Capitulo Veinte

396 12 1
                                    

Sa paglapit ni Ginoong Claudio ay naramdaman ko na unti-unti bumabalot ang takot sa aking damdamin. Nakita ko ang mga apoy ng galit sa kanyang mga mata.

" M-m-magandang umaga Ginoong Claudio. " nauutal kong wika.

" Anong kailangan mo Ginoong Sebastian? Huwag mo na akong gawing bahagi ng mga pasikut-sikot mo. Alam ko na may kailangan ka. " mataray nyang sagot.

Nabalot ng katahimikan ang buong paligid.

" SUMAGOT KA! " sigaw nya kasabay ng pagtulak sa akin.

Biglang bumaba si Kuya Pinong at tinutukan si Ginoong Claudio ng baril habang inaangat ang kanyang espada. Nakita ko ding nakahanda ng tumira ang hukbo.

" Huwag mong pagsisigawan ang kapatid ko ng ganyan Claudio. Alalahanin mo na sa isang pagbaba ng espadang ito ay maari kong bawiin ang iyong buhay. " wika ni Kuya Pinong na galit na nakatuon kay Ginoong Claudio.

" Itigil nyo iyan! " wika ng isang lalaking Nakasuot ng itim na bistida na may ternong itim na pantalon at itim na sapatos. May bigute at may katandaan narin ang kanyang mukha. " Hindi ako papayag na may dugong dadanak sa haciendang ito. Claudio, maari kanang umalis. May aasikasuhin kapa sa Intramuros. "

Tumango nalang si Ginoong Claudio at yumuko sa amin.

" Mauna na po ako sa inyo mga ginoo. " wika nya.

Agad siyang lumakad at sumakay sa isang karwahe sa di kalayuan.

Huminga nalang ako ng malalim. Hinimas ni kuya ang likod ko, senyales na maayos na ang lahat.

" Pagpasenyahan nyo na ang aking anak Heneral Josephino. Maintain talaga ang ulo ng binatang iyon. " wika ng lalaki.

" Walang problema iyan Don Cresencio. Ang gusto ko lang ay Dapat ayusin nya ng pananalita nya. " seryosong tugon ni kuya sa lalaki.

Siya si Don Cresencio Buenaventura

Matapos ang eksenang iyon ay pinapasok na kami sa casa grande ng pamilya Buenaventura.

Aminado nga ako na sa tuwing pumapasok ako sa pamamahayng ito ay humahanga talaga ako sa mga larawan na nakakabit sa mga pader ng bahay.

" Ano po pala ang sadya ninyo dito Ginoong Sebastian? " tanong ni Don Cresencio sa akin.

" Nais ko lang pong makausap si binibining Carmen. May lilinawin lang ako sa kanya. " seryoso kong sagot.

Nakita kong sinenyasan ni Don Cresencio ang isang tagapagsilbi.

" Señorito, sumama ka sa akin at ihahatid kita sa silid ng señorita. " wika ng tagapagsilbi.

Agad akong sumusunod sa dalagang tagapagsilbi. Huminto kami sa harap ng isang malaking pintuan.

" Kumatok ka lang po ginoo at lalabas lang ang binibini. " wika ng tagapagsilbi.

Tumango nalang ako sa kanya at umalis sya. Kumatok ako sa pituan dala ng kaba...

" Meniang? " wika ko. " Si Baste po ito. "

Narinig ko ang isang mahinang hagulhol sa loob ng silid. Ewan ko pero parang binalot ng awa at habag ang aking puso. Tila wala paring sumasagot sa mga katok ko sa pintuan.

Umupo nalang ako sa sahig habang nakasandal sa pinto.

Hindi ko namalayan na biglang bumukas ang pintuan kadahilanan na matumba ako.

" Baste? Maari kanang pumasok. " wika ni Meniang.

Kitang-kita ang pamamaga ng kanyang mga mata na tila galing sa pag-iyak. Naramdaman ko ang pagkaawa sa kanya.

Tumuloy ako sa silid at nakita ko ang napakaraming libro, mga papel at mga sirang pluma.

" Ano ang sadya mo dito? " tanong ni Meniang habang nakatalikod.

" Nais sana kitang makausap. Nais ko rin sanang linawin ang lahat Meniang. " wika ko sa kanya.

" Huwag mo nang sayangin ang iyong tinig Baste. Nauunawaan ko na ang lahat. " sagot nya.

" Per-.... "

Napatigil nalang ako nang makarinig ako ng mga putok ng baril. Pinayuko ko si Meniang at pinaupo sa sahig.

" ANO BA ANG NANGYAYARI BASTE?! " nag-aalalang tugon ni Meniang sa akin.

Nanatili nalang akong tahimik habang inilabas ang isang gulok mula sa gilid ng pantalon ko.

Bumilog ang mga mata ni Meniang sa kanyang nakita.

" Huwag kang mag-alala. Pananga lang ito. " wika ko sa kanya.

Nabigla nalang kaming dalawa nang makita namin ang isang gwardiya na pumasok.

" Señor! AALIS NA TAYO! " sigaw nya samin.

" Bakit? "

Bigla nalang binaril ang gwardiya sibil at laking gulat ko sa aking nakita.

" KUYA?! " wika ni Meniang.

" HAYOP KA NAVARRO!! " sigaw ni Ginoong Claudio habang kinakasa ang isang duguang rifle.

Agad akong tumakbo nang napakabilis. Pag labas ko ng casa ay nakita ko si kuya Pinong sa baybayin ng lawa habang patuloy kaming inuulanan ng bala. Naramdaman kong biglang kumirot ang balikat ko.

" ARRRGGGHHH!!!! " sigaw ko.

" HALIKA NA BUNSO! AALIS NA TAYO! " wika ni kuya habang hinihila ako.

Agad nagsagwan ang naiwang mga gwardiya. Nakasakay kami sa isang bangka papunta sa hacienda Agustin nang may bilang... BANNGG!!

Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon