" CARMEN?! ANONG KAGULUHAN TO? " sigaw ni Liang kay Carmen na patuloy na humahalakhak habang tinatanaw sina Esteban at si Toming ay binubugbog ng mga guardia civil.
" ITAPON NINYO ANG MGA REBELDENG IYAN AT IHANDA SILA SA KANILANG PAGLILITIS! " wika ng isang nakakainis na tauhan.
Lumabas mula sa lagusan ang isang nakatawang Claudio at Doña Trinidad.
Biglang sumulpot ang isang Carmen na tuwang-tuwang sa sakit na iniinda namin at isang nakangiting Don Cresencio.
" IPATAPON SILA! KASAMA ANG IBA PANG PESTE NG BAYANG ITO! " natatawang wika ni Don Cresencio.
" MGA HAYOP KAYO! " sigaw ni Esteban.
" ESTUPIDONG INDIYO! " sabi ng guardia sabay baril sa ulo ni Esteban.
" KUYAAAAAA! " mangiyangiyak na wika ni Soledad.
Hindi ako makapaniwala. Natumba ang walang buhay na katawan ni Esteban sa malamig na sahig ng arsenal.
" MGA HAYOP KAYO! " sigaw ko sa kanila. " MAGBABAYAD KAYO! "
" SILENCIO! " sigaw ni Claudio kasabay ng paghampas ng isang rifle sa aking katawan.
Nawalan ako ng lakas. Biglang dumilim ang paligid.
" MI AMORRR!! " kumukupas na tinig ni Liang.
*************
Namalayan ko nalang na nakasandal na pala ako sa isang basang pader.Nararamdaman ko na parang tinalian ang kamay ko.
" Bunso! " sigaw ni ate Laurencia.
" Ate! "
" Mi amor! " sigaw ni Liang sabay pulupot nya sa mga braso nya sakin.
" Mga hayop sila! Magbabayad sila! " wika ko.
" Shhhh. Tama na iyan mi amor. " pagtahan sakin ni Liang.
Naiyak nalang ako nang makita si Toming at si Soledad na sugatan at maraming pasa sa gilid ng kulungan.
" Bakit? " mangiyangiyak kong tugon. " Bakit ginawa nila sa atin ito? "
Naiyak nalang si Liang.
Narinig ko ang mga kaluskos ng mga kadena sa gilid.
" Mabuti at ligtas ang aming anak hijo. " nakangiting wika ng isang ina at ama sa isang sulok ng kulungan.
" Ama! Ina! " sigaw ni Liang kasabay ang pagyakap sa kanyang mga magulang.
" Mali talaga ang aming tingin sa iyo hijo. Mahal mo talaga ang anak ko na kahit sa iyong ikasasama ay lalabanan mo sya. " wika ni Doña Celesta sa akin.
" Pasensya na sa mga nasabi ko noon hijo. " wika ni Don Fidel kasabay ang pagyakap sa akin.
Napaiyak naman si Liang na nakatanaw samin habang kayakap si Doña Celesta.
" Paano naman kayo napunta sa kulungang ito Don Fidel? " nagtataka kong tanong.
Nahulma ang mga kamao ni Don Fidel at nagliliyab ang kanyang mga mata sa galit.
" Ang mga lintik na Kastilang iyon ang ang nagpakulong sa amin. Pinagbibintangan kami na nagrerebelde kami sa pamahalaan. Kinuha ng mga prayle ang aming mga lupain at pinahirapan kami ng husto. " galit nyang wika.
Nariring ko nalang ang iyak ni Liang habang pinapatahan sya ni Doña Celesta.
" Mabuti nalang at nakalikas sila Don Agusto at Doña Fausta. " wika ng isang pamilyar na boses mula sa gilid.
Si Ginoong Patricio.
" Ako ang ipinalit ni Crisostomo bilang tagapangasiwa ng tanggapang bayan. Ngunit sa kasamang palad ay pinagbintangan akong filibustero dahil hindi ko siningil ang isang namamalimos sa gilid ng simbahan. " wika ni Ginoong Patricio.
" Labis na ang pagpapasakit nila satin dito sa San Ignacio. " wika ni Toming.
" Dapat ay lalabas tayo upang bigyan tayo ng patas na karapatan. " wika ni Ginoong Patricio.
" Tiyak na matatalo lang tayo. Wala tayong laban sa kanilang mga opisyal. " wika ni Don Fidel.
Biglang pumasok ang isang guardia.
" Humanda na kayong mga lintik! May paglilitis bukas. Tiyak na hahatulan kayo ng kamatayan! " maangas na wika ng guardia.
" Mga hayop kayo! " sigaw ni Soledad sa kanya.
Agad na tinutukan ng guardia ng baril si Soledad.
" Huwag! " sigaw ni Liang. " Maawa po kayo! "
" Humanda kayo sa inyong kamatayan! Mga pesteng indiyo! " sigaw nya sa amin kasabay ng pag-alis.
" Lalaban tayo Soledad. " pagtatahan ni Toming.
" Tiyak na maipanalo natin ang kaso. " pagsang-ayon ko kay Toming.
" Humanda nalang tayo. "
BINABASA MO ANG
Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )
Ficción histórica" Mangingibabaw man ang unang pag-ibig, matatabunan parin ito ng tunay na pagmamahal." . . Sa mundo ng pag-ibig, di akalain ni Sebastian Navarro na magugunaw ang kanyang binuong mundo. Sobrang nagdadalamhati ang binata sa pagkawala ng kanyang sinasa...