Nadine's POV
Nalate ako ng gising nakakainis binilisan ko ang pagliligo at pagbibihis. Hindi na ako nag breakfast dahil sa pagmamadali. First time ko lang kasing malate sa pagpasok sa school. Mabilis naman ako nakarating sa school.
Buti naman hindi pa ako late pumasok na ako sa classroom at nilagay ang bag ko sa upuan. Nandito naman ang bag ni Kyo. Pero san kaya pumunta yun?
Nag-tungo muna ako sa corridor at saktong nakita ko siya dun kasama niya ang mga kaibigan niya may pinag-uusapan ata sila pinakinggan ko ang pinag-uusapan nila at nagulat ako sa sinabi ng isa sa mga kabarkada ni Kyo.
"Pare,makakayanan mo bang wasakin ang puso ni Nadine?" Tanong ng mga kaibigan niya. Pero ang pinakakinagugulat ko ang sagot ni Kyo.
"Oo naman!pagkalipas ng 1 taon maghihiwalay kami.Hanggang ngayon nga hindi ko makayanan makita ang mukha ni Nadine na panget at nerd. Gusto ko na ngang makipaghiwalay kay Nadine dahil nakakasuka ang mukha niya." Natatawang sabi niya sabay bigla na lang pag-tulo ang pesteng luha na to.
Pero hindi ko talaga mapigilan at tumakbo papalayo sakanila. Hindi ko na marinig ang mga sinasabi nila.
Dumiretso muna ako sa Restroom at doon humagulgol ng iyak. Sobrang sakit kasi ng sinabi niya sa akin. Kapag nakalipas na ang 1 taon makikipaghiwalay na ako kay Kyo at aalis papuntang korea. At maghihiganti sa ginawa nila sa akin. Nagsimula na ang klase at nakinig na lang ako sa mga sinasabi ng aking teacher. Nung lunch break sumabay ako kay Kyo kumain.
"Kyo, alam mo ba excited na ako sa 1 taon." Masayang sabi ko na parang nangaasar talaga namang excited na ako dahil makikipaghiwalay na ako sa lalaking manloloko katulad ni Kyo .
"Bakit?" Painosenteng sabi niya. Ang bobo naman niya ni hindi niya alam na makikipaghiwalay na ako sa kanya makalipas ang 1 taon.
Pero masaya na rin naman ako dahil makakasama ko siya ng matagal pero kung sawang-sawa na talaga siya sa akin makikipagbrak na ako sa kanya yan naman ang gusto niya.
"Kyo, napapangitan ka ba sa akin?" Tanong ko sakanya. Pero hindi naman niya ako sinagot. Napayuko na lang ako sa kahihiyan. Baka hindi talaga kami ni Kyo para sa isa't isa? Kaya ganito ang nangyayari. At saka sino ba naman ang magkakagusto sa isang nerd at panget na katulad ko?
"Hindi." Sagot niya napakasinungaling naman niya eh rinig na rinig ko ang pinaguusapan nila kanina na panget at nerd akong babae.
"Talaga?" Gulat na sabi ko pero pinipigilan ko lang na wag sabihin na sinungaling kang manloloko ka! Pero hindi ko na itinuloy kasi wala rin namang mangyayari.
Bakit ba gusto nilang saktan ako? Inaano ko ba sila? Ni hindi ko nga sila sinaktan o kung ano man. Bakit ganun sila? Hindi nila alam na nasasaktan ako sa ginagawa nila.
"Oo naman!" Nakangiting sabi niya napaka sinungaling talaga ng lalaking to.
Gusto ko na ngang makipag break pero ayoko pa. Lulubusin ko na ang 1 taon na kasama siya. Kahit masakit sa kalooban ko na i let go siya. Pero alam kong may mahal na siyang iba at hindi ako yun. Ang sakit talaga sa damdamin. Sana hindi na matapos ang 1 taon na kasama ko siya.
Hay, parang gustong umiyak sa harapan niya pero hindi ko magawa kasi masasayang lang ang luha ko sa kanya kapag naghiwalay na kami. Kaya iipunin ko na ang iyak ko kung lumipas na ang 1 taon dun ko ibubuhos ang galit at kalungkutan na nangyari sa akin dahil hinawalayan na ako ni Kyo.
Pero masaya pa rin ako dahil nakasama ko siya sa loob ng 1 taon.
"Tara alis na tayo?" Aya ko sa kanya tumango na lang siya bilang sagot. At dumiretso kami sa classroom at umupo na sa upuan. Hindi ako nakinig kasi lutang pa ako. Pero nagpanggap akong nakikinig pero ang totoo ay hindi talaga ako nakikinig. Dismissal time na at sabay kaming umuwi ni Kyo hatid sundo niya ako araw-araw. Pagkarating ko sa bahay nagpaalam na kami sa isa't isa.
"Paalam Kyo." Paalam ko sa kanya at pilit na ngumiti sa kanya. Pero ang totoo nasaktan talaga ako sa narinig ko kanina.
"Paalam din." Aniya at tuluyang umalis. Tuluyan na akong pumasok sa loob at dumiretso sa kwarto.
Dun ko binuhos ang galit at kalungkutan na ipinadama niya sa akin kanina. Sumosobra na siya sa ginagawa niya sa akin. Araw-araw akong umiiyak at humahagulgol sa kwarto dahil sa kalungkutan na ipinadama sa akin ni Kyo. Hinihintay ko na lang ang 1 taon para makipaghiwalay at maghiganti sa lahat ng nang-api at nanloko sa akin. Humanda sila sa ginawa nila sa akin.
KINABUKASAN. Bumangon na ako sa kama ko at dumiretso para maligo. Pagkaligo ko nagbihis na ako at tuluyan ng lumisan sa bahay ko. Pagkadating ko sa school dumiretso ako sa classroom at pumasok. Nandoon na si Kyo at tahimik na nakaupo sa upuan niya. Tumabi ako sa kanya.
"Kyo, ayos ka lang ba?" Tanong ko na parang nag-aalala. Pero ang totoo nag-aalala talaga ako sa kalagayan niya.
"Okay lang ako." Sagot niya, umupo na ako sa tabi niya. At tahimik na pinagmamasdan ang gwapo niyang muka. Ang gwapo pala niya. Tanga! Siyempre gwapo kaya nga sikat sa school di 'ba? sabi ng utak ko.
Nagsimula na ang klase at tahimik lang si Kyo. Ano kayang nangyari sa kanya bakit ang tahimik niya? Bahala na nga.
Hindi ako maka-focus, nakatingin lang ako sakanya. Hindi kaya may lagnat siya?
"Kyo.." Mahinang tawag 'ko dahil nagdi-discass pa 'rin si Ma'am sa harap.
Tama itong tumingin sa akin. "What?!"
Natigilan ako sa pag-sigaw niya. Lahat nakatingin sa amin, pero siya parang wala lang. Tamad lang itong nakatingin sa akin.
"I there any problem, Mr. Shimura?"
Hindi sumagot si Kyo bagkus ay lumabas na lang siya ng classroom, hindi pa 'din ako makapaniwala sa ginawa niya.
"Tsk. Tsk. Tsk."
Napatingin ako kay Jenica na nakangisi sa akin ngayon. Nalilito na ako sa nangyayari. Una, nagagalit na lang bigla si Kyo tapos ngayon si Jenica nakangisi sa akin ngayon?
Hindi 'ko na lang siya pinansin, baka naman kase hindi ako ang pinatatamaan niya di'ba? Hindi naman siguro ako ang may kasalanan kung bakit siya nagkaka-ganyan di'ba?
Naiiyak ako, ayokong ako ang may kasalanan o dahilan kung bakit siya nagkaka-ganyan. Nasasaktan ako.
BINABASA MO ANG
Nerd's Revenge [Completed]
Romance[Shimura's 1st trilogy] Si Nadine ay isang nerd na babae. Palaging binubully at sinasaktan ng mga classmate niya. Pero may isang lalaking palaging nag-liligtas sa kanya sa pambubully sa kanya. Pero paano kung ang lalaking minahal niya ay di pala siy...