Capitulo Quince

475 14 1
                                    

Totoo po ba ang lahat ng ito?

Hindi ko inakala na sagutin pala ako ni binibining Cecilia ng isang napakatamis na oo. Isang salitang nagbago sa aking pananaw sa pag-ibig, ang pagbabago mula sa kalungkutan patungo sa kaligayahan.

" Te amo mi amor. " wika ni Liang habang nakatingin saking mga mata.

Hinawakan ko ang kanyang pisngi at dahan-dahang inilapit ang aking labi sa kanya. Hinalikan ko siya. Dinama ko ulit ang kanyang malambot na labi.

Nagpasya na ako na babalik na kami sa plaza kung saan naghihintay ang aming mga pamilya. Inalalayan ko siya pababa ng bundok. Hinawakan ko ang kanyang kamay habang papunta kami kay Rosario.

Nagdaan ang ilang mga sandali ay narating na namin ang plaza. Nakita namin ang aming mga magulang kasama ang aming mga kapatid.

Dahan-dahan kong ibinaba si Liang mula kay Rosario at inalalayan siya papunta sa aming mga magulang.

" Kamusta ang inyong paglilibot at pamamasyal sa bayan hija? " wika ni Don Fidel.

Ningitian lang namin sila.

" Mukhang Masaya kayong dalawa ah. " wika ni Doña Celesta.

" May maganda bang nangyari sa pagitan ninyo anak? " tanong ni ama.

Hinawakan ni Liang aking bisig at ningitian silang lahat.

" Pumayag na si binibining Cecilia na pakasalan ako. " nakangiti kong tugon sa kanila.

" Totoo ba ito? " tanong ni Don Fidel sa amin.

" Opo ama. Maari na po akong pakasalan ni Ginoong Sebastian. " nakangiting sabi ni Liang sa kanila.

Agad namang nagyakapan at naghiyawan silang lahat dahil sa mabuting balitang kanilang narinig. Hindi sila makapaniwala na matapos ang apat na taon kong panliligaw kay Liang ay sinagot nya ako.

Nagpaalam na kami sa mga Agustin dahil malalim na masyado ang gabi.

.
.
.

Kinaumagahan, nagising ako nang may ngiti sa labi. Naligo ako at nagbihis ng naayon sa pormalidad. Bumaba ako sa hapag-kainan, nagmano kina ama at ina at umupo sa bangko ko sa gilid ng mesa.

" Hijo? Ngayun ay pupuntahan natin ang mga Agustin at kakausapin natin sila patungkol sa kasal ninyo ni binibining Cecilia. " wika ni ama.

" Mukhang masaya ka ata ngayon mijo? " wika ni ina.

" Opo ina. " pasimple kong sagot.

Magdaan ang usapan sa mesa ay nagtungo na kami sa labas at sumakay sa mga karwahe.

Nagdaan ang mga sandali ay nakarating na kami sa hacienda Agustin. Pinabayaan na namin ni Liang na ang aming mga magulang na ang bahalang magplano sa aming kasal. Ang tanging hilig lang namin ay gabing simple ang mga paghahanda.

Nagpasya si Liang na magpahinga muna dahil medyo hindi maayos ang kanyang pakiramdam. Nagpasya din akong maglibot sa hacienda. Naglakad ako papunta sa daungan nila kung makikita ang isang pampang na hindi na sakop ng hacienda.

Makarinig ako ng mga hagulhol mula sa itaas ng pampang. Nagpasya akong puntahan at sundan ang aking narinig. Pagdating ko sa pampang ay nakita ko ang isang binibini na umiiyak sa ilalim ng isang puno.

" Umalis ka dito! Pabayaan mo akong mapag-isa! " wika ng binibini.

" Pasensya na binibini, pero bakit ka umiiyak? " tanong ko sa kanya.

" Dahil wala na ang lalaking minahal ko! Sinayang ko lang ang lahat ng mga pagsisikap nya nung kami ay magkasintahan pa lamang. " paliwanag ng binibini.

Hindi nalang ako nagsalita. Dahan sanang humarap ang binibini at na bigla ako sa aking nakita.

" Carmen?! " gulat kong tugon.

" S-sebastian?! " wika nya.

Bakit sya nandito diba nasa España pa sya?! Nako!!!

" Pasensya na kung sinaktan kita Baste pero mahal pa kita! " seryoso nyang tugon. Bigla nya akong hinalikan.

Nako!!!!!!!!! Paano na ito?!

Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon