" Kuya Baste? Kuya Baste? " wika ni Juana habang patuloy akong niyugyug.
Nasilawan ako sa sinag ng araw mula sa pagitan ng mga dahon ng mangga.
" Nako kuya buti nalang at nagising kana. May naghahanap sa iyo. " wika ni Toming.
Nakita ko silang tatlo na taglay ang mga masisiglang ngiti.
Bakit hindi sila malungkot?
Nakakita ako ng ilang grupo ng mga tao na unti-unting lumalapit sa amin. May musika din akong naririnig sa di kalayuan.
" Kamusta na kayo mga apo? " wika ng isang lalaking may katandaan.
Maputi ang kanyang buhok at mukhang mestizo ang lalaki na taglay ang pagmumukha ng isang insular Español. Magkamukha kami at Ewan ko dahil parang kilala ko na sya pero dahil sa mga pangyayari ay nalilimutan ko na sya. Nakasuot sya itim na prak at may nakataling lalagyan ng itak sa kanyang gilid at naka taas ang laylayan ng kanyang pantalon at suot nya ang tsinelas na gawa sa abaka.
" Maayos naman Lolo Joaquin. " wika ni ate Laurencia.
" Salamat at pinatuloy nyo po kami dito sa hacienda ninyo. " wika ni Toming sa kanya.
Yumuko nalang si Juana at nagbigay pugay sa isang kadugo namin.
Tumingin naman ang matandaan sa akin at ningitian ako.
" Maayong pag-abot dinhi sa isla sa Siquijor mijo ug ako ang imong lolo Joaquin. " ( Maligayang pagdating dito sa Siquijor mijo at ako ang iyong lolo Joaquin ) maamong wika nya.
Hindi ko mapiglang mamangha at maluha sa tuwa dahil hindi alam ng mga awtoridad na may kadugo pala kami dito.
*************
" Ano naman ang problema ng Claudiong iyan?! " wika ni lolo.
Nasa hapag kainan na kami ngayon at nilalasap ang arroz caldo na matagal ko nang hindi natitikman.
Nanabik akong muling makita ang San Ignacio, nanabik akong makita ang aking mga halaman, mga kaibigan at lalong lalo na si Liang.
" Ewan po namin sa kanya lolo. Sadyang may sayad lang sya kay kuya Baste. " wika ni Toming.
Tumayo si lolo at hinila ako palabas.
" Sumunod ka sakin hijo at may pupuntahan pa tayo. " nagmamadaling wika ni lolo.
" P-pero... "
Isinakay na nya ako sa kabayo.
" Wala nang pero pero! " sigaw ni lolo habang mabilis na pinalundag ang kabayo nya.
" HIYA!! ESPERANZA!!! " sigaw nya sa kabayo.
Mabilis na lumundag ang kabayo at ilang sandali pa ay dumating kami sa isang ulilang bahay na gawa sa pinagtagpi-tagping mga bayung at mga dahon ng anahaw na batid ko ay itinayo sa bungaga ng isang malaking yungib.
" Efatha! " Bulong ni lolo Joaquin at biglang humiwaga ang loob ng kuweba.
Lumabas ang isang dalagita na may mga bulaklak na nakapalamuti sa kanyang ulo at nakabistidang puti. May taglay syang angking kagandahan na hindi ko maipaliwanag.
" Pumasok ka Joaquin. " wika nya kay lolo.
Agad naman kaming pumasok sa loob ng yungib na sa mga naliliit na mga butas nito ay may nakalagay na mga rebulto ng Poong Nazareno, ng mahal na Birhen at ng mga anghel at mga Santo at Santa na hindi ko pa kilala.
BINABASA MO ANG
Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )
Ficción histórica" Mangingibabaw man ang unang pag-ibig, matatabunan parin ito ng tunay na pagmamahal." . . Sa mundo ng pag-ibig, di akalain ni Sebastian Navarro na magugunaw ang kanyang binuong mundo. Sobrang nagdadalamhati ang binata sa pagkawala ng kanyang sinasa...