" Bunso...bunso! " pag gising ni ate Laurencia sakin.
Nako panaginip lang pala ang lahat. Haayyy nako ang utak at puso ko talaga.
" Nasan po si Liang ate? "
" Eh? Bunso maayos lang ba ang iyong pakiramdam? Hindi pinahintulutan si binibining Cecilia na lumapit sa iyo hindi ba? " tugon ni ate Laurencia.
Hay nako! Totoo nga panaginip lang pala. Hayst!
" Siya nga pala bunso, mapawalang-galang na pero may liham na dumating mula sa mga Agustin. Ang isa ay sinulatan gamit ang palang tinta at isa ay naka silid sa isang pulang sobre. "
Nako paano na iyan? May galit nga si Don Fidel sakin pero nagpapadala ng liham hmmmmm
Kinuha ko ang dalawang liham. Pamilyar ang sulat kamay sa liham na ginamitan ng pulang tinta kaya minabuti kong isantabi muna at basahin ang liham sa loob ng pulang sobre.
Kagalang-galang na ginoo,
Magandang araw sa iyo. Naway nabasa mo na ang liham na ito. Magmula ngayon ay hindi na matutuloy ang kasalan ninyo ng aking anak. Naway iwan mo na ang aming pamilya nang tahimik at hindi na bumalik kundi... BABALATAN KITA NG BUHAY! INTIENDO?
Nagbabanta,
Don Fidel AgustinDiyos ko!! Ang lakas ng pasya ni Don Fidel. Ang higit ng pasyang yaon.
Kaya pala naisulat ang liham gamit ang pulang tinta... Nagbabanta pala si Don Fidel sakin. Hindi ito pwedeng mangyari! Sa katunayan nga ay nangyari lamang iyon dahil sa maling pagpanig ni Claudio.
Hindi ko namalayan na biglang tumulo ang aking mga luha at nakadama ako ng labis na kalungkutan.
" Bunso? May problema ba? " nag-aalangang wika ni ate Laurencia.
Hindi nalang ako nakapagsalita. Wala akong maiwari o maimik dahil hindi ko alam kung bakit parang naninigas ang aking mga panga. Patuloy parin ang aking paghagulhol ng biglang sumipot si Toming sa loob ng silid.
" KUYYYYAAA!!! ATTTEEE!!! " sigaw nya na may luha sa mga mata.
Dali-dali syang tumakbo patungo samin at niyakap kami ng mahigpit.
" May liham na ipinadala ang Royal Audiencia. "
Kinuha ni ate ang liham at binasa ang mga katagang hindi namin Nais na marinig.
"...magmula ngayong araw na ito, ang pamilya Navarro ay ipinapatapon sa malayung lugar dahil sa pagpanig sa mga rebelde na pinamunuan ni Tandang Delyong ayon sa kasong isinumite ni Ginoong Claudio Buenaventura. "
" BASTARDO KA CLAUDIO!! " sigaw ni Toming habang nangingiyangiyak.
Nayakapa nalang namin ni ate Laurencia si Toming.
Bakit ganito?! Bakit kami ang palaging sinisisi?! Bakit?!!!!
" Tumahan na kayong dalawa. Toming ihanda mo na ang iyong sarili. Ikaw din Baste. " maamong tugon ni ate Laurencia.
Habang patuloy ang paghagulhol ni Toming, kinuha ko ang sulat na ginamitan ng pulang tinta at minabuting basahin.
Siguro banta na naman ito.
Nabigla at napaluha nalang ako sa galak sa aking nakita. Dahil ang nagsulat ng liham ay si Liang mismo.
Mi amor,
Bilisan mo ang iyong mga kilos at sulitin ang panahon dahil alam kong aalis kayo bukas ng umaga. Magkita tayo sa harap ng simbahan mamayang hatinggabi. Aasahan ko na sisiput ka mahal ko.
Nagmamahal,
Liang
Hindi na ako nag-atubili pa at Agad na akong umalis suot ang isang puting kamiso, gusot-gusot na pantalon at isang salakot na pinahiram sakin ni Luisa at nagtungo sa simbahan.
Papunta na ako mi amor!
BINABASA MO ANG
Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )
Narrativa Storica" Mangingibabaw man ang unang pag-ibig, matatabunan parin ito ng tunay na pagmamahal." . . Sa mundo ng pag-ibig, di akalain ni Sebastian Navarro na magugunaw ang kanyang binuong mundo. Sobrang nagdadalamhati ang binata sa pagkawala ng kanyang sinasa...