Capitulo Tres

1.6K 58 3
                                    

May natatanaw akong liwanag sa di kalayuan. Sinag ng mga lamparella. Unti-unting natatanaw ng mala-kwago mga mata ang isang grupo ng mga lalaking nakabistidang pangsundalo. Ang mga Guardia Civil!

" Señorito Navarro, ¿por que sigues aqui? ¡Ya es tarde!" ( Señorito Navarro, why are you here? It's late) wika ng isang binatang pang-heneral ang bistida na nakasakay sa isang kabayo.

Siya si Hen. Hilario Guerrero. Ang aking pinsan na heneral sa hukbong nagroronda sa mga bahaging ito ng bayan.

" Estoy observando las estrellas esta señor. " ( I'm observing the stars señor. ) sagot ko sa kanya.

" ¡Ah! Simplemente a casa más tarde señorito. Los bandidos están fuera y no queremos que se lastimen. " ( Ah! Just proceed home later señorito. The bandits are out and we don't want you to get hurt. ) wika ni Hen. Hilario sa akin.

" Si heneral. Mi intiendo. " ( Yes general. I understand. ) sagot ko sa kanya.

Tumango at umalis ang heneral at ang kanyang hukbo. Bumalik ako sa pagmamasid ng mga bituin. Habang nagsusulat, nakarinig ako ng mga kaluskus mula sa mga kumpol ng mga sanga ng bulaklak.

" S-S-SINO Y-YAN?! " sigaw ko habang hawak ang lamparella ko. " M-magpakita k-ka! "

Lumakas ang mga kaluskus at nanginginig na ako sa takot at kaba nang may biglang lumabas mula sa mga bulaklak at niyakap ako nang mahigpit.

" Maawa po kayo! Gusto ko lang pong maglibang at magsa---- " napatigil siya. " B-B-BASTE?!!! "

" C-c-cecilia?! " nagtatakang tanong ko.

Bumungad sakin si Cecilia pero hindi ang Cecilia na kilala ko. Naka suot sya ng isang simpleng  kimona, pantali sa buhok na ginagamit ng mga tagasilbi at isang pulang saya na itinali nya para umikli.

Napaiwas ako ng tingin. Hindi ito kanais-nais na makita ang talampakan ng isang babae.

" Cecilia, tanggalin mo ang tali sa saya mo! At saka bakit ganyan ang ayos mo?! " galit kong tugon sa kanya habang nakapikit.

Hinawakan at ibinaba ni Cecilia ang mga kamay ko.

" Dumilat ka Baste. Wala namang masama kung makakita mo ang talampakan ko. " maamong tugon ni Cecilia.

Dumilat ako at nakita ko siya. Nakita ko ang pagmamakaawa sa kanyang mga mata.

" Bakit ganyan ang ayos mo? " seryoso kong tugon.

" Nakakairita na ang mga matataas at magagarbo na baro at saya. Napaka-init at makati. Kaya ganito ang ayos ko. Wag mong sabihin ito kay ama ha? " pagmamakaawa niya sakin.

Napakagandang babae talaga itong si Cecilia. Mapungay ang kanyang mata, maputi ang balat, maalon-alon ang kanyang buhok at kumikinang ang kanyang mata. Medyo mataray din ang dating ni Cecilia kasi sya yung lalaking nasa loob ng katawan ng isang babae.

" Baste? Parang awa mo na wag mo akong isumbong kay ama! " pagmamakaawa ni Cecilia.

Natauhan nalang ako sa pagmamakaawa ni Cecilia sakin. Tiningnan ko siya nang diretso sa mata.

" Sige " sagot ko sa kanya. " Pero sa isang kondisyon. "

Tumigil si Cecilia sa pagmamakaawa.

" Sige. Ano iyon? " tugon niya.

" Pupunta ka sa mga bulaklak at bigyan mo ako ng isang sanga ng mga ilang-ilang. Yung pula ha? " wika ko sa kanya.

" Arggh! Sige na nga. " wika ni Cecilia at umalis.

Natatanaw ko siya na umakyat sa puno ng ilang-ilang. Pinuntahan ko siya.

" Mag-ingat ka baka mahulog ka. Hahaha " tugon ko sa kanya.

" Ewan ko sayo! " galit na tugon ni Cecilia.

Tumawa nalang ako at tiningnan siya. Nakuha na nya ang bulaklak nang biglang nabali ang sanga na inakyatan nya.

" BASTE!! " sigaw nya.

Tumakbo ako nang mabilis at nasalo ko sya.

Niyakap nya ako at umiyak. Habang binubuhat ko siya papunta sa puno ng mga pangako...

" Wag kanang umiyak. Nandito na si Baste na handa kang protektahan. " wika ko sa kanya.

Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon