Chapter Seven: Specials

68 4 2
                                    

.

"Ako talaga 'yung nagpabagsak nu'ng butiki kay Ms. Cervantes?" tanong ko kay Misha pagkatapos ng klase namin sa English 1.

Wala na kaming klase pagkatapos noon. Pinapupunta na kami sa Bulwagan ng Juan Luna para sa program ng freshmen orientation. At habang naglalakad kami ni Misha, kinukulit ko siya tungkol sa nangyari.

"Oo," sagot niya. "Ikaw 'yun. Hindi mo ba naaalala kung papa'no mo nagawa?"

"Inisip ko lang na malaglag 'yung butiki."

"Inisip mo lang?"

"Actually, gusto ko talagang malaglag 'yung butiki."

"O 'di ba? Anong sabi ko sa 'yo? Gustuhin mo lang. Nagduda ka ba na hindi mo kayang palaglagin 'yung butiki?"

"Hindi. Hindi na pumasok sa isip ko 'yung duda. Gusto ko, eh. Naiinis kasi ako."

"So alam mo na ngayon 'yung pakiramdam?"

"Kelangan ba talagang mainis ako?"

"Inis, galit, sama ng loob, takot, saya... Kahit anong emosyon, galing yan sa kaluluwa mo. Ang importante, buo sa loob mo, para lumabas 'yung magic mo."

"Buo sa loob?"

"Gustung-gusto mo. Walang duda. Walang pagdadalawang isip."

"Ah, gaya nu'ng kanina? Sa inis ko, gustung-gusto ko talagang malaglag 'yung butiki kay Ms. Cervantes..."

"Oo, ganu'n. Pero tandaan mo. Hindi lang inis 'yung pwedeng maging rason. Remember 'yung truck? Panic 'yon. Desperation."

May naalala ako. Napangisi ako. "Saka nu'ng lalapitan mo ko sa canteen?"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Eh, bakit ka ba kasi takot na takot sa akin?"

Nagkibit-balikat ako. "Syempre. Dalawang beses na teleportation kaya 'yung nangyari. Saka first time ko 'yun, 'no. Kahit sino siguro, kikilabutan kapag may nangyari sa kanya na imposible."

"Hindi naman 'yun imposible sa mga specials na kagaya natin," sabi niya.

"Oo na," sagot ko. "Basta. First time ko 'yun, eh."

Ngumiti siya. "Masasanay ka din."

"Siguro nga. Pahiram nga nu'ng holen. Baka magawa ko na ngayon."

Tiningnan ako ni Misha na parang hindi siya sigurado sa narinig niya. Pero ngumiti siya pagkatapos noon, saka niya ibinukas 'yung palad niya sa harap ko.

Nu'ng una, wala namang laman 'yung palad niya. Pero biglang lumitaw 'yung holen doon.

Nagulat ako syempre. "Pwede 'yung ganyan?" tanong ko sa kanya.

"Anong ganyan?" balik-tanong niya.

"'Yung magpapalitaw ka ng mga objects galing sa wala."

"Oo naman," sabi niya. "Actually, marami tayong magagawa, hindi mo lang alam sa ngayon kung papa'no."

Napukaw noon 'yung interes ko. "Papa'no magpalitaw ng mga objects?"

Humagikgik siya. "Masyado kang excited. Isa-isa lang. Saka na 'yun. Magpagalaw ka muna ng mga objects."

Tama naman siya. "Okay," sagot ko na lang. Tapos, kinuha ko na 'yung holen mula sa kanya. Ibinukas ko 'yung isang palad ko saka ko inilagay doon yung holen. Tinitigan ko 'yon. Todo focus. Gusto kong gumalaw 'yon kahit konti.

Gumalaw ka kahit konti lang, sabi ko gamit ang isip ko. Please lang, gumalaw ka...

Pero walang nangyari. Hindi gumagalaw 'yung holen.

Love Undying in the City of Immortal DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon