Capitulo Veintenueve

297 8 1
                                    

" Kuya? Ayos lang ba? " tanong ni Juana sakin.

Nakasakay kami ngayon sa bapor Esmeralda papunta sa isang sila kung saan kami ipapatapon. Ang aming pamilya, mga guardia civil, at ang kapitan ng barko lang ang sakay dahil walang Dapat maka alam kung saan kami ipapatapon. Naririnig ko parin ang patuloy na pag-iyak ni Toming habang patuloy syang pinatahan ni ate Laurencia mula sa kinaroroonan ko dahil hindi talaga nyang gustong iwan si binibining Soledad sa San Ignacio. Pinadalhan ko naman si Esteban na pabantayan si Liang at si Soledad.

Nasa itaas ako ng kubyerta at dinama ang ko ang malamig na hangin.

Hindi ko talaga maakala na sa loob lang ng tatlong buwan ay mawawala ang mga mahal ko sa buhay. Patay na ang aming kuya, si ina at si ama. Naalala ko tuloy ang wika ni ina bago siya bawian ng hininga

"...gawin ang lahat...SA NGALAN NG PAG-IBIG. "

Naramdaman kong bumigat ang aking mga mata at napaluha sa aking naalala.

Wala na si ina, ama at si kuya, pibaghiwalay kami ni Liang, nadamay pa ang mga kapatid ko...nang dahil lang sa akin

Tumawid ako sa gilid ng barko at nagtakang tumalon at magpalunod sa dagat nang...may yumakap sa akin.

" KUYA HUWAG!!! " sigaw ni Juana.

Narinig nila Toming ang sigaw ni Juana at dali-dali nilang hinila ako pabalik sa kubyerta.

Para akong bumagsak sa aking mga tuhod nang naibalik na ako sa kubyerta at pinalibutan nila ako. Naradaman kong tumulo ang mga luha ko.

" KASALANAN KO ANG LAHAT NG ITO! " sigaw ko habang patuloy na umiiyak.

Niyakap nila ako nang mahigpit.

Naririnig ko ang mga iyak nila nang...

" Anong kaguluhang ito?!! " sigaw ng isang guardia civil habang hinila si Toming.

Kinulata nila si Toming. Inawat sana nila ate at ni Juana ang mga ito. Nagtangka pa akong bugbugin ang isa sa mga ito nang...

" TUMAHIMIK KA NAVARRO!! " at pinakol ako ng kahoy na bahagi ng kanyang baril at biglang dumilim ang paligid.

****

Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon