Capitulo Once

539 13 1
                                    

Nagdaan ang tatlong taon ng panliligaw ay hindi parin oo ang naging sagot ni Liang sa akin. Ano ba ang aking pagkukulang? Noong unang buwan ay binagyan ko siya ng apatnapong dosena ng bulaklak, tsaka binigyan ko rin siya ng mga bagong libro pero bakit hindi parin oo. Ganyan ko naman nililigawan si Carmen noon.

Nagugulumihan ako sa naging aksyon ni Liang sa aking mga binabalak. Palagi nya nalang akong hinahagisan ng panyo at nasuspetyahan ko na may mga titik na isinulat sa mga panyo. Hanggang sa umuwi ako ning isang araw...

" Oh? Kamusta ang iyong panliligaw amigo? " wika ni Esteban habang nakaupo sa bangko namin sa casa.

" Ewan ko amigo pero baka may kinalaman ang mga panyo sa mga sagot nya. " sagot ko kay Esteban.

Tiningnan ni Esteban ang mga panyo...

" May nakita akong mga salitang nakasulat sa mga malaking titik. " wika ni Esteban.

Agad akong lumapit sa kanya at binasa ang mga salita.

"Ituring mo akong kaibigan at hindi kasintahan"

Bumilog ang aking mata sa aking nabasa.

Ayaw pala nyang maging isang mahinhin na binibini. Gusto nya ang mga gunita ng aming kabataan.

" Mukhang namulat ka ata sa katotohanan amigo. " nakangiting tugon ni Esteban sakin.

Aminado akong Masyado kong binigyan ng mga magagarbong bagay si Liang. Aminado din ako na sobra na ang ibinigay ko. Umupo ako at nag-isip. Lumapit si Luisa sakin at inilagay nya ang tubig sa lamesang nasa aking tagiliran.

" May kailangan po ba kayo señor? " tanong ng dalagita sa akin.

" Pakisabi sa ama mo na magpahanda ako ng isang kabayo at akoy pupunta sa bayan. "

" Masusunod po señorito. " nakayukong sabi ni Luisa bago umalis patungo sa kwadra.

Tumingin sakin si Esteban.

" May Plano kaba amigo? " tanong nya.

" Nais ko sanang dalhin si Liang muli sa bundok ng mga pangako at may Nais akong ipakita sa kanya. " sagot ko kay Esteban.

Ngumiti nalang si Esteban sa aking naiwika. Kung sa bagay naman ay malaking ang naging parte ng bundok na iyan sa kabataan namin. Iyon ay naging pook laruan namin at doon din bumugso ang aking damdamin para kay Meniang at doon din nag-iba ang lahat.

" Kung gayun, naway gabayan ka ng Maykapal Baste. " nakangiting tugon ni Esteban.

Lumabas na kami ng casa at nagpaalam na ako kay Esteban.

Mabilis na lumundag ang kabayo ko na pinangalanan kong Rosario. Labis na natuwa ang mga guardia personal sa Hacienda Agustin sa aking pagbalik.

" Magandang hapon po señorito Navarro. Mapawalang galang na po pero akala po namin na hindi kana po babalik. " nakayukong wika ng isang guardia.

" Walang anuman yun. Sya nga pala mga señor, nandyan ba si binibining Cecilia? " tanong ko.

" Tumuloy nalang kayo señor. Nasa loob sila. " sagot ng isa.

" Maraming salamat po. " tugon ko sa kanila.

Tumango ang mga Guardia at naglakad ako pa punta ng pintuan nilang gawa sa molave. Napansin ko na nilagyan pala ng mga callado at mga ventanilla ang bahay nila.

Huminga ako ng malalim at kumatok sa pinto.

Kaya mo ito Sebastian. Kaya mo ito!! Para kay Liang!!!

Facts 😊:

Callado: Air openings between the kisame and the walls.

Ventanillas: Air openings between the walls and the floor. Commonly called low vents.

Source:

Google search: Ventanilla and Callado

Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon