Capitulo Dieciséis

424 12 1
                                    

Agad kong itinakwil si Carmen at pinunasan ang labi ko. Nangingiyak na siya sa pagkabigla, ligaya at lungkot.

" Baste! Mahal pa kita! Pasensya na sa lahat ng sinabi ko. " sigaw ni Carmen sa akin.

Naramdaman ko ang biglaang bugso ng dugo sa aking ulo.

" Sinungaling ka Meniang! Sinungaling ka! Diba pinabayaan mo lang akong sugatan? Diba pinabayaan mo lang akong malukmok sa sarili kong mga luhat pagdadalamhati?! Tapos ngayon babalik ka dahil mahal mo ako? " sarkastiko kong tugon sa kanya.

Niyakap nya ako. Muli ko syang itinakwil.

Ano ba ang problema ng babaeng ito?

" Pakinggan mo naman ako Sebastian. " pagmamakaawa nya.

Para akong sinuntok sa tyan sa sinabi nya. Ang sakit!

" Inisip mo ba ako nung ako ang nasaktan? Hindi! Hindi mo ako inisip! Iniwan mo akong nasasaktan at naghihinagpis Meniang! " galit kong tugon sa kanya.

" Pero Baste ginawa ko lang iyon dahil sugo iyon ng aking ama. Habang papunta ako ng España ay labis akong naghihinagpis. Para akong lantang gulay dahil sa pangyayaring iyon at nang malaman ko na nanligaw ka at sinagot kana ni Liang ay minabuti ko nang hindi na mag-abala pero hindi ko kaya Baste. Maawa ka Baste! Mahal na mahal kita! " muli nyang pagmamakaawa sakin habang hinihila nya ang kasuotan ko.

Binigyan ko si Carmen ng isang matalim na tingin habang hinila ko mula sa kanya ang aking kasuotan.

" Inisip mo ba yan nung iniwan mo ako Meniang? Inisip mo ba kung ano ang mangyayari sa akin dahil dun? " tanong ko sa kanya.

" Parang awa mo na Baste! Kailangan ko bang hawiin ang mga ulap para makuha kita? Kailangan ko bang languyin ang karagatan para pakoy maging iyo muli? " wika nya sakin habang umiiyak.

" Tumigil ka nga binibini! Walang saysay ang iyong pag-iyak dahil ang taong mahal mo ay may mahal ng iba at si Cecilia yun. " sagot ko sa kanya.

Iniwan at pinabayaan ko nalang siya sa pampang. Naglakad ako pabalik ng hacienda Agustin nang salubungin ako ni Cecilia sa hardin.

" Magandang tanghali mi amor. " nakangiti nyang tugon.

Nanatili nalang akong tahimik habang patuloy na naglalakad pabalil sa mansyon nila.

" May bumabagabag pa sa iyo mi amor? Batid kong may gumugulo sa iyong isipan. " nag-aalalang tugon ni Liang sakin.

Habang pabalik na kami sa sala ay biglang nagtanong si Don Fidel. Bago lang silang Natapos sa pagpaplano.

" Hijo? May iniinda kabang sakit? " tanong nya.

" Ama? Ina? Maari na ba tayong umuwi? Biglang sumama ang aking pakiramdam. " wika ko kay ama at ina.

" Pasensya na po Fidel amigo pero nais ng aking anak na magpahinga muna. " wika ni ama.

" Ayos lang amigo. Magpahinga ka muna señorito. " tugon ni Don Fidel sa amin.

Nagpasya na kaming bumalik sa Hacienda at nagtungo ako sa aking silid at humiga sa aking kama.

Ano kaya ang ginagawa ng ingratang iyon dito? Diba sabi nya na hindi na sya babalik? Sabi pa nya na buburahin nya ang aming mga ala-ala pero bakit bumalik siya? Hay nako!!

" Señorito? May pinadala pong liham si binibining Carmen. " wika ni Luisa sa akin.

" Luisa, magmula ngayon ay hanggat may sulat na mula kay Carmen ay ilagay mo sa loob ng baul na ito. Hindi ko gustong mabasa ang paghahasik ng babaeng iyon. Iyan ay ang mahigpit kong bilin sa iyo. Intiendo? " wika ko kay Luisa.

" Masususnod po señorito. " sagot ng dalagita sa akin.

Minabuti ko na lang na magpahinga nang mabatid ko na may mga maliliit na bato na tumama sa mga bintana ko.

" Sino iyan? " wika ko kasabay ng pagbukas ng malaking bintana sa balkonahe ko.

Na gulat nalang ako sa aking nakita. Isang tanawing pumawi sa kalituhang naramdaman ko.

" Liang? Mi amor? " wika ko.

Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon