Kyo's POV
[Flashback ]
5 years ago
Naging masaya ako dahil nakipag break na ako kay Nadine. Sa wakas makakapagbabae na ako.May nakilala akong babae na napakaganda.At dun ko lang nalaman na bestfriend pala ni Nadine yung babaeng gusto kong maging girlfriend. Ang pangalan niya ay Jenica Javier sexy siya at maganda nerd din siya pero dati yun.At ngayon maganda na siya at sexy.
"Babe okay ka lang?" Nagaalalang tanong ni Jenica. Tama kayo 1 buwan na kaming naging magkasintahan ni Jenica. At 1 buwan ko na rin hindi nakikita si Nadine. Ano naman pakielam ko kay Nadine?
"Okay lang naman ako." Nakangiting sabi ko. Ngumiti rin siya pabalik. Ang ganda talaga ni Jenica. Pagkatapos namin mag date hinatid ko na siya sa bahay niya. Mayaman din siya katulad ni Nadine. Bakit ko baalaging binabanggit ang pangalan ni Nadine? Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin? Pagkatapos kong ihatid si Jenica sa bahay niya ay umuwi na ako.Pagkarating ko pumasok na agad ako sa loob ng bahay at pumasok sa kwarto ko. Nagbihis muna ako bago nagcomputer. Tiningnan ko yung account ni Nadine.
"Siguro kung maganda si Nadine edi nahulog na ako sa kanya pero hindi ang panget kasi niya." Ang haba naman ng sinabi ko. Nakakainis talaga dahil palagi na lang Nadine ang nababanggit ko. Ano ba talagang nangyayari sa akin? Natulog na lang ako dahil wala na akong ganang mag facebook. Dahil bigla akong tinamad.
KINABUKASAN. Saka ko lang napagtanto na mahal ko pala si Nadine. Kasi nung kami pa lang ay nakaramdam ako ng totoong pagmamahal. At yun ang pagmamahal ni Nadine. Pero wala na siya dito. Kasi nabalitaan ko kahapon na umalis na si Nadine papuntang Korea. At ngayon wala na siya sa tabi ko. Wala na akong makakaramdam ng totoong pagmamahal na galing sa taong pinagtulakan at nilait. Nagsisi ako sa ginawa ko. Parang gusto kong ibalik ang pangyayaring naging girlfriend ko pa lang si Nadine. Hay, napabuntong hininga na lang ako. Dahil wala rin naman akong magagawa. Dahil nakaalis na siya ng bansa. Siguro kung nandito pa siya sasabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko para sa kanya. Bumangon na ako sa kama at dumiretso sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako. At lumabas na sa kwarto ko.Hindi ko na binalak pang mag almusal dahil wala rin naman akong ganang kumain.
Lumabas na ako sa bahay. At sumakay sa kotse ko naalala ko pa nung hinatid ko pa si Nadine sa bahay nila. Pero wala na. Wala na siya sa tabi ko. Sinuntok ko na lang ang manibela ng kotse ko. Kahit sirain ko na tong manibela ko ay wala rin naman akong magagawa. Dahil wala na dito ang taong tunay na nandiyan at nagmamahal sa akin ng totoo. Pinaandar ko na ang engine ng kotse ko at tuluyan ng umalis. Pagkadating ko sa school matamlay akong pumasok sa loob. Nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko.
"Kyo, ayos ka lang ba?" Tanong ni Jenica. Hindi ko nalang siya sinagot. Dahil wala rin naman siyang magagawa sa problema ko. At saka wala na akong ganang magsalita. Lumakad na lang ako papalayo sa kanya at pumasok sa classroom. Gusto ko munang mapagisa. At feeling ko napakasama kong tao...
[End of flashback]
Kyo's POV
Napatigil ako sa pag-iisip tungko kay Nadine ng kalabitin ako ni Jace. Istorbo talaga itong gagong to.
"Bakit?" Iritadong tanong ko. Nabubwisit kasi ako kapag iniistorbo ako sa pag-iisip. Palagi na lang akong galit kasi umalis na si Nadine. At saka pamilyar sa akin ang babaeng sumampal kay Jenica. Pero hindi ko naalala. Basta ang nasa isip ko lang ay si Nadine.
"Pare, pamilyar ka ba sa bagong transferie sa school natin?" Tanong sa akin ni Jace. Bakit niya ako tinatanong? Ni pangalan nga hindi ko nga alam.
"Hindi." Sagot ko. Totoo naman na hindi ko alam ang babaeng yun, Pamilyar pa kaya?
"Sigurado ka?" Paninigurado niya. Eh gago pala to eh sinabi nang hindi ako pamilyar dun. At hindi ko nga rin alam. Kailangan bang pauli-ulit ang sinasabi?
"Eh gago ka pala eh!" Pasigaw na sabi ko. Totoo naman sakin pa tinatanong. Itanong niya sa iba wag lang sa akin dahil hindi ko naman talaga alam eh.
"Sorry naman." Hindi ko gustong tanggapin ang sorry niya. Ano siya chicks? Parang gusto kong itanong kung anong pangalan ng babaeng yun sa kanya, matanong nga?
"Pare, ano bang pangalan ng babaeng yun?" Curious na tanong ko sa kanya. Gustong-gusto ko talagang itanong kung ano ang pangalan ng babaeng yun. Sana alam niya.
"Bae Suzy daw ang pangalan niya eh," Sagot niya. Bae Suzy di 'ba isa yun sa mga member ng Miss A?
"Balita ko raw nung nerd pa lang siya ay may lalaki daw na sinaktan ng sobra ang puso niya?" Dugtong pa niya. Nagulat ako dun sa sinabi niya sinaktan ang puso niya. Katulad din siya sa nangyari noon kay Nadine. Hindi kaya siya si Nadine? Hindi maari maganda si Bae Suzy. Matanong na nga lang kay Suzy?
"Sige pare alis muna ako." Nagmamadaling sabi ko. Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Basta tumakbo na ako para hanapin si Nadine. Pumunta ako sa corridor baka sakaling nandun siya. At sakto nandun nga siya. Nilapitan ko siya. Nagulat pa nga siya ng makita niya ako eh.
"Nadine, may itatanong lang sana ako sayo?" Hinihingal na sabi ko. Tumingin muna siya ng masama sa akin. Bakit ba galit na galit siya sa akin? Ano bang ginawa ko sa kanya? Ni hindi ko pa nga siya nakikita dito eh.
"Ano yun?" Galit na tanong niya. Ang sama naman ng tingin niya. Parang kakainin ako ng buhay ni Suzy. Tama Suzy na ang tawag ko sa kanya. Wala lang gusto ko lang siyang tawaging Suzy eh. Bakit may angal kayo? Joke lang!
"Nabalitaan kong sinaktan ka raw ng lalaking yun dati, totoo ba yun?" Tanong ko. Gusto ko lang kasing malaman kung ano ang pangalan ng lalaking yun. Kasi kamukha ng nangyari kay Nadine ang nangyari sa kanya. Naalala ko na naman na nasaktan ng sobra si Nadine sa sinabi ko. 'Yan na naman naalala ko na naman.
"So ano naman ang pakielam mo dun?" Nakangiting tanong niya. Tama siya ano nga ba ang pakielam ko sa kanya? Basta gusto ko lang malaman kung siya si Nadine na sinaktan ko dati. Pero kung siya nga si Nadine ay aaminin ko sa kanya ang matagal ko ng nararamdaman para sa kanya. Pero bigla kong naisip si Jenica. Alam kong masasaktan siya sa gagawin ko pero wala akong pakielam. Basta mahanap ko si Nadine ay masaya na ako, kung kailangan kong makipaghiwalay kay Jenica ay gagawin ko.
"Basta ikaw ba si Nadine Marie Martinez?" Seryosong tanong ko. Biglang nawala ang ngiti niya. At mukha rin siyang nagulat sa tanong ko, pero hindi niya ako sinagot. Mga 5 minuto pa ang hinintay ko para sumagot. Sumagot nga siya.
"Hindi!" Sagot niya. Ngumiti uli siya na para bang masaya pa siya sa ginagawa niya. At alam kong nagsisinungaling siya, Halatang-halata sa mukha niya eh. Kaya alam kong nagsisinungaling lang siya. Balak na sana niyang umalis ng hinatak ko ang braso niya.
"Sigurado ka na hindi ikaw si Nadine?" Paninigurado ko. Naninigurado lang ako na siya talaga si Nadine na sinaktan ko dati.
"Sinabi ng hindi nga ako si Nadine eh!" Pasigaw na sabi niya. Kahit galit siya ay maganda pa rin siya kaya nga lang parang iiyak na siya sa ginawa ko. Kaya binitawan ko na siya. At nagulat ako ng tumakbo siya papalayo sa akin.
Nadine's POV
Muntik na akong mabuking ni Kyo. Buti na lang sinabi ko na hindi ako si Nadine. Pero nagulat ako na parang concern siya na ako si Nadine na sinaktan niya 5 taong nakakalipas. Bakit ano bang pakielam niya kung ako si Nadine Marie Martinez? Bakit may magagawa ba siya kung ako nga si Nadine? Bigla na lang tumulo ang luha ko. Buti na lang nasa bahay na ako. Ayaw talagang tumigil ang buwisit na luha na to. At saka kapag nalaman niya na ako talaga si Nadine. Ibabalik niya ba ang nangyari dati? Bakit kapag pumitik ba siya ng isa eh saka mawawala ang sakit na ipinadama niya sa akin? Hindi ko napigilan at humagulgol na ako ng iyak. Akala ko ba naka move on na ako? Pero ang totoo ay nadadama ko pa rin ang sakit ng nakaraan. Pero kailangan kong maging matatag? At itutuloy ang paghihiganti para matahimik na ako. At kapag nakapaghiganti na ako ay aalis na ako sa Pilipinas. Kahit hindi Nakakaraan ang 5 taon. Okay na ako kapag nakaganti na ako.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Nerd's Revenge [Completed]
Romance[Shimura's 1st trilogy] Si Nadine ay isang nerd na babae. Palaging binubully at sinasaktan ng mga classmate niya. Pero may isang lalaking palaging nag-liligtas sa kanya sa pambubully sa kanya. Pero paano kung ang lalaking minahal niya ay di pala siy...