Kyo's POV
Ngayon na 'ko makikipag - break sakanya, ayoko na. Sobra na talaga akong na - fall kay Nadine. That why makikipag break na ako kay Jenica. Ayoko na.
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Limang beses akong tumango sa tanong niya.
"Okay kung 'yan talaga ang gusto mo pakikisamahan na lang kita."
Aba! Dapat lang 'no. Sa grupong 'to wala 'atang pakielamanan, siya nga hindi 'ko siya pinakeelaman 'nung nag - hiwalay sila ni Lovely, ano gulat kayo ano? Oo, naging sila nga, pero naghiwalay dahil niloko na naman nang kaibigan 'ko si Lovely.
Nabalitaan 'ko pa nga hindi daw umiyak si Lovely matapos magkipag - break sakanya, wala naman daw kasing pakielam si Lovely sakanya eh. Saka isa pa sila kaya nung Carl ngayon, kahit bata pa sila. Kunwari pa nga ang gagong 'to eh na hindi daw umiyak, eh 'nung nakaraan lang eh nagpaka - lasing siya, binabanggit - banggit pa ang pangalan ni Lovely. 'Yun nga lang 'ata ang babaeng sineryoso niya eh.
"Kailan mo na naman balak makipag - break sakanya?" Nagkibit balikat ako. Siguro mamaya o bukas, basta hahanap na lang ako ng tiyempo.
Ako nga eh, si Nadine o Suzy lang sineryoso 'ko na naging girlfriend 'ko eh, malay 'ko ba parang may kung ano akong kirot na naramdaman 'nung sinabi niya na hindi na niya ako mahal at bumalik lang siya dito para maghiganti. Grabe, ang gago 'ko talaga.
Napa - aray ako ng tungguin niya ang aking braso. "Sabihin mo muna kung kailan."
"Kasalanan 'ko ba kung hindi 'ko alam?" Talagang pinipigilan 'ko lang na maupakan itong gagong 'to, sinabi ng hindi alam eh pinagpipilitan pa na alam 'ko.
"Oo, kasi ikaw gagawa pero hindi mo alam."
"Pero pare namimiss 'ko talaga si Lovely, parang gusto 'ko uling magpaka - lasing, kaya nga lang alam kong wala akong karapatan kasi kasal na siya."
Sang - ayon ako sa sinabi niya, kasal naman talaga si Lovely.
"Pero pucha pare! Tuwing naalala 'ko ang mukha ni Carl nabubwiset ako, 'di hamak naman kasing mas gwapo ako 'dun pero 'yun pa 'din ang pinakasalan ni Lovely," Hirit nito.
'Di 'rin ah, mas gwapo kaya si Carl sakanya kaya nga lang hindi niya nakikita kasi ang pakiramdam niya siya na talaga ang pinakagwapo sa balat ng lupa.
"Tanong 'ko lang pare, liligawan mo pa 'rin ba si Lovely kahit kasal na siya?"
Serious question 'yun para sa akin kasi madalang lang ang taong manliligaw kahit kasal na ito.
"Para sakanya, sa akin, oo." Nanlaki ang mata 'ko sa isinagot niya! Oo! Edi nasapak na siya ni Carl, pero sa tingin 'ko mukhang imposible ang ganon dahil ang alam 'ko hindi naman niya mahal si Lovely.
"Gago! Alam mo namang si Carl Santos ang asawa 'nun." Si Carl Santos kasi ay isa sa pinakamayaman sa buong mundo, pero dahil mayaman 'din naman itong kaibigan 'ko ay magkasing - pantay lang sila.
Nagtaas ito ng kilay na akala mo isang menopause na matanda. "Wala akong pakielam kung mayaman siya eh pareho lang naman kami ng standards sa buhay ah, mayaman siya mayaman 'din naman ako ah?"
Ang talino talaga ng kaibigan kong 'to, alam na kung ano ang isasagot o kaya gagawin.
"Pero kahit na, baka magpatayan kayo diyan?" Natatawang sabi 'ko. Tawang - iling ang ginawa niya.
"Hinding - hindi ako susuko hanggang sa makuha 'ko na si Lovely sakanya. I'll never give up!" Itinaas pa nito ang kamay nito.
Ang corny, pwe! Gaganyan siya ng una pero 'pag nareject ni Lovely uuwi namang luhaan. Eh napaka - gago niya kasi eh! Ba't pa niya ito niloko kung alam niyang iiwan pala siya nito? Ngunit alam kong umiyak 'din si Lovely 'nung niloko siya nitong kaibigan kong si Brent.
"I'll never give up ka pa diyang nalalaman, suntukin kaya kita diyan para magising ka?" Hamon 'ko.
"Okay back to reality. Q&A ang gagawin 'ko sa 'yo ngayon. First question, ano ang nagustuhan mo kay Nadine?"
"Bakit ba?" Bulalas 'ko.
"Basta sagutin mo na lang pwede ba?!"
"Okay, nagustuhan 'ko ay ang pagiging mabait, maalahanin, at sweet niyang tao."
Napatango ito. "Next question, bakit ka nakipag - break sakanya kung gayong ganun pala ang ugali niya?"
"Dahil date si Jenica ang mahal 'ko 'nun at isa pa napag - kasunduan namin ng isa kong kaibigan na kailangan kong wasakin ang puso niya ng 1 taon," Yeah dating KAIBIGAN. si Brent na, kaibigan ko ngayon.
Naalala niyo pa ba ang mga panahong napag - kasunduan namin ng date kong kaibigan na kailangan kong wasakin ang puso ni Nadine sa loob ng one year? Hindi 'ko pa kasi siya mahal 'nung mga panahon na 'yun si Jenica pa 'din.
Nakaramdam ako ng kawalan ng pag asa simula 'nung iwan niya ako at umalis papuntang Korea, pero ano bang karapatan kong masaktan eh? Ako 'din naman ang dahilan kung bakit kailangan niyang umalis sa bansa. Ba't ba kasi naging manhid ako at ginawa 'ko siyang parausan, para lang makaporma kay Jenica? Naging kamukha 'ko na 'din itong si Brent naging gago 'din ako 'nung mga panahon na 'yon.
"Third question, mahal mo pa ba si Jenica?"
"Malamang hindi kaya nga ako makikipag - hiwalay eh. Ikaw talagang gago ka napaka - bobo mo, nakakabuwiset!" Inis kong sabi. Totoo naman talaga.
Pero kung ligawan 'ko kaya si Nadine sasagutin pa maya niya 'ko matapos ang mga bagay na nagawa 'ko date para lang masaktan siya?
"Fourth questio---" hindi 'ko na siya pinatapos pa.
"Ayos na ang tatlong tanong, tatlong sagot. Sumosobra ka na eh, nagiging pakielamero ka na eh."
Ano 'to best friend tag? Eh mukhang ginagago lang 'ata ako nito eh, question and answer portion ang nangyari? Tsk, sinungaling talaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/21370906-288-k843464.jpg)
BINABASA MO ANG
Nerd's Revenge [Completed]
Romance[Shimura's 1st trilogy] Si Nadine ay isang nerd na babae. Palaging binubully at sinasaktan ng mga classmate niya. Pero may isang lalaking palaging nag-liligtas sa kanya sa pambubully sa kanya. Pero paano kung ang lalaking minahal niya ay di pala siy...