Capitulo Cinco

1.1K 34 4
                                    

Napa-isip ako habang nag-aayos...

Bat ganon ang ayos ni binibining Cecilia nong nakaraang gabi? Bakit nakatali ang saya nya at bakit kimona lang ang pang-itaas nya? Nagpapanggap ba siyang indiyo? May iniibig ba sya sa mga baryo?

Pinukpok ko yung ulo ko gamit ang kuwaderno.

Hoy! Wag kang mag-isip ng ganyan! Baka may ginawa lang siya. Baka ginawa lang nya yun para makalabas siya ng hacienda Agustin. ARRRGGGHHH!! Di bale! Tumahimik ka nalang Baste!!

Inayos ko nalang ang aking korbata at huminga nang malalim.

" Kaya mo ito Baste. Huwag kang gumawa ng abala don. " wika ko sa sarili ko.

May kumatok sa pinto ng Aking silid.

" Bukas po ang pinto. Maaari ka pong pumasok. " tugon ko.

Bumungad sa aking paningin ang aking kapatid na si Crisostomo.

Mapungay ang mata, manipis ang mga labi, maganda ang hubog ng pangangatawan, may salamin at maayos ang ayos ng buhok at bistida ng aking kapatid. Isang pintor, piyanista, doktor, abogado at tagapangasiwa ng tanggapang pang-ekonomiya ng bayan. Mahusay pa mula nung Una itong aking kapatid.

" Kuya, tayo nat humayo at mahuhuli na tayo sa piging. " wika nito na may seryosong tinig.

" Ito na bunso. " wika ko habang lumabas ng silid.

Tumango nalang si Crisostomo at sinamahan nya ako papunta sa karwahe ng aming pamilya.

" Nauna nalang sila ama at ina kasama si ate Laurencia at Juana. " tugon nya sakin.

" Hindi ba sasama si kuya Pinong? " tanong ko sa kanya.

" Hindi kuya. Ipinapatawag po siya ni Kapitan Sandoval para magronda sa Baryo Rehas. " sagot ng kapatid ko.

Tumango nalang ako at sumakay sa karwahe. Umandar ang karwahe at nakita ko ang isang napakagandang tanawin, binalot ng liwanag ng kabilugan ng buwan ang bundok ng San Ignacio at bumugso ang hangin dala ang mga bulaklak ng puno ng mga pangako.

" Mapawalang-galang na po kuya pero, mukhang malalim ata ang iyong iniisip. " nakangiting tugon ni Crisostomo. " Iniisip mo ba si binibining Carmen.

Binigyan ko siya nang matalim na tingin. Ningitian lang ako ni Crisostomo at yumuko nalang siya.

Makaraan ang ilang minuto ay narating na rin namin ang Hacienda Agustin na nasa gitna ng bayan.

Malaki at magarbo ang mansyon ng pamilya Agustin. Nakakamangha rin ang dami ng mga bulaklak at halamang gamot dito sa hacienda nila.

Sayang at hindi ko nadala ang aking kuwaderno.

Nagpatuloy nalang kami ni Crisostomo sa paglakad at sinalubung kami ng mga tagasilbi sa may pintuan.

" Buenos noches ( Good evening ) " nakangiti kong tugon sa kanila.

Ngumiti sila sa amin at nagpatulog kami.

Maraming tao ang dumalo sa piging. Karamihan ay mga matalik na kaibigan ng pamilya Agustin kagaya nila ni Don Feliciano Fernandez na gobernador ng San Miguel, si Don Lucas Silvestre ng Rondello at si Don Alejandrino Urbano ng San Jose, kasama ang kani-kanilang mga pamilya.

Ang de calibre ng mga bisita ni Don Fidel ah. Hmm sa bagay, siya naman ang gobernador.

" Kuya? " tanong ni Crisostomo sakin.

Tumingin ako sa aking kapatid.

" Si? " sagot ko sa kanya.

" Balita ko raw ay dumating na si binibining Cecilia mula sa Europa. Nagkita na ba kayo? " tanong ni Crisostomo sa akin habang nakatanaw sa lawa.

Ang mga hacienda ng apat na mga makapangyarihang pamilya sa San Ignacio ay nakapalibot sa lawa. Ginawa ito dahil kapag may mga pagsalakay madali lang maka-alis ang mga namuno sa bayan.

Bigla kong naramdaman ang bugso ng mainit na dugo patungo sa aking mukha at nabatid ko na namula ako.

" H-hindi p-pa Toming. " nauutal kong sagot sa kanya.

Biglang tumawa ng mahinhin si Toming at tumingin sakin.

" Nako si kuya! Nabatid ko na may bumabagabag sa iyo Simula pa kanina. " nakangiting sabi ni Toming.

Biglang nanlaki ang aking mga mata sa kanyang tugon.

" May sinabi ba ako sayo? " tanong ko.

" Hihihi. Narinig kasi kita kanina mula sa silid ko kanina. Mukhang kinakausap mo ang sarili mo ah. " nakangiting tugon niya.

Nahiya tuloy ako. Yumuko nalang ako.

" Alam kong nalulungkot ka dahil sa paglisan ni binibining Carmen. Ayos lang yan. May mga aalis at dadating sa ating buhay kuya kaya, dapat marunong tayong tumanggap. " nakangiting sabi nya.

Bigla akong natauhan sa sinabi ng Toming.

Dapat marunong tayong tumanggap.

Naging malungkutin nga daw ako nitong mga linggong nagdaan. Masyado akong nabalot sa kalungkutan kaya hindi ko naramdaman na lumuluntang lang pala ako sa hangin ng aking pagdadalamhati.

" Maraming salamat bunso. " nakangiti kong sabi sa kanya.

" Wala lang iyon kuya. " sagot ni Toming sakin.

Nagsitipon ang mga tao at tumayo sa harapan ang isang lalaking nasa edad na trienta y ocho. May balbas at may awtoridad ang kanyang porma. Siya si Don Fidel Agustin, ang ama ni Cecilia

Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon