Capitulo Veinteuno

384 13 1
                                    

Naramdaman kong nabasa ang aking likuran. Umalingawngaw ang mga tinig ng kanyon mula sa di kalayuan at dinig na dinig ko ang sigaw ng mga kawal na nagsasagwan sa gilid ko.

" HENERAL! LULUBOG NA ANG BALSA! NATAMAAN NG KANYON NG MGA BUENAVENTURA! " sigaw ng isang kawani.

" BILISAN NYO ANG PAGSASAGWAN! MALAPIT NA TAYO SA HACIENDA AGUSTIN! " sigaw ni Kuya Pinong sa kanila.

" PERO SEÑOR, HALOS KALAHATI NA NG BALSA AY NAKASUBSOB NA SA TUBIG! " tugon ng isa.

" BILISAN NYO LANG! SUGATAN NA ANG AKING KAPATID AT NANGANGAILANGAN NG TULOG MEDIKAL! " sigaw ni Kuya Pinong.

Naramdaman kong biglang bumilis ang paggalaw ng balsa. Kumirot ang sugat. Ininda ko ang pag sakit ng aking mga kalamnan. Nakita kong humalo ang dugo ko sa tubig sinyales na ang kalahati ng balsa ay nakasubsub na sa tubig.

Kumapit ka Baste! Kaya mo iyan! Para sa kaligtasan ni Liang.

Nagkukrus ako at nanalangin.

Diyos na makapangyarihan, bantayan nyo po ang aming mga hukbo lalong lalo na si Kuya Pinong. Naway protektahan nyo kami sa lahat ng panahon at iligtas nyo kami nawa mula sa mga kapahamakan. Amen.

Sa katapusan ng aking dalangin ay narinig ko ang mga putok ng kanyon mula sa kabilang bahagi ng lawa sa hacienda Agustin.

" FUEGO! " sigaw ng isang sundalo habang nakatutuk ang isang kanyon sa mga guardia personal ng mga Buenaventura.

Agad na bumulwak ang bala mula sa kanyon at tinamaan ng diretso ang hukbo ng mga Buenaventura.

Narinig ko ang mga sagwan ay biglang humina. Biglang dumilim ang paligid at wala na akong makita pa.

....

" Argh! " wika ko.

Dumilat ako at nasa isang silid na ako.

Nasaan na ang mga kawal? Si Kuya Pinong? At nasaan ako? Nasa paggamutan ba ako? Mukhang hindi naman ah?

Unti-unti akong bumangon mula sa pagkahiga. Eksaktong bumukas ang pinto at nakita ako ng isang tagapagsilbi. Mukhang nagulat sya sa kanyang nakita.

Bakit ganon?

Agad na umalis ang tagapagsilbi na may malaking ngiti sa labi. Maya't mayay dumating sina ina at ama kasama ang mga Agustin. Kasama din nila sina Toming, Juana at si Liang na sinisintat iniirog ko.

Agad akong niyakap nila ina at ama. Sumunod si Liang na yumakap sa akin ng napakahigpit.

Ang sakit ng sugat ko. Di bale, nagbibigay lakas at lunas rin ang mga yakap ni Liang eh.

" Huwag kang masyadong malikot mi amor. Malaki-laki rin ang mga sugat mo. " wika ni Liang sa akin.

" Ano ang nangyari? Sugatan ako at nasa lawa kami noon. Naririnig ko pa ang tunog ng mga tumitirang kanyon. " tugon at tanong ko sa kanila.

Lumapit si Don Fidel at hinimas ang likod ko.

" Nasa bingit na kayo ng kamatayan noon. Lubhang nasugatan ang inyong hukbo at kaunti nalang ang natira sa inyo. Patuloy kayong pinaputukan ng mga guardia personal ng mga Buenaventura. Narinig namin ang kaguluhan kaya Agad akong nagpadala ng mga sundalo para kumuha ng kanyon sa armistida ng bayan at rumespundi sila para tulungan ang mga tropa nyo. " wika niya sa akin.

" Labis kaming nabigla sa narinig naming balita na muntik kang mapatay ni Ginoong Claudio mijo. " wika ni ina.

Nakita ko sa mga mata ni ama ang mga apoy ng galit at paghihimagsik habang nakikinig sa kanila.

" Isa sya huwad sa kanyang pamilya. Ang nararapat lamang sa mga huwad ay kamatayan! Dapat syang hatulan ng kamatayan! " galit na sigaw ni ama sabay ng pamumula ng kanyang mukha.

" Mi amor! Maghunos dili ka! Dapat hindi tayo magpadalus-dalos sa ating mga desisyon! Baka magkaroon lang naman ng iba pang kaguluhan sa ating bayan! " sigaw ni ina kay ama.

Tumayo si ama at padabog na naglakad palabas ng silid at humakbang patungo sa karwahe na dadala sa kanya patungo sa hacienda Buenaventura.

" Ama! " sigaw ko.

Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon