Capitulo Diecinueve

407 13 1
                                    

Bigla nalang akong nagising sa masamang bangungut na aking nasaksihan. Hinihingal akong gumising at bumangon. Hinawakan ko ang aking dibdib. Biglang pumasok ang mga katulong...

" Señorito? Ayos lang ba kayo? Ano po ang nangyari? " wika at tanong ni Luisa.

Pumasok si ina sa aking silid at bigla akong niyakap.

" Nako! May masama bang nangyari hijo? " wika ni ina.

Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Agad ko syang niyakap. Naramdaman kong umagos ang aking mga luha habang hawak ko si ina sa aking mga bisig.

.....

Makaraan ang ilang sandali ay naiwan nalang kaming dalawa ni ina sa silid. Minabuti na nya na kausapin ako.

" Iwika mo ang napanaginipan mo anak at akoy makikinig sa iyong iwawari. " maamong wika ni ina.

Hindi mapigilan ang pag-agos ng aking mga luha at ang pahina ng aking pangatawan.

Patuloy akong umiiyak.

Kung Totoo man ang panaginip na iyon ay hinding hindi ko matanggap na papatayin ng mga Buenaventura si Liang lalong lalo na si Ginoong Claudio.

" Napanaginipan mo ba na pinatay si binibining Cecilia at babarilin ka sana ng mga Buenaventura hijo? " wika ni ina habang hinihimas ang aking ulo.

Na bigla nalang ako sa aking narinig.

Paano nalaman ni ina na iyon ang naging panaginip ko? Bakit nalaman nya?

" Paano mo nalaman ina? " pagtatanong ko sa kanya.

Ningitian lang ako ni ina.

" Alam mo Baste, kabisado ko na ang lahat ng mga karanasan mo hijo dahil ina mo ako. Ang mahalaga at mainam na gawin ay pumunta ka sa mga Buenaventura at linawin ang sitwasyon ninyo ni binibining Carmen. " payo ni ina.

Bumangon ako. Pumunta ako sa aparador at nagbihis.

" Tama ka ina. At pupuntahan ko na sila ngayon din. " dali-dali kong wika kay ina.

Lalabas na sana ako sa silid nang harangan ni ina ang pintuan.

" Teka lang. Maghunos dili ka! Kumain ka muna ng almusal at maligo ka bago ka muna pumunta don. " wika ni ina.

Sinunod ko ang Plano ni ina nang naayon sa aking kalooban.

.....

Sasakay na ako sa karwahe nang sinalubong ako ni Kuya Pinong na Nakasuot ng uniporme at nakasakay sa puting kabayo. Sumaludo ako sa kanya.

" Magandang umaga kuya. Ipagpaumanhin mo po pero bakit nandito po kayo? " tanong ko kay kuya.

" Inutusan ako ni Don Fidel na pamunuan ang isang daang sundalo na pinadala ni binibining Cecilia para pabantayan ka. " wika ni kuya.

Dumungaw ako at nakita ko ang isang hukbo na may dalang mga baril at base sa mga pagmumukha nila, nasabi ko na mga sundalong Pilipino ang ipinadala ni Liang.

Tumango nalang ako kay kuya Pinong. Senyales na aalis na kami.

Nakita ko na pinalibutan ng mga gwardiya sibil ang karwahe habang papunta na kami sa Hacienda Buenaventura.

Unti-unti ko nang natatanaw ang isang bakal na bakod at isang malaking mansyon sa baybayin ng lawa.

Ang Hacienda Buenaventura

Sa di kalayuan ay nakita ko ang mga lalaking maangas ang tinig. Nakasuot sila ng bistida militar, dala ang kanilang mga rifle ( rif-Le ) habang nagbabantay sa harap ng puerta mayor ( Main Gate ).

" Buenos Dias señorito. Ano po ang sadya nyo dito? " wika ng isang gwardiya.

" Nais ko po sanang makausap ang señorita Carmen ninyo. " wika ko habang nakadungaw sa bintana.

Mukhang pinagtatawanan ata ako ng mga guardia.

Mga bastos pala tong mga to eh!

Makaraan ang ilang mga sandali ay may kasama na ang guardia na ayos haciendero, mestizo at magkamukhang magkamukha sila ni Meniang.

Si Ginoong Claudio Buenaventura.

Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon