Capitulo Veintequarto

328 8 3
                                    

" SUGOD! " sigaw ng mga bandido na patakbong pumasok sa simbahan dala ang kanilang mga itak at mga panghampas.

Inulanan sana ng mga nagbabantay na mga guardia ng bala ang mga bandido pero hindi naalintala ang mga ito at patuloy na sumugod.

" MABUHAY ANG KALAYAAN NG BAYANG PILIPINO!! " sigaw ng isa sa kanila habang sinasaksak at pinagtataga ang mga guardia civil.

" Vamonos adelente amigos y compadres! ( Come along faster my friends and comrades ) " sigaw ng isang nakaunipormeng teniente habang kinakasa ang kanyang rifle.

Napatakbo nalang kami kasama ang mga Agustin at pinoprotektahan ang isang matandang pari na may itim na kasuotan. May pagmumukhang Pilipino ang pari na may mga kulubot sa dahil sa katandaan.

" Padre! Sumama po kayo sakin! Masyadong mapanganib. " wika ni Don Fidel habang inaakay ang kura papasok sa sacristia ng simbahan.

Agad kong inilikas sina Liang at sila Toming nang...

" Urgh! " ungol ni ate Laurencia.

" Yan ang bagay sa iyo binibini! " wika ni Claudio habang mariin na sinaksak si ate Laurencia.

Nanlaki ang aking mga mata sa kaganapang iyon dalhin para kumuha ako ng rifle at kinasa ito.

" CLAUDIO!!! INUTIL KA!! " wika ni Don Fidel mula sa aking likuran kasabay ng pagputok ng isang rifle.

Pero imbis na si Claudio ang matamaan ay...

" Kuy---!!! Urgh!! " ungol ni Meniang mula sa unahan.

" Meniang!!!! " sigaw ni Claudio mula sa gitna ng simbahan.

Agad na tumakbo si Claudio papunta kay Meniang. Agad niyang binuhat si Meniang palabas ng simbahan kasabay ng pagtakas ng mga kasapi nyang bandido.

Dumaan ang nakakabinging katahimikan sa loob ng simbahan.

Napaluhod nalang ako sa aking nakita. Nakalatag ang mga bangkay mula sa puerta mayor ng simbahan hanggang sa paanan ng altar nito.

Sinamahan ako ng pari sa harapan ng altar. Nakita kong sinenyasan ng sakristan ang lahat na lumuhod at yumuko.

" Requisecat in pace los muertos ( May all the dead rest in peace ) " wika ng pari.

" Amen! "

Nakita ko nalang si Liang na umiiyak sa piling nang kanyang ama. Namumuo ang galit sa mukha ni Don Fidel. Nakita ko ang mga apoy ng galit na lumalagablab sa kanyang mga mata.

" LUMUHOD KA NAVARRO! " sigaw nya sakin.

Nabigla nalang ako na napaluhod sa harap nya hindi ko namalayan na tumutulo na ang aking mga luha.

Kasalanan ko ang lahat ng ito!!! Bakit ang tanga tanga ko pa kasi!!

Kinasa nya ang isang rifle at itinutok ito sa aking ulo.

" HUMANDA KANG MAKIPAGKITA SA MGA HAMPASLUPA MONG MAGULANG! " sigaw nya.

Humarang si Liang sa harapan ko si Liang at pinipigilan nila Toming at ni Doña Celesta ang pagputok ng baril ni Don Fidel.

" AMA!! MAGHUNOS DILI KA!! " sigaw ni Liang na mangiyangiyak sa harapan ng kanyang papa.

Sinampal ni Don Fidel si Liang. Tumayo ako at pinatahan si Liang.

" HUWAG MONG HAWAKAN ANG ANAK KO! " sigaw nya. " Dalhin mo na si Liang sa casa mi amor AT IKAW NAMAN, HUWAG NA HUWAG KA NANG MAGPAPAKITA O MAKIPAGKITA SA ANAK KO KUNDI BABALATAN KITA NG BUHAY NAVARRO! "

Padabog na naglakad si Don Fidel palabas ng simbahan. Nagpakawala pa sya ng putok na tumama sa paanan ng altar. Nagitla ang pari at napakrus sa kanyang nasaksihan.

" Susmaryosep! Ayos ka lang ba hijo? " wika ng pari.

Naramdaman ko ang muling pagkahilo at biglang dumilim ang aking paningin.

" KUYA! "

Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon