Capitulo Veintesiete

295 10 0
                                    

Naglakad ako palabas ng hacienda namin nang may biglang sumigaw sa gilid ko.

" Señorito! Bakit naglalakad po kayo sa kalagitnaan ng gabi? "

Nako si Luisa lang pala.

" Pupunta ako sa simbahan upang manalangin. " sagot ko sa kanya.

" Pero gabi na po at saka sarado na ang simbahan kasi maghahatinggabi na at delikado na baka may mga rebelde. " patuloy na wika ng dalagita.

Ningitian ko lang sya at binigyan ng maamong tingin.

" Luisa hija, nagpadala na ng liham ang kilala kong pari sa simbahan na si Padre Clavino na papuntahin ako dahil mayroon kaming kailangang pag-usapan. " wika ko sa kanya.

Tumango si Luisa at nagpatuloy ako patungo sa kuwadra at kinuha ko si Rosario. Aangal na sana ang kabayo ko nang pinatahan ko sya at pinagsabihan.

" Tumahan at kumalma ka Rosario. Pupuntahan natin si Liang at si Padre Clavino. " wika ko sa kanya.

" Baka madamay ako sa mga kalokohan nyo Baste ah? "  wika ni Rosario

Hinimas ko ang kanyang leeg ni Rosario at pinatahan sya ulit.

" Huwag kang mag-alala. Hindi ka madadamay. Itatali lang kita nang maluwag sa kahoy na malapit sa simbahan upang makatakas ka at makabalik dito sa kuwadra sakaling may masamang mangyari. " wika ko sa kanya.

" Sige pero bigyan mo ako ng isang kumpol ng trigo ah? " wika nya ulit.

Tumawa nalang ako at sumakay sa kanya. Mabilis kong pinatakbo si Rosario at mabilis naman siyang lumundag. Makaraan ang ilang sandali ay nasa tulay na kami nang dumaan ang isang karwahe na may markang

E.I.

Dumungaw mula sa bintana ng karwahe ang isang pamilyar na tauhan.

" Baste? " wika nya.
" Esteban amigo. " nakangiti kong tugon.
" Saan ka pala papunta? " sigaw nya.
" Sa simbahan. Mangungumpisal lang ako kay Padre Clavino. "
" Sige mag-ingat ka. "

Agad na umalis ang karwahe at pinalundag ko muli si Rosario sa tulay na gawa sa kahoy. Ilang sandali lang ang dumaan ay nakarating nakami sa

Iglesia Parroquial de San Ignacio

Bumaba ako mula kay Rosario at maluwag ko syang itinali sa isang punong kahoy malapit sa simbahan.

Tinanggal ko ang aking salakot at nagkukrus nang pumasok ako sa simbahan at nagtungo sa kumpisalan.

Kinatok ko ang tanggapan ng kumpisalan.

" Confesion? " wika ng isang matandang pari.

" Si padre. Labis ko pong kailangan iyan. " tugon ko sa kanya.

Lumabas mula sa kompisalan ang isang matanda at medyo hindi biniyayaan ng tangkad na lalaki, may dalang tungkod sa kanang kamay, libro sa El Confesion General sa kanang kamay at nakasuot ng abitong Dominikano. Pilipino ang pagmumukha ng nasabing prayle.

Lumuhod ako at nagwika.

" Padre ngayon na ang tamang panahon. "

" Habaan mo ang iyong pasensya Baste, hintayin lang natin ang binibini. " wika ng prayle.

Umupo ako sa kumpisalan habang hinihintay si Liang. Nabatid ko na bumukas ang Puerta Minor ng simbahan. Narinig kong may kumatok at bumukas sa isang bahagi ng kumpisalan.

" Teka muna sandali Baste ha? " wika ni Padre Clavino. " Confesion? "

" Hindi padre. " wika ng isang pamilyar na babae. " May hinihintay ako sa labas pero hindi sumipot. "

Nako! Ito na ang pagkakataon ko. Nandyan na si Liang at pupuntahan ko sya.

Pumasok ako sa kabilang kumpisalan at malaki ang aking pagkagulat sa aking nakita.

" CARMEN?! "

Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon