Capitulo Trienta y Uno

323 9 1
                                    

" Sigurado kaba sa tinatahak nating daan kuya? " wika ni Toming sakin.

Nakatingin ako sa mapa na ibinigay ni lolo samin. Ayon sa kanya ay ito daw ang mapa papunta ng Sugbo ( Cebu ) kung saan kami ay hinihintay ng isang barko pabalik ng San Ignacio.

" Oo naman bunso. Ilang sandali nalang ay makikita na natin ang parola ng Arsenal de Sugbo. " wika ko sa kanya.

Mahigit tatlong araw na kaming naglalakbay ni Toming mula sa Siquijor. Naging sapat naman ang mga rasyon ng pagkain na ibinigay nila ate Laurencia at ni Juana para sa aming paglalakbay.

" Kinsa na?! " ( Sino iyan?! ) wika ng isang tao sa di kalayuan.

Sumenyas kami.

" Señor wala po kaming mga masasamang intensyon! " sigaw ni Toming sa kanila.

May dumating din na isang lalaki

" Huwag nyo silang saktan. " wika ng isang lalaki na pamilyado sa akin.

Si Francisco yata yan.

" Francisco? "  wika ko sa kanya.

Agad naman syang yumuko sa aming dalawa ni Toming.

" Magandang gabi sa inyo mga señorito. Mabuti at nakarating kayo ng ligtas. " wika nya samin.

--------------[                                  ]----------------

" Kamusta na kayo mga ginoo? " wika ng isang pamilyar na pari.

" Padre Clavino " wika ni Toming habang nagmano at yumakap sa pari.

Yumakap din ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala na may taga-San Ignacio na kasama namin ngayon.

Nasa loob na kami ngayon ng kumbento ng Simbahan ng Sto. Niño dito sa Centro Y Ciudad ng Cebu.

Dito muna kami pinatira ni Padre Clavino dahil kilala din nya ang superyor ng simbahan.

Habang ginagabayan ni Francisco si Toming patungo sa tulugan ng mga seminarista ay nagtungo ako sa kampanaryo ng simbahan. Natatanaw ko ang buong pueblo ng Cebu at sa di-kalayuan ay nakikita ko ang daungan. Nakarinig ako ng mga yabag ng paa.

" Hijo ayos kalang ba? " wika ni Padre Clavino.

Huminga nalang ako nang malalim.

" Nananabik lang akong makita muli si Liang padre. Medyo matagal nang panahon na hindi kami nagkita. " wika ko sa kanya.

Tinapik ng matandang pari ang aking balikat.

" Hijo kunin mo ito. " wika nya sakin sabay bigay ng isang bakal na krus na may sulat na...

" Cristus vincit, Christus regnat, Christus imperat. "

Si Kristo ay naghahari, nananakop at namumuno.

" Isuot mo yan palagi hijo. " wika ng pari sakin. " Siya ang magiging babay mo. Magiging maayos din ang lahat. " wika nya sakin.

Agad ko syang niyakap nang mahigpit. Tinugunan naman nya ang mga yakap ko.

" Halika na hijo. May naghihintay sa iyo sa ibaba. " maamong wika nya.

Agad kaming bumaba mula sa kampanaryo. Dali-dali akong bumaba at sumunod si Padre Clavino. Napatingin ako ulit sa kisame ng simbahan.

Ang ganda

Nakarating na kami mismo sa simbahan at lalong gulat at tuwa ko sa aking nakita. Tanawing nakakapawi ng lungkot at kapighatian. Tanawing nakakatunaw ng puso.

Nakikita ko sa may pintuan ng simbahan sila ate Laurencia, Juana, si binibining Soledad at higit sa lahat ay ang taong labis kong pinapangarap at inaasam-asam, ang babaeng naging mundo ko, ang aking matalik na kaibigan na ngayon ay aking kasintahan na.

" MI AMOORRR! " wika nya patakbo sakin.

Sinalubong ko sya ng halik at isang mahigpit na yakap.

" Mi amor. " Maluha-luha kong wika.

....si Liang

Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon