Chapter Six: Powers

77 4 3
                                    

.

First day of classes sa U.P. Baguio kinabukasan. Maaga akong pumasok kahit alam kong wala pa namang regular classes noon. Sabi kasi sa internet, freshmen orientation lang 'yung nangyayari sa U.P. kapag first day of classes. Pero naisip ko, okey lang 'yun. Kahit tumambay lang ako sa campus. Gusto ko rin naman kasing maging familiar ako sa bagong eskuwelahan ko.

Pagpasok ko sa entrance ng U.P., luminga-linga ako. Ine-expect ko kasi na anumang oras ay magpapakita si Misha sa akin. Sa totoo lang, in-expect ko nga na sasalubungin niya ako paglabas ko pa lang ng bahay, gaya nu'ng nakaraang araw na bibili lang ako ng pandesal.

Pero wala naman siya paglabas ko ng bahay. Hindi siya sumulpot nu'ng naglalakad ako. At wala rin siya pagpasok sa campus.

Kahit papa'no, nanibago ako. Nasan na kaya 'yun? tanong ko sa sarili ko. Nagseselos pa rin ba siya? Galit pa rin ba siya sa 'kin?

Sa isang banda, parang nakahinga ako nang maluwag dahil wala si Misha. Hindi ako kinikilabutan. Hindi ako nagugulat sa mga kakaibang ginagawa niya. Hindi rin ako nag-aalangan sa kakaibang presensya niya.

Pero kahit papa'no, parang nami-miss ko siya.

Nagpasya akong hanapin na lang 'yung classroom ng first subject ko. English 1. Nakita ko naman 'yon agad. Pumasok ako.

Dalawa pa lang sa mga kaklase ko ang nandoon noong mga oras na 'yon. Pareho silang babae at mukhang mga suplada sila. Nginitian ko sila bilang pagbati pero tiningnan lang nila ako sandali. Hindi man lang sila ngumiti. Tapos, itinuloy na nila 'yung pinag-uusapan nila at dinedma na nila ako.

Dahil mahiyain akong tao, hindi ako nagpilit sumali sa usapan nila. Mukha naman kasing hindi nila ako isasali kahit gusto ko. Pumuwesto na lang ako sa bandang likod, doon sa malapit sa bintana, saka ako umupo.

Mga isang minuto ang lumipas, biglang lumitaw si Misha sa tabi ko.

Syempre, magugulat ako. Napasigaw pa ako. "Anak ng...!" sabay tayo dahil sa gulat.

Nagtinginan sa amin yung dalawang kaklase ko. Pero ilang seconds lang, dedma na sila ulit. Inirapan pa ako.

Tawa naman ng tawa si Misha sa akin. "Umupo ka nga," sabi pa niya. "Ang epic ng reaction mo..."

"Ano ka ba naman kasi?" angal ko sa kanya. "Bakit bigla ka na lang sumusulpot?"

"Para may thrill," sagot niya lang. "Ikaw naman. Masyado kang nerbiyoso. Umupo ka nga."

Kahit naiinis, umupo pa rin ako. Pero hindi ko siya tiningnan, hindi ko siya kinausap, at hindi ko siya pinansin.

"Uy, galit ka?" tanong niya.

Hindi ako sumagot.

Naging malambing 'yung boses niya. "Sorry na..."

Pero hindi pa rin ako nagsalita.

"Wag ka namang magalit sa 'kin," pakiusap niya, halos nagmamakaawa na. "Nagbibiro lang naman ako, eh."

Syempre, hindi ako makakatiis sa gano'n. "Hindi maganda 'yung biro mo," sagot ko, medyo masungit.

"Sorry na nga. Hindi na mauulit." Tapos, hinawakan niya saka nilaro-laro 'yung ear lobe niya.

Napansin ko 'yon. Naisip ko, mannerism ba niya 'yung ginagawa niya sa ear lobe niya? Ilang beses ko na ba siyang nakita na ginagawa 'yun?

"Promise, hindi na mauulit," dagdag niya. "Hindi na kita gugulatin. Hindi na ako lilitaw nang basta-basta sa tabi mo."

Tiningnan ko siya, sabay taas ng kilay. "Promise 'yan ha," sabi ko.

Love Undying in the City of Immortal DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon