BAAAAANNNGGGG!!!
ARAY KO PO!" Maayos lang ba ang lang ba ang kalagayan nyo señorita? " wika ni Francisco kay Liang.
" Ano ba naman iyan Ginoo! Muntik na tayong mamatay! " galit na tugon ni Liang.
" Pasensya na binibini at hindi namin na tingnan nang maayos ang gulong ng karwahe. " wika ng isang babae mula sa gilid ng pader.
" Juana?! " gulat na tugon naming lahat.
" Presente! ( Present ) " nakatawang wika ni Juana.
Nalilito ako sa sitwasyon ata ngayon.
" Sandali lamang " wika ko, " Bakit hindi ka nakasama samin Juana? "
Tumawa nalang ang dalagita.
" Doon ko nalang ipapaliwanag sa mansyon. " wika nya.
*******************************************
" Paano ka...? " wika ko.
" P-pero..." wika ni Liang.
" Bakit? " wika ni Toming.Napatawa nalang si Juana at si Francisco habang nagsisindi ng mga lamparella sa loob ng bahay.
Dinala namin si ate Laurencia sa isa sa mga silid ng aming mansyon. Binalutan namin ang mga sugat nya at ginamot ang mga ito.
" Nanatili lang ako sa kumbento kasama ang mga pari habang nagkagulo ang lahat." wika ni Juana. " Wala namang mga rebelde na nagtangkang pumasok sa kumbento. Tila natakot sila sa mga dugo ng kambing na nakalatag sa mga pintuan."
" Ang karwaheng sinakyan natin ay ang karwahe ng hacienda. " wika ni Francisco. " Natanggal ang gulong sapagkat ang mga bahagi na sumusuporta nito ay kinakalawang na dahil sa paulit-ulit na pagtawid sa ilog. "
Bigla nalang akong nagugulumihan.
" Paano naman kayo nakapasok sa hacienda? " tanong ni Toming sa kanila .
Humarap sya sa isang malaking litrato. Nakaukit sa lalagyan nito ang mga katagang:
E
n el amor estamos formados, en el amor vivimos ( Sa pag-ibig tayo mabubuo kaya sa pag-ibig tayo mabubuhay )
" Maraming mga bagay na mahirap ipaliwanag. " wari ni Juana.
" Ano ang ibig mong iparating? " wika ko.
" Ang ibig nyang sabihin..." sagot ni Francisco. "...iniwan na ng mga guardia civil ang bahay kasi wala nang kahina-hinala dito. Pumasok kami mula sa pampang sakay ng mga bangka kasama ang mga napatanggal na tagapagsilbi. Unti-unti naming inayos ang bahay at nakumbinsi na namin ang bagong gobernador na kami na ang mamalagi sa bahay nyo. "
" Sino nga ba ang bagong gobernador ginoo? " wika ni Soledad.
" Si Don Cresencio Buenaventura. " malimit na wika ni Francisco.
Napahampas si Ginoong Patricio sa mesa.
" ANG DEMONYONG IYON AY ITINALAGA NA GOBERNADOR?! " galit nyang wika.
Pinatigil ni Liang ang kuya nya.
" Nararamdaman ko na may nagroronda sa malapit. " wika ni Liang. " Kailangan na nating maghanda sa lalong madaling panahon. "
" Paano naman ngayon? Wala na tayong mga kagamitan. " wika ni Don Fidel.
" Ano ang hinanda ninyo Ginoong Francisco? " wika ni Doña Celesta.
Humakbang palapit si Francisco at umupo malapit sa mesa dala ang isang liham. Selyado ito.
" Ipapadala ko ang liham na ito ngayon papunta ng Bulakan upang ipaalam sa iba nating mga kasamahan..." wika ni Francisco. "...at bukas makalawa ay lalaban tayo sa mga pesteng Kastilang iyon! "
Nako...
BINABASA MO ANG
Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )
Historical Fiction" Mangingibabaw man ang unang pag-ibig, matatabunan parin ito ng tunay na pagmamahal." . . Sa mundo ng pag-ibig, di akalain ni Sebastian Navarro na magugunaw ang kanyang binuong mundo. Sobrang nagdadalamhati ang binata sa pagkawala ng kanyang sinasa...