Chapter 10 - Jealous

5.9K 197 12
                                        

Nadine's POV

Ang init naman ng panahon. Halos pagpawisan na ako sa init ha. Isa lang kasi ang aircon nila dito. Siguro kung ako ang may-ari ng school na ito baka magpalagay ako ng napakaraming aircon sa buong eskwelahan.

"Paypayan niyo nga ako dito!" Malakas na sigaw ko. Ang init init talaga. Pambihira! Parang gusto kong magwala sa harap nila ng dahil sa init ng panahon. Mas mabuti pa sa Korea napakalamig dun kesa dito. Ang init init parang li-lechunin na ako dito dahil sa init. Tsk!

"Opo, andiyan na po." Pumunta na sila sa harap ko at pinaypayan ako. Halos lahat ng estudyante ay pinapaypayan ako maliban lang kaila Jenica at Kyo. And speaking of Jenica at Kyo. Ohh,ang sweet naman nila. Sinubuan pa ng cookies ni Jenica si Kyo. At ang mukha ni Kyo nung natikman niya ang cookies ni Jenica ay parang nilukot na papel, siguro hindi masarap yung cookies ni Jenica?

"Okay, tama na yan, ayoko na." Bigla na lang kasi ako nilamig. Kanina init na init ako tapos ngayon nilalamig naman ako. Nalilito na talaga ako sa sarili ko. Tumayo ako at tinawag si Jiro.

"Jiro!" Tawag ko. Tiningnan niya kung sino ang tumawag sa kanya ng makita niya ako ay tumayo siya at lumapit sa akin. Paglapit sa akin ni Jiro ay bigla nalang sumigaw ang mga classmate namin. Bakit kaya sila sumisigaw?

"Bakit kayo sumisigaw?" Nakataas ang kilay na tanong ko. Hindi ko naman talaga alam kung bakit sila sumigaw ng lumapit sa akin si Jiro. At saka nakakabingi na ang sigaw nila. Parang everytime ay pwede na akong mabinge.

"Kasi magkadikit ang dalawang heartthrob sa school namin." Kinikilig na sabi nila. Oh, ano naman ang problema dun? Ano naman kung magkadikit ang dalawang heartthrob sa school? At saka sanay na rin akong lumapit sa mga lalake. Hindi katulad dati, nahihiya pa ako sa mga lalaki.

"Ano naman ang pakielam ko kung malapit sa akin si Jiro?" Totoo naman ano ba ang pakielam ko kung malapit ako kay Jiro? Kasama nga rin siya sa plano ko na pagselosin si Kyo eh.

"At saka ayoko ng maingay." Tumigil naman sila sa pag-iingay. Tama lang na tumigil sila dahil everytime ay pwede na talaga ako mabingi. At saka hindi rin pwede mabingi ang isang Bae Suzy sa school na to.

"Jiro, simulan na natin ang plano." Utos ko. Excited na akong simulan ang plano. At saka ayoko ng pinaghihintay pa ako sa plano ko. Sisimulan ko na ang plano? Humanda ka ngayon Kyo.

Bwahahahahaha!

"Babe, gusto mo bang magdate tayo mamayang gabi?" Matamis na tanong ni Jiro. Nakakadiri naman itong taong to.Buti na lang at kasama to sa plano ko, kapag hindi ito kasama sa plano ko ay anytime ay pwede na akong masuka sa mga sinasabi niya.

"Okay!" Kinurot ko ang napakalambot na pisngi niya. Kapag hindi ko napigilan ang sarili ko ay baka paduguin ko ang pisngi niya dahil sa kakukurot ko.

"Mukhang hindi lang isa ang loveteam sa atin ha. Kundi dalawa na, kung kay Kyo at Jenica ay Nicayo ang kanilang loveteam, at ang pangalan naman ng loveteam nila ay Juzy loveteam,"

Biglang may tumusok sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit? Siguro nagseselos ako? Hindi ito pwede. Hinding hindi ako magseselos sa isang manlolokong tao. Nakakainis naman itong pusong to. Kung pwede ko lang sasaksakin ng kutsilyo ang puso ko baka ginawa ko na. Pero hindi pwede kasi mamatay ako kapag patay na ang puso ko.

"I Love U Jiro!" Nakangiting sabi ko. Parang gusto kong magsuka sa mga sinasabi kong sweet. Pasalamat siya at kasama sa plano ko to. Kung hindi baka kanina ko pa to sinakal dahil sa kahihiyan.

"I Love U too Suzy!" Ngumiti rin siya pabalik. Nasusuka ako sa ngiti niya. Akala naman niya ay napakaganda ng ngipin niya. Baka hatakin ko yan sa bibig niya eh. Dahil sa ngiti niya ay lalo akong nabubwiset. Nilapit ko ang mukha ko sa mukha ni Jiro. Akala niyo siguro hinalikan ko si Jiro no.Hindi no! Ba't ko naman hahalikan yan?

"Kyahhhh!!!" Malakas na sigaw ng mga classmate ko. Kiniss ko nga si Jiro kaya nga lang sa pisngi niya lang. Tiningnan ko si Kyo at nakita kong mukhang nagulat siya sa ginawa ko. Mission Accomplished! Ang galing ko talaga.

"Gusto niyo ba na itry din nila Kyo at Jenica ang ginawa namin kanina?" Nakangiting tanong ko. Tingnan lang natin kung gagawin nila ang ginawa namin kanina.

"Oo!" Sigaw nila. Tiningnan ko sila Jenica at Kyo nginitian ko sila. Hahahahah!nakakatawa ang mukha nila. Pagkadilat ko bigla na lang nanlaki ang mata ko. S-si Jenica ay hinalikan si Kyo. Bigla na lang sinaksak ang puso ko dahil sa ginawa nila. Parang gusto kong magwala dahil sa selos, kalungkutan, at galit na naramdaman ko ngayon. Ang akala ko hindi nila kayang gawin ang ginawa namin kanina.


Nerd's Revenge [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon