Capitulo Catorce

456 17 4
                                    

Nahulma sa mga kamay ni Liang ang mga kamao ng pagkakahiya.

" Baste? Matagal na ba itong iyong naramdaman? " nakayuko nyang sabi.

Oo Liang! Matagal na ito. Kahit anong limot na ginawa ko noon ay hindi tumalab sa aking naramdaman. Bigla lang itong naputol dahil kay Carmen. Kahit na kami ang magkasintahan ay ikaw parin ang nasa pusot damdamin ko.

Nanatili nalang akong tahimik at nakayuko dala ng kahihiyan.

" Sagutin mo ako Baste! " nakayuko nyang tugon.

Hinawakan ko ang kanyang mukha sa kaliwa kong kamay at ang kanyang palad sa kanila kong kamay.

" Pagpasensyahan mo na ang aking pagpapanggap Liang. Noon paman ay minahal na kita. Alam kong si Carmen ang Una kong pag-ibig pero ikaw ang tunah kong mahal. Ikaw ang siyang sinisigaw ng puso ko Liang. " wika ko sa kanya sa isang maamong boses.

Hinawakan ni Liang ang aking mukha.

" Bakit ang tagal mong nagpanggap? Bakit itinago mo pa? " tanong nya.

Bigla nyang idinampi ang kanyang mga Labi sakin. Naramdaman ko ang lambot ng kanyang labi, ang mga labi na kahit isang bahid ng karanasan ay hindi ito dinampihan. Ang mga labi ng awa, mga labi ng pag-aalala at ang mga labi ng pagmamahal.

Bumilog ang aking mata sa pangyayaring iyon. Na bigla ako sa kanyang nagawa.

" Alam mo ba na kahit ako ay hindi ko alam ang gagawin pag nandyan ka. Naramdaman ko na ligtas ako sa iyong piling Baste. Iyan ang dahil kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin ako nagkakaroon ng kasintahan. " paliwanag ni Liang sakin. " Mahal kita Baste. Higit pa sa inaakala mo, higit pa sa alam nila at higit pa sa pagmamahal mo para sakin. Te amo. "

Hinalikan na naman niya ako. Aminado ako na sa bawat halik ni Liang sakin ay nanlalambot ako.

" Sinasagot na kita Baste. Maari mo na akong pakasalan. " wika nya.

" Talaga binibini? " tanong ko.

" Mi amor nalang at oo maari na. " sagot niya sakin.

Niyakap ko siya ng mahigpit sa matinding kagalakan.

Sa himpapawid, makikita na namin ang mga lampara na nagsiliparan na. Sinimulan na naming ukitin ang pangalan namin sa puno ng mga pangako at sinidihan namin ang aming mga lampara.

" Magmula ngayon, ang punong ito ay maging saksi ng isang tunay pagmamahalan. Ang pagmamahalan ni Liang at Baste. " wika ko habang inuukit ang mga pangalan namin sa puno.

Baste x Liang

Pinalipad namin ang kanilang mga lampara at pinagmasdan ang kagandahan ng gabi.

" Te amo mi amor. " wika ni Liang habang kayakap ako

" Mahal din kita mi amor. " sabi ko sa kanya.

Salamat Panginoon!

Nakarinig kami ng hagulhul sa di kalayuan. Mas minabuti nalang namin na huwag nalang mag-abala.

Te amo mula kay Liang ay kalangitan para sakin.

Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon