Capitulo Diecisiete

402 14 1
                                    

Nabigla at nagulat ako sa aking nakita.

" Mi amor? Anong ginagawa mo dito? " pabulong kong wika sa kanya mula sa itaas.

" Hawakan mo muna ito nang maiigi. " wika nya habang naghagis sya ng lubid sa akin.

Agad kong sinalo ang lubid at itinali sa haligi na pinaglalagyan ng mga halaman. Titingin na sana ako ulit kay binibining Cecilia pero nagulat nalang ako dahil sa pagdungaw ko ay kaharap ko na sya.

Nakasuot siya ng isang kulay rosas na kimona at kahil na saya. May tela siyang nakalagay sa kanyang ulo at at bulaklak na pang-ipit ng buhok ay kanya ring sinuot. Kahit na ganoon parin kasimple ang kanyang pananamit ay nangingibabaw parin ang taglay nyang kagandahan.

" Hoy! Bakit nakatulala ka lang? Hahaha " wika nya sakin sabay kurot sa pisngi ko.

Natauhan ako sa kanyang ginawa. Hindi ko namalayan na nasa gilid ko na si Liang.

" Batid kong may bumabagabag sa iyon nung nasa bahay ka. Halikat pag-usapan natin. " wika nya.

Niyakap nya ako mula sa likod.

Nako mukhang ako na ang ginawang binibini ng babaeng ito hahaha!

Umupo kami sa mga bangko sa balkonahe.

" Ano ba ang iyong nakita sa pampang na bigla kang namula nung nakita kita sa hardin? May nagtakot ba sa iyo mi amor? May mga tulisan ba doon? " tanong nya sakin.

Nahulma ang mga kamao ko. Naramdaman ko ulit ang sakit at galit kanina sa pampang.

" B-bumalik na si Meniang! " tugon ko.

Biglang bumilog ang mata ni Liang habang tinakpan nya ang kanyang bibig. Mukhang nagulat siya.

" A-a-ano ang ginawa nya? May nangyari ba sa inyo? " nauutal nyang wika.

Nanahimik nalang ako at yumuko.

" Sumagot ka Baste! " sigaw nya sakin.

Nakita ko ang mga luhang dumaloy mula sa mga mata nya. Nakita ko ring nanginginig siya sa galit.

Noon, ako, si Liang, si Esteban at si Meniang ang magbabarkada. Kadalasan ay nasa bundok ng San Ignacio ang pook laruan namin. Doon din madalas naganap ang mga panglalait namin nung nasa mga dalagat binatilyo na kami. Unang umalis si Esteban para mag-aral ng sekondarya sa Maynila. Sumunod naman si Liang na nagpunta sa España para mag-aral ng agham at literatura. Naiwan kami ni Meniang. Nagsimulang nagkagusto sakin si Meniang nung nakita nya ako sa prusisyon ng Poon San Ignacio noong piyesta. Unti-unti din akong nahulog kay Meniang. Nagdaan ang mga buwan ay niligawan ko sya. Sinagot naman nya ako at naging magkasintahan kami. Labis na kinontrahan ni Doña Trinidad na ina ni Carmen ang pagkasintahan namin. Hindi din ako nagustuhan ni Ginoong Claudio na kapatid ni Carmen. Hindi nagtagal ang relasyon namin ay iniwan ako ni Carmen. Iniwan ang puso kong sugatan at ako na nalugmok sa labis na kalungkutan. Hanggang sa bumalik si Liang at sumigla ulit ang aking buhay pero ginulo na naman sa muli pagbalik ni Carmen.

Niyakap ko si Liang nang mahigpit. Narinig ko ang kanyang mga hagulhol.

" Tumahan ka mi amor. Walang ginawang siyang ginawang masama. Hindi rin ko rin naman pabayaan ang sarili ko. " wika ko habang hinihimas ang kanyang likod.

" M-mabuti naman kung ganon. " sagot nya sakin.

Pinunasan ko ang kanyang luha at hinalikan siya sa noo.

" Hayaan mo. Magpapaliwanag ako sa kanya bukas para malaman nya ang lahat. ¿Intiendo? " sagot ko.

Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon