.
"Ano, Tabachoy? Gusto mong mabalian?" maangas na tanong ni Misha sa matabang lider nu'ng tatlo.
Bigla namang lumambot 'yung dating maangas na boses ni Tabachoy. "Ano ka ba naman, Misha?" angal niya. "Hanggang dito ba naman sa teritoryo ko, manggugulo ka?"
Tiningnan ako ni Misha saka ako nginitian.
Kahit na sobrang tamis nu'ng ngiti niya na 'yon, talagang kinikilabutan ako.
Tiningnan niya ulit si Tabachoy at nawala ulit 'yung ngiti niya. Naging mabangis ulit 'yung mukha niya. "Hindi ako nanggugulo!" sabi niya. "Pero tropa ko 'yang inaangasan nyo!"
Napalunok ako. Naguluhan ako sa sinabi niyang 'yon. Ano daw? Tropa niya daw ako? Kelan pa? Papa'no niya ako naging tropa?
Binitiwan agad ni Tabachoy 'yung kuwelyo ko. "O ayan. Hindi na. Hindi ko na kakantiin 'yang tropa mo."
Lumapit si Misha sa akin. Nginitian niya na naman ako. Tapos, hinawakan niya 'yung braso ko.
Kinilabutan ako lalo dahil doon.
Tapos, tiningnan niya na naman nang masama si Tabachoy. "Alis na!" utos niya. "Ayokong makita 'yang pagmumukha n'yo ngayon! Baka hindi ako makapagtimpi, mabugbog ko kayo!"
Nagmamadali namang umalis 'yung grupo ni Tabachoy na parang takot na takot sa kanya.
Kahit ako rin naman, takot noon.
Ang nakakapagtaka lang, bakit ipinagtanggol niya ako?
Napatingin ako sa braso ko na hawak-hawak ni Misha. Ramdam ko 'yung lambing ng hawak niya na 'yon. Naisip ko, papa'no siya magiging multo kung ramdam ko 'yung hawak niya? Saka parang kilala naman siya nila Tabachoy. Ang angas niya nga, 'di ba? Takot sa kanya sila Tabachoy?
Pero bakit hindi siya nakita nung kunduktor sa bus?
"Hi," bati niya sa akin, nakangiti na naman nang sobrang tamis.
"H-Hello," sagot ko, medyo kabado pa rin.
"Upo tayo," alok niya, sabay bitaw sa braso ko.
Medyo nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Medyo lang naman. "S-Sige," sagot ko.
Tumingin siya sa food stall na pinakamalapit sa amin. Nawala 'yung ngiti niya, tapos naging mabangis ulit 'yung expression niya. "Hoy, Bruno! Dalhan mo kami dito ng shawarma mo!"
Dumungaw mula sa stall 'yung Bruno na tinawag niya. Isang lalaking payat, may make up, saka maarteng magsalita. "Ilan pong shawarma, Mahal na Reyna?!"
"Dalawa! Saka dalawang iced tea! 'Yung malaki!"
"Masusunod po, Mahal na Reyna!"
Titig na titig ako kay Misha habang nangyayari 'yon. Hindi ko kasi alam kung ano ang iisipin ko tungkol sa kanya. Napaka-ironic naman kasi nu'ng pagkatao niya. Isang napakagandang babae, pero astang siga saka kinatatakutan ng mga bullies.
"Bakit parang natatakot ka sa 'kin?" tanong niya, nakangiti ulit sa akin habang hawak 'yung ear lobe niya.
Hindi ko alam kung papa'no sasagutin 'yon. "Ha? H-Hindi naman... ako... natatakot..."
Tumawa siya nang mahinhin. "Nagulat ka sa ginawa ko kila Tabachoy, ano? Astig ba? Sorry ha. Pero sabi kasi ni Father Dear, kelangan maging matapang ako. Sa ganda ko kasing ito, maraming pwedeng sumalbahe sa akin."
Napatango na lang ako. "Tama naman 'yon," sabi ko. "Nakakapanibago lang."
Bigla niyang hinaplos 'yung pisngi ko. Sobrang lambing noon. "Don't worry. Hinding-hindi ako magiging maangas sa 'yo. Lagi akong magiging sweet sa 'yo..."
BINABASA MO ANG
Love Undying in the City of Immortal Dreams
Misterio / SuspensoLuke went to Baguio for his college education, only to learn that the city is a melting pot of mystery and magic...