.
"Nakakainis!" reklamo ni Misha habang naglalakad kami.
Lunch time na noon. Papunta kami sa canteen. Katatapos lang ng English class namin. At alam ko kung bakit siya naiinis.
Sa English class kasi namin, hinati 'yung mga estudyante sa dalawang groups para mag-perform ng tig-isang stage play. Naiinis si Misha dahil hindi kami magka-group. At sa group ko, ako 'yung napiling lead actor at ibang babae ang napiling lead actress.
Bago pa natapos 'yung English class, ramdam ko na 'yung inis niya dahil sa special emotional connection namin. Ramdam ko rin 'yung inggit niya doon sa magiging kapartner ko sa stage play, pati na rin 'yung pagseselos niya.
"Wala tayong magagawa, Misha," sabi ko na lang sa kanya. "Si Prof 'yung nag-group sa atin, eh." Inakbayan ko na lang siya para gumanda-ganda naman 'yung aura niya. Alam ko kasi na magugustuhan niya 'yon.
Medyo kinilig siya sa pag-akbay ko. Kaya lang, nonstop pa rin 'yung pagrereklamo niya. "Eh, ano naman kung professor siya?" hirit niya. "Hindi niya dapat tayo pinag-iba ng group! Dapat pinagsama niya tayo!"
Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil sa sinabi niyang 'yon. "At bakit naman niya tayo dapat pagsamahin, aber?"
Tiningnan niya ako nang medyo mataray. "Kasi 'yun ang gusto ko!" sagot niya.
"At ano namang pakelam niya sa gusto mo?" pang-aasar ko naman.
'Yung medyo mataray niyang tingin sa akin, naging mataray na talaga. "Bakit ka ba kumokontra? Ayaw mong makasama ako?!"
Sa sama ng tingin niya sa akin na 'yon, napabitiw ako mula sa pagkakaakbay ko sa kanya. "Gusto," sagot ko. "Bakit ka galit?"
"Kasi nga, kumokontra ka!" singhal niya.
Huminga ako nang malalim saka lakas-loob na inakbayan siya ulit. "Hindi naman ako kumokontra," paliwanag ko. "Sinasabi ko lang na desisyon ng prof natin 'yung grouping natin sa class. Wala tayong magagawa doon."
Medyo humilig siya sa akin, medyo naglambing. Pero mataray pa rin 'yung sagot niya. "Meron!"
"Ano namang magagawa natin?"
"May powers tayo! Nalimutan mo na ba?"
"Papa'no naman nating gagamitin 'yung powers natin para maging magka-group tayo?"
"Eh 'di kokontrolin natin 'yung isip nu'ng pangit na professor na 'yon para pagsamahin tayo sa group!"
Medyo napakunot-noo ako sa sinabi niyang 'yon. "Pwede ba 'yon?"
"Oo naman!"
"Eh, bakit hindi mo ginawa?"
Hinintay ko 'yung sagot niya pero hindi siya sumagot. Bigla siyang natahimik. Hindi ko alam kung wala lang siyang maisip na isasagot o may ibang dahilan. Pero nawala 'yung atensyon niya sa usapan namin at bigla siyang lumingon-lingon sa paligid.
Napalingon na rin ako dahil doon. Wala naman akong nakitang kakaiba sa likod namin o sa paligid.
"Dito tayo," biglang sabi ni Misha, sabay haltak sa akin sa ibang direksyon. Hindi 'yon ang daan papunta sa canteen. Papunta 'yung daan na 'yon sa gate ng campus.
So, nagtaka ako. "Bakit dito?" tanong ko sa kanya. "Doon 'yung papuntang canteen, 'di ba?"
"Basta dito tayo," sagot niya. "Masyado pang mahina 'yang radar mo. Hindi mo nase-sense na may sumusunod sa atin."
Napalingon-lingon ulit ako. "Meron ba?" Wala pa rin akong makita maliban sa mga ordinaryong estudyante na naglalakad saka nakatambay.
"Meron. 'Yung dalawang matangkad sa likod. Naka-black T-shirt pareho."
BINABASA MO ANG
Love Undying in the City of Immortal Dreams
Mystery / ThrillerLuke went to Baguio for his college education, only to learn that the city is a melting pot of mystery and magic...