Chapter 20 - Bestfriend

4.4K 162 3
                                    

Nagising ako dahil may kumakalabit sa akin. Parang pamilyar yung kamay na yun eh. Hinampas ko nalang ang kamay niya at bumalik sa pagtulog ko. Ang aga aga pa at saka wala naman pasok ngayon, dahil sunday ngayon.

"Hey Suzy, wake up." minulat ko ang mga mata ko. At inis na tiningnan siya. Nagulat ako ng makita ko ang mukha niya. Siya yung bestfriend ni Donghae ha. Si Kim ki Bum member dati ng super junior. Bago ko pa lang nakilala si Kyo ay crush na crush ko si Kim. Tuwing makikita ko nga siya ay kinikilig ako ng sobra. Mabilis akong bumangon sa higaan at tinitigan siyang mabuti.

"Kim, ikaw ba talaga yan?" hindi makapaniwalang tanong ko. Lalong siyang gumawapo. Parang husto ko tuloy siyang halikan. Pero hindi naman pwede yun. Dahil bestfriend ni Donghae si Kim. Kung di lang sana bestfriend ni Donghae si Kim ay baka nakipagboyfriend na ako sa kanya. Ang guwapo guwapo kasi niya. Shit!

"Long time no see, Suzy." masayang kamusta ni Kim. Ang guwapo talaga niya kapag nakangiti. Oo nga pala hindi ko nga pala naitanong kung bakit siya andito sa Pilipinas. Matanong nga kung bakit siya andito.

"Why are you here in the Philippines? " tanong ko. Mukhang dudugo ata ang ilong ko ngayon ah? umagang umaga dudugo ang ilong ko. Sana marunong din siya magtagalog.

"Don't worry I can speak tagalog. A little." buti na lang at sanay siyang magtagalog. At saka hindi na rin dudugo ang ilong ko. Dapat pala nagsanay akong mabuti magenglish. Keysa dumugo itong ilong ko.

"O sige bakit ka nga nandito sa Pilipinas?" tanong ko. Tingnan natin kung maintindihan niya. Hahahaha! sigurado akong hindi niya maiintindihan yun.

"Wala lang, gusto ko lang pumunta dito." biglang nanlaki ang aking mga mata, dahil sa gulat ng magsalita si Kim ng tagalog. Pero mas okay na masanay magsalita si Kim ng tagalog para hindi na ako manosbleed.

"Sinong nagturo sayong magtagalog?" wala lang gusro ko lang siyang tanungin. Kasi baka si Kuya na naman ang nagturo sakanyang magsalita ng english. O baka naman si Donghae.

"Si Donghae!" sagot niya. Sabi ko na nga ba eh. Si Donghae ang nagturo sakanyang magtagalog. At saka paano matuturuan ni Kuya, eh nasa Korea nga siya. Saka lang siya tumawag sa akin at nagpaalam na aalis muna siya sandali papunta sa Korea. Para ireleast ang bago nilang album.

"Oo nga pala nasaan si Donghae?" tanong ko. Saan na naman bang nagpunta ang hinayupak na yun? palagi na lang akong iniiwan at di sinasama. At saka hindi naman siya tumatawag para magpaalam man lang na aalis siya. Para hindi na ako mag-alala tungkol sakanya.

"Di ko alam. Basta ang sabi lang niya ay ako muna ang magbabantay sayo. At saka kung gusto mong pumuntang mall ay ako na ang maghahatid sayo dun. At babantayan kang mabuti, para hindi ka hawakan at galawin ng mga baliw na lalaki dun." pambihira naman! sa dami ng sinabi niya ay wala akong maintindihan. Kahit ni isa man lang wala. Parang nagpapasalamat siya sa mga taong sumusuporta sa kanya.

"Dahil sayo nawalan na ako ng ganang matulog." naiinis na sambit ko. Istorbo kasi to eh. Kita niyang natutulog ako, saka naman iistorbohin ako. Nakakabuwiset kaya ang ganun. Kayo ba kapag inistorbo kaya ng isang tao hindi ba kayo maiinis?

"Pasensiya na hindi ko naman sinasadya na istorbohin ka sa pagtulog mo eh." wala na akong pakielam. Dahil nawalan na talaga ako ng ganang matulog. Bumangon na ako sa higaan at dumiretso sa banyo para magsupilio at naghilamos na rin. Pagkalabas ko ay nagpunas ako ng tuwalya sa mukha ko. Balak ko na sanang umalis ng tanungin ako ni Donghae kung saan ako pupunta.

"Suzy, san ka pupunta?" tanong niya. San ako pupunta edi sa baba para magpahanda ng breakfast. Para makakain na kami ni Kim. kasi gutom na gutom na talaga ako.

"Magpapahanda ng pagkain kay Manang." saad ko. Alam ko rin na gutom na din siya. Kaya magpapahanda na ako ng agahan kay Manang para mawala na ang gutom namin.

"Sige!" masayang sabi niya. Sabi ko na nga ba gutom na siya eh. Pumunta na ako sa baba at sinabi kay Manang na iapaghanda kami ng pagkain. Pagkasabi ko nun ay bu alik uli ako sa taas. Nakita ko siyang nakahiga pa sa kama ko. Wow! feeling at home siya ah.

"Hoy! umalis ka nga diyan sa higaan ko." sigaw ko. Umalis siya na nakangiti. Anong problema nito? basta basta na lang ngumingiti. Pero aaminin ko ang gwapo ng killer smile niya.

"San ka mag-aaral?" tanong ko. Pareho kasi kaming college students. May dumagdag na naman na pabigat sa school. Mag sisigawan pa sila pag nakita nila dito si Kim ki Bum.

"Sa U.P." bagot na sagot niya. Pareho pa pala kami ng school. Bingi na naman ang aabutin ko dun, pagnakita nila si Kim. Dapat na lang kasi hindi na pumunta si Kim dito sa Pilipinas

"Okay! pero kailan ka ba papasok?" tanong ko. Wag niyong isipin na concern ako sa kanya. Tinatanong ko lang. Wala naman sigurong masama dun di ba?

"Bukas na. Di ba ang aga, dapat nga sa isang araw pa eh, pero ayaw naman ni Donghae. Kaya hinayaan ko na lang siya sa gusto niya, para sa akin." para namang bromance itong nangyayari sakanila ni Donghae. Wag naman sanangnmangyari yun. Ayokong makitang bakla si Donghae. Huhuhuhu!

"Okay sige! oo nga pala magbihis ka na at pupunta tayo sa mall mamaya." salita ko. May bibilhin kasi ako dun na importante. Basta importante yun.

"Okay!" tumingin ako sa kumatok. Tumayo ako para buksan yun. Si Manang lang pala ang kumakatok, akala ko na kung sino.

"Hija, luto na ang agahan niyong dalawa." sabi ni Manang. Mukhang masarap ang agahan ngayon ha. Naamoy ko pa lang ang luto ni Manang ay natatakam na ako.

"Sige po. Bababa na po aming dalawa." nakangiting saad ko.

"Sige Hija, bababa muna ako." sabi ni Manang. Ang bait talaga ni Manag. Kaya nga siya ang pinili ko eh.

"Sige po!" magalang na sabi ko. At sinarado na ang pinto. Kumuha na ako ng damit para sa susuotin ko mamaya, bago pumunta sa mall.

"Tara na! baba na tayo?" gutom na sabi ko. Gutom na talaga ako. Parang gusto ko na ngang kainin si Kim eh. Joke lang! wag sana kayong greenminded, dahil sa sinabi ko.

"Sige!" sabay kaming bumaba sa hagdan at naghanda na ng plato. Pagkalipas ng isang minuto ay inihain na ni Manang ang agahan namin. Wow! ang sarap naman ng pagkain namin ngayon. Tahimik lang kaming kumakain ni Kim. Hanggang sa tapos na kaming kumain. At may tinanong ako sa kanya.

"San ka naman titira?" tanong ko.

"Dito muna ako pansamantala." sagot niya. What!? hindi ako makapaniwala. Mamatawa siguro kayo kapag nakita niyo ang mukha ko. Nakakagulat kasi ang mga sinasabi niya. Pero hayaan mo na. Wala naman akong pakielam dun eh. At saka sanay na akong tumira kasama ng mga lalaki.

"Okay sige walang problema sa akin yun eh." bagot na sagot ko. Wala akong pakielam. Nabubwiset din ako dahil si Manag lang naman ang kasama ko dito. Si Kuya naman ay nasa Korea para ireleast ang bagong album nila.

"Thanks ha! dahil pinayagan mo akong makitira muna sa bahay niyo." nakangiting sabi niya. Okay lang sa akin yun. At least bestfriend naman ni Donghae itong si Kim. Kaya okay lang yun.

"You're welcome!" nakangting sabi ko. Masaya ako kapag nakakatulong ako sa iba. Nakakatuwa talaga kapag nakakatulong ka. Yung napapasaya mo sila.

"O sige maghahanda na ako para mamaya." sabi ko. At umalis na para maligo. Pumasok na ako sa loob ng banyo at naligo. Parang ang fresh ko ngayon, dahil naligo ako ngayon. Pagkaligo ay nagbihis na muna ako ng pangbahay tutal mamaya pa naman kami aalis. Bigla kong naisip si Kyo. Madami akong inaasahan sa kanya. Yung namimiss niya ako at hindi ako sinasaktan pinapaasa. Pero kahit ganun hinding hindi ako susuko para makuha siya.

To be continued...

a/n Maraming salamat sa pagvote ng ginawa ko. Halos mapatalon na ako dahil sa saya. Maraming maraming salamat sa inyong lahat. Dahil kayo ang nakapagpasaya sa akin. Sana palagi kayong maging ganyan. Lalo na po sa mga vote ng vote sa ginawa ko. Yun lang po. Paalam na!!!

Nerd's Revenge [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon