako kasi ni katiting lang hindi man lang nalungkot si Kyo sa paghihiwalay namin. Imbis na malungkot siya ay parang masaya pa nga siya nung naghiwalay kami eh.
"Gago talaga siya!" Malakas na sigaw ni Kuya. Niyakap ko lang siya para pigilan siyang magwala. Nakakatakot kasi si Kuya kapag nagagalit siya. Kaya hindi ko sinasabi sa kanya ang nakakalungkot na pangyayaring naransan ko dati.
"Kuya, huminahon ka lang,alam mo naman na ayaw kitang nakitang nagagalit o nalulungkot, dahil nalulungkot din ako kapag nakikita kitang ganyan ng dahil sa akin. Alam mo ba?" Mahinahong sabi ko. Ang nakilala ko kasi sa Kuya ko ay palaging masayahin, mabait, at maalagain. Niyakap na lang niya ako pabalik. Dahil alam ko rin na nasasaktan din si Kuya sa nangyayari sa akin.
"Basta Nadine nandito lang ako para makinig sa problema mo." Nakangiting sabi niya. Pero alam kong fake lang iyon. Dahil alam ko sa kalooban niya ay nasasaktan siya ng dahil sa akin.
"Salamat talaga Kuya, dahil nandiyan ka para sa akin." Nakangiting sabi ko. Nagpapasalamat ako dahil binigyan ako ng panginoon ng isang napakabait na kapatid katulad ni kuya.
"Wala yun, dapat lang kita bantayan dahil kapatid kita." Nakangiting sabi ni Kuya. Ang saya saya ko talaga, kanina lang ay parang napakalungkot ako, pero ngayon masaya na ako. Dahil nandito si Kuya sa tabi ko.
"May gusto ka bang kainin?" Concern na tanong ni Kuya. Bigla naman akong napatawa sa tinanong ni Kuya. Siyempre nagugutom ako dahil hindi naman ako kumain ng lunch kanina eh.
"Ano ang tinatawatawa mo diyan ha?" Nakangiting sabi ni Kuya. Natatawa ako dahil sa tunog ng boses ni Kuya. Dahil parang ang boses ni Kuya kanina nung tinanong niya ako ay parang mamatay na dahil sa pag-aalala.
"Wala lang!" Nakangiting sabi ko. Ayoko na sabihin kay Kuya kung ano ang dahilan. Baka magalit pa siya sa akin? Mukhang monster kasi ang mukha ni Kuya kapag nagagalit.
"Ano nga gusto mong kainin?" Tanong ni Kuya. Ano kaya ang gusto ko? Ahh! Gusto ko ng fried chicken at adobong manok.
"Gusto ko fried chicken at adobong manok!" Masayang sabi ko. Gutom na talaga ako iniimagine ko palang ang fried chicken at adobo ay parang naglalaway na ako.
"Sige sabihin ko kay Manang na ipagluto ka ng Fried chicken at Adobong manok." Sabi niya. At tuluyan ng lumabas sa kwarto ko. Pero mayroon pa ring lungkot ang nararamdaman ko sa nangyari kanina. Pero okay lang yun at least napasaya ako ni Kuya ngayon. Okay na sa akin na pasayahin ako ni Kuya. Kasi si Kuya na ang tinuturing kong magulang kapag wala sila Mama at Papa.
After 30 minutes...
"Nadine, luto na kaya bumaba ka na!" Sigaw ni Kuya. Bumangon na ako sa kama at lumabas sa kwarto ko. Bumaba na ako ng hagdan ng may nakita akong isang babaeng maganda ang mukha maputi at mukhang mabait ng makita ko ang buong mukha niya ay bigla na lang ako nabigla dahil andito si Ate Chris.
"Ate Chris!!!" Excited na sigaw ko.Ang saya ko at nandito si Ate Chris sa bahay namin. Namiss ko rin si Ate Chris. Matagal ko na kasing hindi nakikita si Ate Chris eh.
"Oh! Ikaw pala Nadine?" Niyakap ko si Ate Chris at niyakap niya rin ako pabalik. Ang bait talaga ni Ate Chris. Bigla kong naalala ang mga sinasabi kong masasakit tungkol sa kanya. Pagkahiwaly ko kay Ate Chris ay nag-sorry ako sa kanya sa ginawa ko.
"Ate Chris sorry pala ha?" Hinging pumanhin ko.
"Okay lang yun?" Nakangiting sabi ni Ate Chris. Ang bait talaga ni Ate Chris. Pinapatawad niya ka agad ako sa masamang ginawa ko sakanya. Kaya nga gustong-gusto ko si Ate Chris para kay Kuya eh.
"Ate Chris, sumabay ka na sa amin ni Kuya, tutal marami naman pagkain na niluto si Manang eh." Masayang sabi ko. Ngayon ko lang uli makakasabay si Ate Chris sa pagkain. Kaya excited ako na makasabay siya.
"Sige!" Nakangiting sabi niya. Yehey! Sasabay sa amin si Ate Chris sa pagkain. Umupo na kami sa upuan. Pagkakuha ko ng pagkain ay ibinigay ko naman kay Ate Chris ang kanin at pinasa naman ni Ate Chris kay Kuya ang kanin. At tuluyan na kaming kumain. Ang dami kong nakain siguro mga 3 cups of rice ang nakain ko? Ang sarap kasi ng ulam eh kaya marami akong nakain.
"Sige Nadine at Harold alis na ako?" Paalam niya. Tuluyan na siyang umalis sa bahay namin. Inaantok na ako?
"Sige Kuya aakyat na ako ha?" Inaantok na sabi ko. Umakyat na ako at dumiretso agad sa kwarto ko. Pero bago ako matulog ay nagsupilyo muna ako at naghilamos. Pagkahilamos ko ay lumabas na ako sa banyo ko ay humiga na ako sa malambot kong kama. At tuluyan ng natulog.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Nerd's Revenge [Completed]
Romance[Shimura's 1st trilogy] Si Nadine ay isang nerd na babae. Palaging binubully at sinasaktan ng mga classmate niya. Pero may isang lalaking palaging nag-liligtas sa kanya sa pambubully sa kanya. Pero paano kung ang lalaking minahal niya ay di pala siy...