" Magandang gabi sa inyong lahat. Naparito tayo ngayun upang ipagdiriwang ang ika-dalawamput isang kaarawan ng aking mahal na anak na si Cecilia. " wika ni Don Fidel sa mga di pang karaniwang bisita na galing sa iba't ibang karatig bayan.
"Labis ang aking kagalakan na nakapunta kayo dito . Kung gayon, simulan na ang kainan at tayo nang mag kantahan at inuman."
"Feliz Cumpleaños hija,"( Happy birthday my daughter ) bati ng Gobernador kay Liang.Nagsiupo na ang mga bisita at masayang nagsalo-salo ang aming pamilya kasama ang mga Agustin.
Sa ibabaw ng mesa, makikita ang samutsaring mga putahe at higit sa lahat maraming nakahandang mga masasarap na bote ng alak.
Nagningning ang aking mga mata sa maraming kanin na naka handa sa hapagkainan..
Hmm mukhang masarap to Sayang ay pinagbawalan muna akong doktor na kumain ng mga putaheng may maraming mantika.
Kumuha nalang ako ng inihaw na isda, sinamahan ng isang plato ng mga gulay at prutas at saka isang baso ng tubig.
" Buenos noches Señorito Sebastian Navarro. " ( Good evening Señorito Sebastian Navarro ) wika ng isang binatang lalaki na Nakasuot ng pormal na kasuotan na kulay itim na may terno na itim na pantalon at itim na korbata. Magkamukha sila ni Cecilia.
" Magandang gabi din sa iyo Ginoong Patricio Agustin. " tugon ko sa kanya.
Tumawa nalang siya at tiningnan ako.
" Nako ginoo. Patyong nalang po ang itawag mo sakin. Sa bagay ay matalik mo namang kaibigan ang aking kapatid. " nakangiting wika nya sakin.
Ang pamilya Agustin ang isa sa mga unang dumating na pamilya dito sa bayan at ang ikatlong gobernador ng bayan ay si Filimon Agustin, ang pinakaapu-apuhan ni Cecilia.
Hindi ko mapigilang mamula dahil sa sinabi ni Patyong sa akin. Alam ko at natatandaan ko parin ang pangyayari kaugnay sa ayos ni Cecilia. Hindi ko kayang makipagkita sa mga kapatid nya na may bumabagabag sa aking isipan.
" Oh siya, maiwan ko na kayo. " tugon ni Patyong habang nakangiti.
Makaraan ang ilang minuto ay na tapos ko na din ang ulam ko. Nagpaalam muna ako kay ina at ama na pupunta muna ako sa Hardin nila. Patungo na ako sa labas nang may makita akong isang kilalalang lalaki.
" Esteban! " wika ko sa aking kaibigan.
" Buenos noches amigo. ( Good evening my friend. ) Oh? San ka pupunta? " nakangiting tanong nya." Sa Hardin lang. Tingnan ko lang muna ang kanilang mga halaman. " sagot ko sa kanya.
Tumango nalang si Esteban at nagpatuloy ako sa paglalakad. Tumingin tingin ako sa mga halaman nilang ayon sa mga tagapagsilbi dito ay nagmula pa daw sa ibat-ibang parte ng bansa ang mga halaman.
Nagpatuloy ako sa paglalakad nang may humila sa aking kasuotan. Napaatras ako at nahulog ang aking salamin sa lupa.
" Sino ka at nasaan ang salamin ko? " sagot ko habang kinakapa ang lupa.
" Nombre señorito? " ( Your name señorito? ) wika ng isang pamilyadong boses.
Lumingon ako.
" Mi Nombre es Sebastian Navarro. " ( My name is Sebastian Navarro. ) sagot ko sa kanya.
" Nako ikaw pala yan Baste. " paghinga ng malalim sa isang tauhan sa dilim.
Isinuot ko muli ang salamin ko at bumangad sa aking mga mata si Cecilia.
" Labis akong natakot sa iyong ginawa binibini! Akala ko na mga bandido na ang kaharap ko. " nanginginig kong wika.
Tumawa nalang si Cecilia at tiningnan ako.
" Ikaw talaga Baste! Napakamatakutin mo talaga. Ikaw parin pala ang duwag na Baste na kilala namin. " nakatawang sagot ni Cecilia.
" Hindi a-ako du-du-duwag. " nauutal kong tugon sa kanya.
Naramdaman kong biglang nag-init ang aking mga pisngi. Umiwas ako ng tingin. Aalis na sana ako pero hinila ako ni Cecilia.
" Teka muna! " wika ni Cecilia
" Bakit na naman Liang?! " naiinis kong tugon.
Hinati niya sa dalawa ang buhok ko at may kinuha sya mula sa puno na halos dalawang metro ang taas.
Teka? Diba ilang-ilang yan?
Ngumiti si Cecilia sakin at inilagay nya sa bulsa ko ang isang piraso mula sa sanga ng ilang-ilang.
" Tara na at baka hinahanap na tayo. " wika ni Cecilia.
Tumango nalang ako.
"Iba klase talagang babae si Liang" naibulong ko nalang habang palinga linga.
Patakbo akong naglakad patungo kay Cecilia, palabas na kami ng Hardin nang...
" S-sebastian? " gulat na sabi ni ina.
" C-cecilia? " wika ni Don Fidel kay Liang na bakas ang takot sa mukha.
Yumuko nalang kaming dalawa.
Mahabaging Panginoon tulungan mo po ako. Paano namin mapapaliwanag ang tagpong ito. Amen.
" ANO ANG IBIG SABIHIN NG KALAPASTANGANG ITO?" galit na wika ni Don Fidel.
Namumula sa galit ang mestisong mukha ng ka galang galang na Gobernador.
Pilit kong ipinapaliwanag sa harap ng aming mga magulang ang totoong mga pangyayari. Pero tila hindi nila ako naririnig.
Habang si Liang sa aking Tabi ay tahimik na nakayuko at nakikiramdam at nangangatog sa kaba.
" Alam na alam ninyong dalawa na hindi maaring magsama ang babae at lalaki sa isang lugar. Lalo't wala kaming nababalitaan na kayo'y magkasintahan! " wika ni ina .
"Ang nangyari sa gabing ito ay isang malaking pagkakamali." sabi ni Don Fidel.
Tahimik ang ilang sandaling nakalipas, hanggang sa biglang nagsalita si Don Fidel at...
"Magpapakasal kayo"
Panginoon tulong po!
At biglang tumigil ang mundo ko.
Nako lagot!
BINABASA MO ANG
Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )
Historical Fiction" Mangingibabaw man ang unang pag-ibig, matatabunan parin ito ng tunay na pagmamahal." . . Sa mundo ng pag-ibig, di akalain ni Sebastian Navarro na magugunaw ang kanyang binuong mundo. Sobrang nagdadalamhati ang binata sa pagkawala ng kanyang sinasa...