Capitulo Veintedos

383 11 3
                                    

" Mahal maghunos dili ka! Parang awa mo na huwag kang lulusob sa mga Buenaventura. Ayaw namin ng gulo. " pagmamakaawa ni ina kay ama habang patuloy na naglalakad si ama pababa ng hagdanan sa bahay ng mga Agustin.

Itinakwil ni ama ang mga bisig ni ina na mahigpit na nakayakap sa kanyang katawan.

" Pabayaan mo na ako Gaudencia. Gusto nila ng sigalot bigyan ko sila ng sigalot! " galit na tugon ni ama na sumakay sa isang kabayo kasabay ng pagbunot ng isang baril.

Dali-dali akong inakay nila Liang upang pigilan si ama pero sa kasamaang palad ay mabilis na lumundag ang kabayo na sinasakyan ni ama palayo sa amin.

" Kailangan natin syang pigilan. " wika ni ina.

" Inutusan ko na si Heneral Josephino na kumuha ng mga kanyon at kawal para labanan ang mga guardia personal ng Claudiong iyan. " wika ni Don Fidel.

Inakay nila ako papasok sa isang karwahe kasama sila Liang at Toming habang nasa kabilang karwahe si ina at ang mga Agustin. Mabilis na tumakbo ang karwahe upang maabotan ang aking ama na ngayon ay nasa puerta mayor na ng Hacienda Buenaventura.

" Adelente amigo! Mi defenderemos su padre por Buenaventura! " ( Faster my friend! I need to defend my faster from the Buenaventuras. ) wika ko sa kutsero.

Narinig namin ang mga mariing putok ng mga rifle mula sa loob ng hacienda.

" Sige! Lusubin nyo ako hanggat kaya nyo! LUMABAS KA DYAN CLAUDIO! HUWAD KA! " sigaw ni ama.

Nakarating na kami sa pinangyarihan. Agad na sumabak ang mga sundalong dala ni kuya Pinong sa labanan. Magiting na pinamunan ni kuya ang hukbo.

" SEGISMUNDO MI AMOR! PARANG AWA MO NA! TUMIGIL K---.. " napatigil si ina sa kanyang iniwika nang matamaan ng bala ang kanyang dibdib.

" GAUDENCIA!! " sigaw ni ama na dali-daling bumaba ng kabayo.

" IIINNNNNAAAA!!! "sigaw namin ni Toming.

Agad na lumusob si kuya Pinong.

" CLAUDIO! LUMABAS KA! " sigaw ni kuya Pinong habang pinalusob ang mga sundalo sa casa Buenaventura.

Pinaulanan ng mga sundalo ng bala ang mga guardia personal ng hacienda.

Agad na tumakbo palapit si ama kay ina.

" Mi amor! Huwag kang bibitaw! Huwag kang bibitaw! " sigaw ni ama.

Pilit ngumiti si ina kay ama.

" Mi amor, ipaglaban ang dapat ipaglaban. Kung hanggang sa kamatayan ang iyong paglalaban, gawin mo sa ngalan ng pag-ibig. " wika ni ina bago tuluyan siyang kinaltasan ng hininga.

Lumapit ang mga guardia personal at tinutukan si ama ng rifle.

" Su ulitima palabra? ( Any last words? ) " wika ng guardia personal.

Umiyak nalang si ama. Hindi madali ang mawalan ng minamahal sa buhay lalo nat asawa mo sya.

" Wala señor. " wika ni ama.

" Bastardo! " wika ng guardia personal at binaril si ama.

Para akong natabunan ng buong kalawakan sa nasaksihan ko. Sa isang iglap ay nawala na ang aking mga magulang. Wala na sila ama at ina.

Bumagsak ako sa lupa na sinabayan ng labis na pag-iyak dahil sa labis kong paghihinagpis.

" UMALIS NA KAYO BASTE! KAMI NA ANG BAHALA DITO! " sigaw ni Kuya Pinong habang pinatuloy ang paglaban.

Naramdaan ko ang pagkahilo at biglang dumilim ang paligid.

..................

Kinaumagahan, nagising nalang ako muli sa aking silid dahil sa mga hagulhol mula sa baba.

Pumasok si Liang sa aking silid habang dala-dala ang tela ang ibabalot sa aking sugat sa braso. Dahan dahan nyang tinanggal ang dating tela na nakabalot sa sugat ko at pinalitan ng bagong tela.

" Kamusta na ang kalagayan mo sinta? " wika ni Liang sakin.

" Maayos naman mi amor. Sadyang nangungulila lang ako kina ina at ama. " maluha kong wika sa kanya.

" Magiging maayos din ang lahat mi amor. Magtiwala ka lang. " maamong sabi ni Liang sakin.

Hinawakan ko ang mukha nya at hinaplos ito.  Tutugon na sana ako sa iniwari nya nang pumasok ang isang sundalo.

" Señor, may natagpuang katawan malapit sa inyong hacienda. " wika ng guardia.

Nako! Ano na naman ito?!

Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon