Capitulo Trienta Y Dos

302 8 2
                                    

Mahigpit kong niyakap si Liang at inulanan ko sya ng mga halik pero natauhan lang kaming dalawa nang umubo si Padre Clavino. Napatawa nalang si Toming, Juana, Francisco at si ate Laurencia.

" Ayon sa mga kultura natin..." panimula ni Padre Clavino.

"....na hindi pwede na maghalikan ang magkasintahan kung hindi pa kasal. " nakayukong tugon naming dalawa ni Liang.

Tumango at ngumiti nalang si Padre Clavino.

" Bakit kayo nakayuko? " tanong ni Padre Clavino. " Dapat ay magalak kayo. "

Tumawa nalang ang iba sa likod. Si Juana na nagmumukhang gulat at naguguluhan ay nagtanong sa matandang prayle.

" Bakit po padre? " wika ni Juana.

Dumaan ang sandali ng nakakabinging katahimikan nang pumasok ang isang seminarista na nakasuot ng sutana dala ang isang makapal na libro at mga damit ng pari na pangmisa.

" Padre? " wika ng seminarista, " Handa na ang altar para sa misa. "

Tumingin ang seminarista kay Liang.

" Binibining Cecilia sumunod po kayo sa kanya. " wika nya sabay turo sa isa ring seminarista na naglalakad dala ang isang puting bistida. "...at ikaw Ginoong Sebastian ay sumunod na kayo sa amin. " wika nya habang sinisimulan ang paglakad.

Sinundan ko si Padre Clavino at ang seminarista. Pumunta kami sa likurang bahagi ng simbahan kung saan matatagpuan ang sakristiya nito.

Nakahanda doon ang mga gamit ng misa at isang barong na sa aking pananaw ay bago palang itong gawa. Nakangiti si Padre Clavino at ang seminarista na nakatingin sakin habang minamasdan ko ang barong.

Nagtaas ako ng kilay.

" Sasabihin ko na ba padre? " wika ng seminarista.

" Sige hijo. " sagot ni Padre Clavino

Pumunta ang seminarista sa gilid ko at isinuot ng barong.

" T-teka ano ang nangyayari? " nauutal kong wika sa kanya.

Mahinhin nalang na tumawa ang seminarista at si padre Clavino. Lumapit ang matandang prayle na nakasuot ng sutanang pangmisa.

" Anak? " wika nya.
" Opo padre? "
" Alam mo, may malaking kaganapan ngayong araw na ito,

IKAKASAL KANA! " nagagalak na tugon ng pari.

Nagulat ako at nagitla sa narinig ko mula sa pari. Hindi na ako mapakali. Bumalot sa aking buong pagkatao ang kasiyahan at kagalakan. Sa wakas, matapos ang ilang mga masasakit at mapaghiwalay na mga sandali ay dumating din. Sa hinabahaba ng prusisyon sa simbahan parin tutuloy.

Dinala ako nila Padre Clavino at ng seminarista sa harap ng altar.

Sa di kalayuan ay nakikita ko sila ate Laurencia, si Toming at si Francisco na nakatayo, suot ang mga puting bistida at ang pinakahihintay sa lahat, si Liang na suot ang damit pangkasal na naglalakad patungo sa dambana.

Pagdating nya sa paanan ng altar ay tinanggap ko ang kanyang kamay at inalalayan patungo sa silya at humarap kami kay Padre Clavino.

" In nomine Patris, et Fillius, et Spiritus Sanctus. ( In the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit. )" wika ni Padre Clavino.

" Amen "

" Dominus Vobiscum ( The Lord be with you ) "

" Et cum spritu tuo ( And with your spirit ) "

Mula sa pagkaharap sa dambana ay humarap sya sa amin at ngumiti.

" Mga kapatid, " wika nya. " ...sa gabing ito ay nagkatipun tayo sa ngalan ng ating Panginoong Hesukristo upang saksihan natin pag-iisang dibdib nila Sebastian at Cecilia. Sa hindi pa tayo magpapatuloy ay nais kong sanang malaman kung sino ang tututol sa kasalang ito. "

Biglang bumukas ang pintuan ng simbahan at bumungad ang isang tanawing lumusaw ng aking mundo.

" ITIGIL ANG KASAL!!! "

" CARMEN?! "

Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon