Capitulo Cuatro

1.5K 39 4
                                    

Niyakap ko siya.

" Umuwi na po tayo Cecilia. ¡Ya es tarde! " ( Its getting late! ) wika ko sa kanya.

Sinamahan ko siyang maglakad papunta sa paanan ng bundok.

" Paalam Baste. " nakangiti nyang tugon.

" Paalam" sagot ko sa kanya.

Naghiwalay na kami ng landas at umuwi na.

Aaaarrrggghhh!!! Ang bobo mo talaga Baste!!! Huwag kang magdama ng pagmamahal para kay binibining Cecilia! Kaibigan mo yun! Basta alalahanin mo na kapag nahulog ka masasaktan kalang. Intiendo? ( Understand )

intiendo mi consencia. ( I understand my conscience. )

Nagdaan at natapos ang gabi at bumungad sakin ang sinag ng bukang-liwayway. Nakaupo ako sa isang bangko sa may veranda.

" Mukhang malalim po ata ang iyong iniisip kuya. " nakangiting tugon ng isang dalagita nasa edad labing siyam. Nakasuot siya ng isang puti baro at palang saya na binordahan ng mga bulaklak.

Mapungay ang kanyang mata at manipis ang kanyang Labi. May kahabaan din ang kanyang buhok at maputi din ang kanyang balat. Siya si Juana Beatriz Navarro, ang aking pinakamamahal na kapatid.

" Hayaan mo nalang ako bunso. May bumabagabag sa aking isipan. " nakasimangot kong tugon sa kanya.

Tumawa nalang ng mahinhin si Juana.

" Iniisip mo ba si binibining ay este ate Carmen? hihihi " tumatawang wika nya.

Binigyan ko siya ng matalim na tingin.

" Huwag mong isambit ang pangalan ng salawahang iyon. " galit kong tugon sa kanya.

" Huwag mo ring pagsigawan ang iyong kapatid Sebastian. " seryosong tugon ng isang makisig na binatang naka suot ng puting bistidang pangsundalo.

Magkamukha kami pero mas seryoso at mas matalim siyang magbigay ng tingin kaysa sa akin. Siya ang kuya ko. Si Heneral Josephino Navarro. Ang pinuno ng hukbong pangkaayusan dito sa San Ignacio.

" Opo kuya. " sagot ko sa kanya.

Aalis na sana si kuya nang may naalala siya.

" Pakisabi na rin kina ama at ina mijo na may imbitasyon si Gobernador Don Fidel Agustin. Adíos mijo." Wika ni kuya.

" Adios. " sagot ko naman.

" Kuya? Bakit parang takot na takot ka kay kuya Pinong? " nagtatakang tanong ni Juana.

Tumahimik nalang ako. Sa katunayan ay Lima kaming magkakapatid.

Ang pamilya Navarro ang bunga ng labis na pag-iibigan ni Don Segismundo at Doña Gaudencia Navarro.

Ganito kasi yun. Sabi ni ina, ipinagkasundo sila noon ni ama ng kanilang mga magulang. Labis na nagalit si ina sa narinig niyang balita mula sa kanyang ama na si Don Felipe Fuentes. Naglayas si ina papunta ng Capas at mukhang wala na siyang planong bumalik. Sa bunga ng pag-aalala, inutusan ni ama ang kanilang kutsero para samahan siyang hanapin si ina. Naglakbay sila mula sa pagsikat hanggang sa paglubong ni Haring Araw hanggang sa marating nila ang Capas. Tumuloy muna sila sa bahay ng aking padrino na si Ginoong Diosadado Enriquez. Pagsikat ng bukang-liwayway ay Agad naglakad si ama sa mga bahay bahay para hanapin si ina at sa kagalakan nya ay natagpuan din nya si ina sa isang malaking bahay na bato. Nung Una ay hindi pa raw nagka-intindihan silang dalawa, pero nagdaan ang mga linggo ay unti-unting nahulog ang damdamin ni ina kay ama. Nang nakita na ni ama na maayos na ang lahat, inimbitahan niya si inay na bumalik sa San Ignacio. Buo ang kalooban ni ina na sumama kay ama. Labis ang kagalakan ng mga pamilya nila at ipinakasal silang dalawa.

Nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng limang anak. Pinangalanan silang Josephino, Laurencia, Sebastian ( ako yun ), Crisostomo, at Juana Beatriz.


Hindi ko akalain na makikita ko muli si Cecilia. Alas seis na ng gabi at sinabihan ko sila ina at ama na inimbitahan kami ni Don Fidel na maghapunan dun sa Hacienda Agustin.

" Mijo? Magbihis kana at humayo na tayo baka, nagsimula na ang piging. " pagmamadali ni ina sakin.

" Malapit na po ina. Inaayos ko muna ang korbata ko. " tugon ko sa kanya.

Nanalamin muna ako at naglakad patungo sa karwahe na sasakyan namin. Nagpaplano akong mang-asar kay Cecilia dahil sa nakita ko.

Hahahahahaha!!! Humanda ka sakin Cecilia!

Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon