Chapter Fifteen: Jimboy

45 4 3
                                    

.

"Tara, Luke. Labas tayo," lambing ni Misha sa akin.

Nasa bahay nila kami noon sa Camp 6. Nasa sala kami, sa harap ng TV. Gaya ng palaging nangyayari kapag nandoon kami, walang ibang tao doon maliban sa aming dalawa.

Nanonood ako noon ng isang video tungkol sa mga Japanese samurai. Marami akong natutunan doon tungkol sa Martial Arts ng mga elite Japanese warriors na noong unang panahon. Pero ang pinaka-interesting sa mga natutunan ko ay 'yung paggamit nila ng katana, ang espada ng mga samurai.

At dahil busy ako, hindi ako sang-ayon sa gusto ni Misha. "Mamaya na," sagot ko sa kanya. "Nakikita mo namang nag-aaral pa 'ko, 'di ba?"

Tumabi siya sa akin saka yumakap sa braso ko. "Ilang ulit mo nang napanood yan, 'di ba?" sabi niya. "Sigurado, pasok na pasok na yan sa instinct mo."

May point naman si Misha sa sinabi niya. Sampung beses ko nang napanood 'yung video na 'yun. Alam na alam ko na kung papa'no gumamit ng katana. Marami na akong moves na nakita na alam kong nasa instinct ko na. Kung 'yung moves nga ni Bruce Lee, natutunan ko agad sa tatlong panonood ko lang sa videos niya, 'yun pa kayang sampu? At kung sakaling mapalaban ako nang espada sa espada, kahit ayoko sanang magkaroon ng laban na gano'n, at least handa na ako.

Bumuntung-hinga ako saka ko siya tiningnan. "Papa'no kung hindi pa pasok?" sabi ko. "Papa'no kung dumating 'yung time na may umatake sa akin na may espada, tapos hindi ko pala alam kung ano'ng gagawin ko?"

Tumayo siya saka ako tinaasan ng kilay. "Alam mo, Luke? Masyado kang humble. Maganda sana 'yan pero hindi 'yan nakakatulong sa training mo. Kapag sinabi kong kaya mo na, ibig sabihin, kaya mo na." Idiniin niya 'yung mga huling salita niya na 'yon.

Biglang may lumitaw na espada sa kamay niya. Alam ko, pinalabas niya 'yon gamit 'yung powers niya. Itinaas niya 'yung espada saka siya umatake sa akin.

Nagulat ako doon. Hindi ko inakala na aatakehin ako ni Misha na may hawak siyang espada. By instinct, mabilis akong nakatalon paatras para iwasan 'yung atake niya. Tumama 'yung espada sa sandalan ng sofa nila. Bumaon 'yon hanggang sa kalahati ng sandalan. At habang hinuhugot niya 'yon, tiningnan niya ako saka nginisihan.

Kinakabahan, agad akong nagpalabas ng sarili kong espada, isang katana, kapareho ng nasa video na napanood ko. Hindi na ako nahirapang palabasin 'yon. Pangatlong beses ko nang nagawang palabasin 'yon mula sa wala. Pero noon ko lang gagamitin 'yon sa isang laban o isang praktis. Ang worry ko lang, baka magkatamaan kami ni Misha sa biglaang praktis na 'yon. Ayokong mangyari 'yon.

"Misha, tigilan mo 'yan," sabi ko.

"Bakit, Luke?" nakangisi niyang sagot. "Natatakot ka ba?" Nahugot na niya noon 'yung espada niya. Nakaporma na siya para makipaglaban ulit.

Umiling ako. "Takot akong masugatan kita."

Lalo siyang napangisi. "Aba, mayabang ka na ngayon, ha."

"Hindi naman sa gano'n—"

"Hindi ba gano'n?" pang-aasar niya. Tapos, bigla siyang sumugod ulit sa akin, nakataas ang espada, at akmang tatagain na naman ako.

Mabilis kong naitaas ang katana ko. Nasangga ko 'yung atake niya, sabay hakbang papunta sa gilid niya, kung saan ako pwedeng gumanti.

Bago pa ako nakaganti, nakakilos agad si Misha. Nag-side step siya paiwas sa iniisip ko pa lang na atake ko. Tapos, itinaga niya 'yung espada niya patagilid, papunta sa katawan ko.

Nasangga ko 'yon, sabay talon paatras kung saan hindi niya ako agad maaabot. "Misha, tama na," sabi ko sa kanya.

Bigla siyang nawala. Alam ko, nag-teleport siya. Naisip ko agad, sa isang laban, kapag nag-teleport ang kalaban ko, malamang sa likuran ko lilitaw 'yon.

Love Undying in the City of Immortal DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon